KINABUKASAN, araw ng aming performance, sobrang kabado ko dahil hindi ko alam kong magiging successful ang performance namin dahil first time kung sumayaw sa stage lalo na't ballroom ang theme.
Maaga kaming pumunta na ni Pip sa school. Dala na namin ang mga susuotin namin para sa sayaw.
Pagdating namin sa room ay naroon narin ang mga kaklase namin.
"Sum!" tawag agad pagkakita sakin ni Sky. "Sinong magmi-make-up sayo?"
"Sarili ko."
"Hindi ako marunong mag-make-up eh. Alam mo naman,natural ang beauty ko." aniya at natawa naman ako.
"Ako nalang magmi-make up sayo. Hindi naman kasi kaylangan makapal ang kolorete sa mukha."
"Tara na, bihis na tayo." sabi pa niya at hinila ako kahit nakahawak pa si Pip sakin. "Magbihis ka narin, Pip, ano ba yan! Aga aga, nilalanggam dito!" pabirong sabi pa niya at natawa lang si Pip saka binitiwan ang kamay ko.
Naghanap kami ng room na pwede naming bihisan dahil puno ang rest room sa building na iyon.
Nang makapagbihis kami ay minake-up-an ko si Sky tapos ang sarili ko.
"Halika ka dito babe." tawag ko kay Pip at agad naman siyang lumapit, nakabihis narin siya katulad ko. Napakagwapo niya sa suot niyang pero halatang hindi siya kompotable dahil masyadong fit iyon at ang pang-itaas naman niya at kita ang chest niya hanggang sa itaas ng pusod niya.
"Ano yan babe?" takang tanong niya nang ipahid ko sa mukha niya ang press powder.
"Powder lang to."
"Kailangan pa ba niyan?"
"Para mas lalo kang gumwapo." nakangiting sabi ko.
"Hindi ko naman kailangan maging gwapo para manalo tayo." rason niya.
"Kailangan dahil halos babae ang judges." nakangising sabi ko. "O ayan, tapos na."
Bigla nalang siyang yumakap sa beywang ko at nakangising tumitig sakin.
"Sayo lang ako magpapagwapo mahal ko." aniya pa at kinilig naman ako.
"Hoy! Mamaya na ang harutan. Halina kayo dito!" panirang sigaw ni Hilton samin.
Kanina pa pala silang nagkukumpolan doon.
Hinila ko si Pip at lumapit sa kanila.
"Meeting muna for the last time." sabi ni Hilton. "Guys, utang na loob, wag kayong kabahan sa oras ng performance ha. Ngayon palang ilabas niyo na yan. Umihi na kayo at nang hindi kayo doon mabalisawsaw kung kelan sasayaw na tayo, okay?!"
"Yes, pres!" sigaw namin.
"Okay, vice president. Lead a prayer please." baling niya sa bise-presidente namin na si Rowena.
"Hold hands tayo guys." utos niya at agad ko namang kinuha ang kamay ni Pip. Pero ngumuso ako nang hawakan niya ang kamay ng babaeng kaklase namin na katabi niya. Parang balewala naman iyon sa kanya dahil nakatungo siya at nakapikit ang mata.
Ipinikit ko narin ang mata ko nang magsimulang magdasal si Rowena. Naramdaman kong hinahaplos ng thumb ni Pip ang kamay ko kaya napamulat ako at napatingin sa kanya pero nakapikit parin siya. Siguro kinakabahan din siya sa performance namin ngayon.
"Okay, guys let's go!" tawag ni Hilton samin at nagpatiuna nang pumunta sa gymnasium.
"Teka, kulang pa tayo, pres. Where's Ishmael and Wendy?" biglang tanong ni Rowena.
Oo nga pala!
Agad akong napatingin kina Caleb at Pip.
"Pip, alam mo ba kung nasan na si Ish?" tanong ko kaya naman sa kanya rin tumingin ang mga kaklase namin.
"Kanina ko pa nga tini-text, ayaw magreply." sagot niya.
"Tinawagan ko narin. Out of coverage eh." dagdag naman ni Caleb.
"Okay lang yan guys." sabi ni Hilton. "Sana makahabol sila hanggang sa oras na ng performance natin."
"Ano ba yan! Baka nangdahil sa Wendy na yon, babagsak tayo dito!" reklamo ng isang babaeng kaklase namin kaya naman nagsalubong ang kilay ko.
"Bagsak agad?" kompronta bigla ni Sky na inunahan ako. "Hoy, Ashly, kahit naman manalo tayo dito, bagsak ka parin sa ibang subject!"
Inirapan naman siya nito kaya aambahan sana ni Sky nang awatin ko.
"Hoy, tama na yan. May performance pa tayo."
"Ang mahalaga guys, makapagperform tayo kahit wala sila. Hindi naman siguro mapapansin ng judges na kulang tayo, sa dami ba naman natin."
Tumango naman ang mga kaklase namin bilang pagsang-ayon.
"O tara na!" pinangunahan ni Hilton ang paglalakad papunta sa gymnasium.
