Chapter 4: Pag Iwas

3313 Words
Lunes ng umaga sa tambayan biglang umalis si Enan kaya feeling guilty yung mga kaibigan niya. Kababalik ni Clarisse galing CR, “Nasan na siya?” tanong ng dalaga. “Nag walk out ata” sabi ni Shan. “Ata?” tanong ni Clarisse. “Kayo kasi e, bakit niyo kasi kinukulit, wala na magtuturo sa akin ng charms. I was really looking forward to him teaching me pero kayo kasi e” sabi ni Gregory. “Hala kayo, pero guilty din ako. Kaya lang kasi parang ang laki naman masyadong sikreto yon para itago niya. I mean ang galing sobra at naitago niya. Nasanay na kasi tayo sinasabi niya ex ko yan, ex ko si ganito, we just laugh at him. Pero binulaga niya tayo at bakit ba ayaw natin tanggapin kasi?” sabi ni Clarisse. “Masama siguro loob niya sa atin, all this time we were being good to him, tapos eto na may pruweba siya pagdududahan natin siya imbes na tayo pa mauna na magiging masaya para sa kanya” sabi ni Tommy. “I think we should say sorry” sabi ni Jason. “Alam niyo guys and girlfriend of Shan, nainspire ako. Tama naman si Enan e, tignan niyo ako, deep inside din I feel so small pero after seeing with him Cristine, nabuhayan ako sobra. Di sa nilalait ko siya ha pero siya mismo naman nagsabi, iisang tribo kami, tribo ng pangit, if he can do it e di ako din. Kaya pag uwi ko nga di ako nakatulog kasi there is a chance e” “Nilista ko pa nga mga crush ko talaga, kaya lang I want to know how he did it. Please wag kayo tatawa, baka iniisip niyo na iniisip ko na ginamitan niya si Cristine ng gayuma, wag naman please, wag niyo naman sirain itong munting hope ko” drama ni Gregory. “Tado di mo bagay magdrama, di ko madistinguish yung normal face mo sa sad face. Parang iisa” narinig nila sabi ni Enan kaya nagtawanan sila. Naupo ang binata at natatawa siya pagkat lahat mukhang maamo. “Guys I am not offended sa mga pagdududa niyo. In as much that I would like to prove it further, I am sad to say me and Cristine, we are over” “May sarili na siyang buhay, ako may artistahing low profile na buhay. Kung siya pinili niya sa spotlight, ako naman mag ninais ko biyayaan ang taong bayan sa araw araw. Libre, kaya you are lucky for being with me” landi ni Enan at lalo natawa ang mga kaibigan niya. Pagsapit ng lunch sa isang karinderya sila kumain. Nakasindi yung TV kaya biglang may tinuro si Enan sa screen. “Ayan, nakikita niyo yan, si Sharmaine, former beauty queen yan” sabi ng binata. “Oh no, don’t tell me ex mo din yan” sabi ni Clarisse. “Of course not, sinasabi ko lang yung alam ko, hello updated din ako sa showbiz. Yan pretty face and sexy body lang yan, di tugma wavelength namin” sabi ni Enan pasikat kaya laugh trip mga kaibigan niya. “Pare if you don’t mind me asking, naka ilang girlfriend ka na ba?” tanong ni Gregory at lahat napatingin kay Enan. “Alam mo pare, di ako nagbibilang e, pangit yung nagbibilang kasi iisipin nila playboy ako. Puso ko kasi medyo marupok, lalake lang ako at madali ako matukso sa panlabas na kaanyuhan” “Siguro madami kayo maririnig sa ibang babae saying ex ko si Enan, please lang wag kayo agad maniwala. Ganito talaga ang artistahin, ngitian mo lang akala nila kayo na. Gosh sometimes I wish I was just plain normal” drama ni Enan at halos mamatay sa tawa mga kaibigan niya. “So how many?” tanong ni Clarisse. Napabuntong hininga si Enan sabay naglabas ng papel at nagsimula maglista ng mga pangalan mga ng babae. Lahat napatingin sa papel at napanganga sa dami ng kanyang nailista. “Lahat yan?” tanong ni Clarisse sa gulat. “Ay bakit? Akala niyo nililista ko pangalan ng mga ex ko? Oh my, I am sorry, itong list na itong nakikita niyo e yung mga pangalan lang ng mga binasted ko” pasikat ng binata. Inagaw ni Shan yung listahan, “Walanghiya ka panay pangalan ng arista ito ha” sabi niya. “I really don’t know pare, I cant help it. They just keep coming at me, wala naman ako pinapakitang motibo, yung iba nga diyan di ko pa nakilala pero ewan ko ba. Its hard being born with such irresistible charms” landi ni Enan. “Uy ano yan?” biglang may nagtanong kaya paglingon ng lahat nakita nila si Violet na nakikibasa sa listahan. Biglang tumayo si Enan, “Excuse me, mauna na ako at may irurush pa pala ako” paalam niya sabay nagmadaling umalis. Napasimangot si Violet habang hawak niya tray ng pagkain niya. “You can take his seat” sabi ni Clarisse. “I think I should go too” biglang sabi ni Gregory kaya lalong nasaktan damdamin ni Violet. “Wag na, ako nalang aalis, you can call him back” bulong niya. “Greg stay, sige na upo ka na, wala nang vacant table” sabi ni Clarisse. “He didn’t have to go” bulong ng dalaga nang naupo siya. “Duh, alam mo naman kasalanan mo e” bulong ni Greg kaya sinipa siya ni Shan. “Excuse me aalis nalang ako” bulong ni Violet at sakto nagkaroon ng bakanteng lamesa kaya doon siya lumipat. “Gago ka naman pare e” bulong ni Shan. “Excuse me kakampi ko si idol Enan, I will not apologize” sagot ni Greg. “Yeah, kumalas siya sa atin so doon siya sa bagong mga barkada niya dapat” sabi ni Tommy. “Uy wag naman kayo ganyan, baka naman gusto niya lang mag apologize kay Enan” sabi ni Clarisse. “Apologize my butt, kung apologize e dapat pagdating palang niya go na agad. Wala lang yung mga bagong barkada niya kaya siya nandito” sabi ni Tommy. “Grabe kayo, she was one of us naman ha. May pinagsamahan naman tayo” sabi ni Clarisse. “Yeah right, dapat yun ang inisip niya bago niya nilait lait si Enan. Oo nanligaw si Enan, so as a friend dapat she denied him naman nicely. Yung ginawa niya parang bale wala lang si Enan e, wala lang kasama yan kaya siya nandito” sabi ni Jason. “Shan samahan ko muna siya ha” lambing ni Clarisse. “Sure go ahead” sagot ng binata. “Traydor” bulong ni Greg na pabiro. “Judas” bulong din ni Shan kaya napataas kilay ng dalaga at muling naupo. “Wag na nga, bwisit kayo” bulong niya kaya nagtawanan sila. “Joke lang, sige na puntahan mo. Pagsabihan mo yang babae na yan ha” sabi ni Greg. “Wow loyal na kay Enan o, parang kailan lang e mainit ulo mo sa kanya” banat ni Clarisse. “Hawak ni Enan ang bandila ng tribo namin. Promoted na siya sa tribe leader kaya eto ako bilang tribe member nagbibigay pugay at galang sa idolo ko” banat ni Greg kaya halakhakan ulit sila. Sa kabilang lamesa napatingin si Violet kay Clarisse, “Want company?” pacute niya. “Sis kung galit ka din sa akin just tell me” sabi ni Violet kaya naupo si Clarisse. “Well, to be honest oo e. Sorry ha, you really hurt Enan kasi. Di sa kumakampi ako kay Enan dahil bestfriend siya ni Shan, pero siya si Enan, my friend, your friend too if you still see him as that” sagot ni Clarisse. “Alam ko mali ako, okay lang kung galit kayo talaga. I deserve it” bulong ni Violet. “Kulang pa nga e” banat ni Clarisse. “Ouch” bulong ni Violet. “Just keeping it real sis, sa totoo nga gusto kita sabunutan pero siguro you have your reasons. Pero sorry sis ha, siguro fault ko din. I forced him to court you” “Matagal ko na napansin na he likes you, well not really pero nung kumalas ka sa amin tapos sumama ka sa new barkada mo, lahat kami nagtampo except him. Nilalait ka namin pero Enan gets mad and tries to explain why you chose another group. Ipinagtatanggol ka niya sa amin, doon ko napansin he likes you” “Tapos kahit na nandon ka sa new group of friends mo nakita mo naman he makes a way to still invite you pag may lakad kami. Kapag wala yung new friends mo napapansin mo naman siguro lagi siya nandon naka ready samahan ka. Anyway sorry, I forced him to court you. If only I knew ganon magiging reaksyon mo then sana di ko na siya pinilit” sabi ni Clarisse. Napahaplos sa noo si Violet, “I cant explain…basta alam ko mali ako” sagot ng dalaga. “Hayaan mo na, you have your reasons, pero sana naman tulad ng sinabi ko last week, please stop hurting him. Pag wala ka masabing maganda sa kanya then wag mo nalang siya papansinin” sabi ni Clarisse. “Gusto ko magsorry” bulong ni Violet. “Saka na sis, nakita mo naman umalis agad nang makita ka. Umiiwas siya kasi he feels pag dadaan ka e sasaktan mo ulit siya. So let it be for now, I will not help you by the way, ikaw mismo maghanap ng paraan to patch things up with him. If you don’t want him as a friend just say sorry nalang” payo ni Clarisse. “Okay…grabe dami na pagbabago sa barkada” bulong