Agad akong hinawakan ni Pip sa kamay at naglakad patungo doon. Panay ang enhale at exhale ko habang papasok sa gymnasium. Nakagat ko pa ang labi ko nang pagpasok namin ay nabungaran namin ang mga audience, ang mga parents namin at lower grades students.
"Hooo!!!" halos hindi ko marinig ang mga sinasabi ni Hilton sa unahan dahil sa ingay ng crowd.
Agad ko namang hinagilap ng tingin kung nasan si Mommy.
"Babe." tawag sakin ni Pip at itinuro ang pamilya niya, nagulat ako dahil kasama nila si mommy.
Nakita ko silang kumaway sa amin pati si mommy ay nakangiting kumaway sakin kaya ginantihan korin ng kaway.
"Guys, backstage!" sigaw ni Hilton at agad kaming sumunod sa kanya papuntang likuran ng stage.
Ilang minuto lang ay tumahimik ang crowd at tumunog ang mic. Ibig sabihin ay magsisimula na ang palabas.
"Good, morning!" agad na bati ng aming principal. "I'd like to thank all of you most especially the parents for coming here to watch our dear students in there wonderful performances. I hope you'll enjoy until the end of their performances. And students, good luck to all of you. That's all thank you. Mr. Gibson will tell you all about this show. Mr. Gibson."
"Good morning po sa inyo mga minamahal naming parents. Binigyan po naming mga P.E instructors ang mga grade 11 students ng special project para sa kanilang last performance task sa subject na ito. May iba't ibang talent na ipapakita ang bawat strand at ito ay ang drama, sayaw at pag-awit. So, hindi na natin patatagalin. Ang unang magpapakitang gilas, please all welcome, STEM strand for their chosen category, Drama. Please give them a round of applause!" ani Mr. Gibson at pinanood namin ang paglabas nina Reign sa entablado.
"Go Reign!" pahabol na sigaw ni Sky.
Habang nagsisimula ang performance nina Reign ay panay ang kalabog ng dibdib ko sa kaba. Well, lahat naman kami ay hindi mapakali at halata sa itsura ang kaba.
"This is it guys, malapit na silang matapos. Tayo na ang susunod." sabi ni Hilton na ipinagkikis-kisan ang mga palad sa excitement.
"Thank you, STEM students." narinig naming sabi ni Sir Gibson. "May we call on the next performers, please give a round of applause for... ABM strand to perform ballroom dance!!"
Agad akong huminga ng malalim bago naglakad kasam sina Pip palabas ng entablado.
Halos nakakahilo pala kapag doon ka tumingin mula sa stage. Napakaraming tao!
"Relax babe..." bulong ni Pip nang hawakan ang kamay ko at inakay ako sa tamang pwesto namin.
Tumango nalang ako at huminga muli ng malalim.
"Sandali!!" napatingin kami sa backstage at gulat kaming makitang tumakbo palapit sa amin sina Ish at Wendy! Nakabihis na din sila. Tuwang tuwa ako dahil kumpleto kamisa wakas. Hinihiling ko nalang na sana memorize parin kahit papano ni Wendy ang steps dahil bihira siyang umattend ng practice namin.
Ngingitian ko sana si Wendy pero nakayuko lang siya at hindi ko mabasa ang iniisip. Napabuntong hininga nalang ako at nag-ready sa aming sayaw.
Nang lahat kami ay naka-pwesto na at ready na, ilang saglit lang ay pumailanlang ang musika ng aming sayaw. Sabay kaming kumilos lahat bilang intro ng aming kamay. Lahat kami ay in-character. Kahit si Pip ay ibang iba ang awra. Aakalain mong professional dahil sa galaw at karisma. Kaya naman pati ako ay ginaganahan at nawalan ng kaba. Naging natural ang ngiti namin sa isa't isa ni Pip at pawang pareho pa kaming nag-ienjoy sa sayaw namin.
Hindi niya hinahayaang mabitawan ako sa bawat liyad at angkas ko sa kanya. In-imagine ko nalang na kami lang dalawa sa lugar na iyon at parang natural lang ang aming ginagawa.
Nang dumating sa katapusan ang kanta ay ibinigay ko ang lahat ng kakayahan ko para mapaganda ang performance. Lumiyad ako at hinintay ang paglapit ng mukha ni Pip sa akin. Mas inilapit ko pa iyon upang mas magkaroon ng impact sa manunood at hindi nga ako nagkamali, umingay ang audience dahil sa ginawa namin. Pero mas umingay ang crowd nang sa bigla akong halikan ni Pip at hindi na binitawan hanggang matapos ang kanta.
"Yieeee!!!!" panunukso ng mga estudyanteng kinilig sa ginawa namin.
Napangiti akong nilingon si Pip. Maging siya ay masayang nakatingin sakin. Naghawak muli kami ng kamay at sabay sabay na nag-bow.
"Wooooh!!! Ang galing niyo!!!" sigaw at tilian ng mga manunuod.
Halos magsigawan ang mga kasamahan ko nang makabalik kami sa backstage dahil sa tuwa.
"Nagawa natin, babe!" tuwang tuwang sabi ko at niyakap naman ako ni Pip.
"Yes, we did it."