ni Violet. “Di naman kami nagbago ha” sabi ni Clarisse. “Gregory is talkative now” sabi ni Violet kaya natawa si Clarisse. “May paside comment na siya ano? Style Enan diba?” pacute niya. “Oo nga, ano yon nahawa na sila kay Enan?” tanong ni Violet. “Hindi ha, si Greg kasi nainspire kay Enan. “Inspire? Saan naman?” tanong ni Violet. “Ah..gusto ko sana sabihin pero wag na kasi alam ko hindi ka maniniwala. I am sure of that after what you did to him” sabi ni Clarisse. “Aray…gusto ko magpaliwanag sana if you give me the chance” sabi ni Violet. “I don’t need to hear that, whatever your reasons were si Enan lang dapat makaalam. Kahit magpaliwanag ka sa amin at magsorry e si Enan naman nasaktan mo. Mas maganda na talaga pag sa kanya diretso ka magpaliwanag. Sis kung sa amin ka dadaan parang ang pangit” “Tapos kami magsasabi sa kanya? Diba mas maganda na pag ikaw diretso para at least magkaroon siya ng closure. Tapos siya nalang magsasabi sa amin. Sorry sis ha kasi its better that way kasi para naman alam niya totoo kesa naman second hand news niya matatanggap sorry mo. Mas maganda pag personal” lambing ni Clarisse. “Yeah, I will, pero alam mo sis kaninang umaga naglakas loob na talaga ako lumapit sa tambayan. Nakita kita umalis, ayon naging hesitant ako but I when I had guts to go over nakita niya ako tapos umalis ulit siya e” kwento ni Violet. “Kasi nga ayaw na niya masaktan, he thinks pag nandon ka e baka laitin mo nanaman. Matanong ko lang Violet, di ka naman ganyan dati ha. Nung magkakasama tayo ano yon nagpipigil ka lang ba talaga? You were trying to be nice?” tanong ni Clarisse. Napabuntong hininga si Violet sabay nakipagtitigan kay Clarisse. “Wait wag mo na sagutin yan, sa kanya ka nalang magpaliwanag” “If I only knew ganyan pala tingin mo sa kanya sana di ko na siya pinilit. Akala ko lang kasi talaga okay ka e, I mean pag magkasama kayo you seem to be okay with him. Ikaw pa lagi tatawa sa jokes niya, ikaw yung never kumontra, but when you start laughing you know he keeps cracking jokes for you, well if you don’t know then now you know” “Lately he does tell jokes, pero not like before when you were around. Dati mapapaiyak niya talaga tayo lahat kakatawa, ngayon bihira nalang kasi wala na talaga yung gusto niya patawanin sa grupo. If I only knew talaga, mali akala ko e” sabi ni Clarisse. “Uy sorry talaga, I really didn’t mean to hurt him” bulong ni Violet. “Anyway, so kumusta naman panliligaw ni mister gwapo?” landi ni Clarisse. Di sumagot si Violet at napahaplos lang sa leeg niya. “Oh you don’t have to be shy, at first nagtataka kami bakit ka nagka new friends pero alam mo ba si Enan nag explain. He said crush mo yung kuya ng ex niya” kwento ni Clarisse at nagtawanan yung dalawa. “Oh my God pano niya nalaman?” tanong ni Violet. “Yan din tanong ko sa kanya pero as usual sabi niya ex niya si new bestfriend mo. Kaya daw kilala niya si kuya, one year older right?” tanong ni Clarisse. “Yeah…getting to know each other palang naman…he just broke up with his girlfriend kaya steady lang” bulong ni Violet. “I see, well goodluck with that” sabi ni Clarisse. “Lately namimiss ko kayo. Saw him dancing in front of Shan, para akong loka loka tumatawa mag isa habang kasama ko sila. Tapos nakita ko kayo, I mean siya sa kotse niyo ata yon. Yung muntikan na siya natapon palabas last week” sabi ni Violet. “Ah oo, as in muntikan na talaga siya lumabas. Si daddy kasi nagbiro e. Daddy let him kasi nga I told them he was in pain, so ayon feeling artista talaga si loko. At alam mo ba lumala na siya, as in ibang level na pagka feeling artista niya. At ngayon alam na namin true reason why ganon siya” landi ni Clarisse. “O ano reason?” tanong ni Violet. “Oh sorry, he made us promise to keep it as a secret. Trust me Violet pag nalaman mo yon, sus magugulo isipan mo. As in, but everyone has their secrets, we just didn’t expect Enan to be keeping a really big secret like that” sabi ni Clarisse. “Daya naman, share mo naman” sabi ni Violet. “Hello! Bakit ka bigla intersado sa kanya? Diba binasted mo siya at you called him names?” sabat ni Clarisse. “Aray…dibale na nga…Clarisse how do you think I am I supposed to approach him?” bulong ni Violet. “Yan ang di ko alam. Hey look I really wont help you. Magkaibigan tayo pero let me just say galit parin ako sa iyo. Kung okay na kayo ni Enan, I mean pag nakapag sorry ka na sa kanya then okay narin tayo. We can talk, make chikahan pero sis galit parin ako sa iyo ha” pacute ni Clarisse. “Yeah I know, alam mo ba all this time I don’t know his number” kwento ni Violet. “Ek ek mo, pag wala ka kasama e lagi ko kayo nakikita magkasama” sabi ni Clarisse. Napangiti si Violet, “Funny nga e, he seems to just show up lagi at the right time. Kaya siguro nasanay na ako at di ko na kinailangan kunin number niya” sabi ni Violet. “Uy uy uy, ano yan nagsisisi ka na ba sa nagawa mo? Have you seen the light?” tanong ni Clarisse at biglang natawa si Violet. Tumaas ang mga kilay ni Clarisse pagkat parang loka loka kaibigan niya na tumatawa mag isa. “Huy para kang sira” sabi niya. “Have you seen the light? Loko lokong Enan yon, remember nung naoperahan lola ko? Sumama kasi siya that time nung bumisita ako after class tapos unang tanong niya sa lola ko yon e” kwento ni Violet at naghalakhakan ang mga dalaga. “Tapos lola ko parang gulat, parents ko nagtaasan ng kilay, so si Enan biglang tumahimik, tapos biglang sabi niya sa lola ko welcome back” hirit ni Violet at naluha na si Clarisse sa katatawa. “Sira ulo talagang Enan” sabi niya. “Tapos when we were all busy si Enan nag aasikaso sa lola ko, napangiti mom ko kasi he wiped my lola’s forehead, then sabi niya…” sabi ni Violet na nauna na tumawa. “Gaga tuloy mo” sabi ni Clarisse. “Bakit pa kasi ngayon mo lang naisipan magpa ligate. Lola ko sumigaw talaga, sixty two years old na ako matagal na ako nagmenopause!” kwento ni Violet. Halos mayakap na ni Clarisse yung lamesa sa tindi ng tawa, “Then Enan kumamot e, humirit pa ang loko, lola talaga e di magmenoplay ka ulit. May asim ka pa naman e, ano tawagin ko na si doc para ipareverse ligation mo? Before my parents could react my lola laughed so hard” “Pero lola wag ako ha then he whispered something to my lola’s ear, wala nakarinig pero lola ko napangiti nalang e. After that si lola lagi na hinahanap si Enan, pilya din kasi lola ko e, she really teases Enan as in nilalandi siya ng lola ko. Kaya ayon si Enan naman he does his artistahin talks, aliw na aliw lola ko sa kanya” kwento ni Violet. “Kaya after our talk..lalo ako naging guilty kasi pati si lola tinatanong nasan na daw si Enan. Natatakot ako umamin sa lola ko baka maatake siya sa puso” sabi ng dalaga. “Grabe ang dami niyo pala pinagsamahan ni Enan ha” sabi ni Clarisse. “Ouch, oo na oo na, I already am feeling guilty okay. Don’t worry I will talk to him. I just don’t know how kasi iniiwasan niya ako” sabi ni Violet. “Well sis you will find a way. Basta get it done, then after that kahit ibalik niyo yung dati na as friends” “It happens naman na nagkakaligawan, kung wala talaga then remain as friends. Mabait naman siya e, I am sure he would like that” sabi ni Clarisse. “Yeah siguro as friends, I really feel shitty after what I did. Ewan ko ba. Oh wait ano pala nangyari sa fingers niya? I have been wanting to ask pala about that” sabi ni Violet. “Wow may concern bigla? Hugas kamay sis?” tanong ni Clarisse. “Grabe ka naman, wag mo naman na idikdik please. Concern as a friend” sabi ni Violet. “Long story, ano free ka ba mamaya? Dadaan ako sa mall kasama si mama, kung free ka sama ka at magkwekwento ako” sabi ni Clarisse. “Oo ba, sige sige sama ako” sabi ni Violet. “O baka naman kailangan mo pa magtanong kay cutey pie mo” landi ni Clarisse. “Nah, basta sasama ako. Kita tayo sa tapat ng building later. Itext mo ako” sabi ni Violet. “Sure sige, naku trust me matatawa ka” sabi ni Clarisse. “I know, basta naman pag si Enan ang bida matatawa talaga ako e” sabi ni Violet. “Hmmm fishy fishy” bulong ni Clarisse. “What?” tanong ni Violet. “Oh nothing, see you later sis. At oo galit yung mga boys sa sa iyo but don’t worry pag okay na kayo ni Enan e susunod narin sila” bulong ni Clarisse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD