Chapter 1: Enan

3269 Words
Pagdating sa parking area agad lumabas si Enan. Tumayo siya ng tuwid, tinaas ang mga kamay niya sabay ngumiti. “Can you feel it? Sumigla nanaman ang school natin dahil muli sila mabibiyayaan araw araw. This school is so lucky to be graced by my presence” landi niya. Bungisngis yung dalawa sa loob ng kotse at sabay pa napailing. “He is normal, as if walang nangyari” bulong ni Shan. “Oo nga, same old Enan. Pero ano nangyari sa fingers niya? Bakit naka cast sila?” tanong ni Clarisse. “Ewan ko pero tanong ko mamaya” sabi ng binata. Naglakad na yung tatlo papunta sa kanilang tambayan, may tatlong lalake doon at yung isa parang galit ito kay Enan. “Sorry fans wala munang autograph today ha kasi injured fingers ko o. Last time kasi halos one thousand nagpautograhp sa akin. Alam niyo naman I cannot refuse my fans” landi ni Enan at nagtawanan yung dalawa ngunit yung isa napatingin lang sa malayo. May mga babaeng dumaan, tumayo si Enan at kinawayan sila. “Good morning pretty girls” bati niya. “Hi Enan” sabay sabay na bigkas ng mga babae kaya ang binata todo mister pose sabay nagbigay ng flying kiss. “See you in class pretty girls” sabi niya sabay naupo. “Ayos pare sino nanaman mga yon? Magkano naman binayad mo sa kanila?” tanong ni Shan. “Ganon? How dare you call yourself my bestfriend. I am offended by your statement” banat ni Enan at nagtawanan yung iba. “Oo nga first time may pumansin sa iyo ha” biro ni Clarisse. “Hoy babae wag kang bitter. Pagkatapos mo malaman true feeling ng boyfriend mo pati ikaw tinitira mo na ako ha. At bakit pa kayo nagtataka? They are my fans, hinahangaan nila ako. Kayo mga kaibigan ko hindi niyo parin tanggap na artistahin ako?” “But I understand you, kasi araw araw niyo ako nakasama kaya siguro immune na kayo o sanay na. Kaya sa paningin niyo normal nalang ako. I understand and I am not hurt, just be happy for me pagkat ganito talaga ang sikat” banat ni Enan at laugh trip ulit sila. “Tae! Mga kaklase namin mga yon” sabi nung maskuladong lalake sa dulo. “Kaklase niyo mga yon Greg?” tanong ni Clarisse. “Naninira ka ng trip!” sigaw ni Enan at tumayo si Gregory at nagkaharap yung dalawa. “Ano tara” hamon nung malaking binata kaya napatayo narin yung iba at pinaghihiwalay yung dalawa. “Gago ka Enan pag di ka tumigil talaga di lang dalawang daliri babaliin ko sa susunod” sabi ni Greg. “Masyado kang pikon! Kung ikaw manlait sa akin ayos lang pero pag ikaw pinikon ko war freak ka agad. Kung marunong ka bumato matuto ka din sumalo” bulyaw ni Enan. “Mafeeling ka gago ka, wala ka itsura tapos nag gaganyan ka feeling artista. Mahiya ka nga sa sarili mo” sabi ni Greg. “Excuse me, tanggap ko itsura ko at aminado ako pangit ako, masama ba mangarap? Ha? At ikaw kung makalait ka…you should know matagal ko na tanggap, at dahil sa iyo inspired ako magtuloy mabuhay kasi alam ko meron ka” sabi ni Enan. Nagtakip ng bibig si Clarisse sabay tumalikod para tumawa, yung mga umaawat natatawa narin kaya lalong nagwala si Greg at sumagi ang isang suntok niya sa mukha ni Enan. “Bitawan niyo nga ako, nakakarami na kasi yan e” sigaw niya. “Di kita papatulan, pag pinatulan kita lalo ako maiinspire mabuhay pag napapangit ko pa mukha ko. Kung sa ngayon agwat natin dalawang paligo, pag pinatulan pa kita ten levels ng paligo na lamang ko at baka maging international star na ako dahil sa iyo” sabi ni Enan. “Kung pangit ako, e ano tawag sa iyo? Ha? Just like I said inspired ako mabuhay kasi alam ko meron ka. Kaya nga tabi ako ng tabi sa iyo para stand out ako” hirit niya at muling nakasuntok si Greg pero mabilis na nahila ni Shan si Enan palayo. “Gregory! Subukan mo lang at sige tayo maghaharap” hamon ni Shan at pinagtutulak niya yung malaking lalake. “Uy tama na kasi” sabi ni Clarisse. “Gago yan e” sabi ni Greg. “Ikaw halika ka nga dito” sigaw ni Shan at hinawakan niya sa likod ng ulo yung dalawang magkaaway. “Ano ba problema niyo ha? Magkakaibigan tayo tapos nagkakaganyan kayo? What is the problem? How did it start?” tanong ni Shan. “Gago yan e” sabi ni Greg. “Ano natutuwa ka? Magkaharap tayo? Enjoy ka tinitignan ako ano? Kasi ikaw yung normal camera shot, tapos ako yung na edit gamit Camera 360” banat ni Enan. Napatawa si Clarisse at dalawang kaibigan nila, “Enan! Tumigil ka, gusto ko ayusin niyo to or else gugulpihin ko talaga kayong dalawa” banta ni Shan. Pumiglas si Greg at naupo siya kaya binitawan narin ni Shan si Enan. “Gago ka Enan, simahan kita nung down ka kasi ako lang natakbuhan mo tapos ginago mo ako sa harapan ni Cherry” bulong ni Greg. “Thankful naman ako ha, pero manhid ka kasi. Kaibigan kita, di ko lang alam pano ko didiretsuhin sa iyo na niloloko ka lang ni Cherry. Di ko masabi sa iyo ng diretso kasi ayaw kita masaktan kaya pinakita ko nalang sa iyo. Oo mali na siguro ako pero nakita mo naman reaction niya e” “If she likes you then she should have defended you and got mad at me. I was ready to be hit by her, handa ako noon malait niya para lang sa iyo pare pero mali ako e. It didn’t happen, oo tumawa lang siya ng tumawa. Manhid ka masyado pare, di ako sumira sa iyo, pinakita ko lang sa iyo ano yung totoo” sabi ni Enan. “Tae mo siniraan mo ako, I like her very much tapos dahil doon sirang sira ako” sabi ni Greg. “Kulit mo talaga, edi itanong mo sila. Nagpapakagago ka sa kanya, kami napansin na namin pero di lang namin masabi sa iyo. That day pare naawa na ako sa iyo, masyado ka bulag, kahit ano gusto niya sige ka lang ng sige” “I get it pare, we are in the same boat. Happy ako kasi may Cherry na maganda pumapansin sa iyo pero mali e. She is just taking advantage of you. Uto uto ka naman masyado, pare I understand you, tignan mo nga ako, kung ako din siguro madali magago ng magandang babae kasi nga rare chance diba?” “Di ko lang kinaya pare, kaya if I offended you in front of her I am sorry pero yun lang nakita kong way para makita mo yung totoo. Di ko lang masabi ng diretso, imagine nalang na kapwa pangit nag aadvise sa iyo na niloloko ka lang non. Baka sabihin mo bitter ako kasi may pumansin sa iyo habang sa akin kababasted lang ni Violet” sabi ni Enan. Nagulat yung ibang kaibigan nila sa inamin ni Enan pero sinensyasan sila ni Shan na wag muna magsalita. “Bakit ano ba sinabi mo?” tanong ni Clarisse. “Nung tinawag siya ni Cherry…dinagdagan ko ng LA” bulong ni Enan at napaisip ang lahat habang si Gregory nagsimangot. “Dinagdagan mo ng la? I don’t get it” sabi ng dalaga. “Call his name, sige do it” sabi ni Enan. “Gregory” bigkas ng dalaga, “La” pinasundan agad ng binata kaya napatakip ng bibig si Clarisse, bungisngisan yung iba habang si Greg lalong nagsimangot at napailing. “She laughed, tapos inulit niya so inulit ko. Tapos siya na mismo nagsasabing Gregorilla” kwento ni Enan. “Gago ka kasi e” bulong ni Greg. “Stop it, he is right, kung nilalait ni Enan si Shan alam niyo naman ano ginagawa ko e. I stop him and I really fight him. If she likes you Greg tama si Enan e. Siguro oo tatawa siya minsan pero after that papatigilin na niya si Enan kasi if she likes you talaga pati naman siya masasaktan para sa iyo e” sabi ni Clarisee. “Pare di ko lang talaga madiretso e, baka tatawanan mo lang ako kasi pangit din mag aadvise sa iyo. No offense meant pero aminin na natin pare na di tayo pinagpala sa panlabas na kaanyuhan, nauna ka lang napitas habang ako pinahinog pa konti” banat ni Enan. “Gago ka, okay na nga e tapos sisimulan mo ulit” bulong ni Greg. “Gori naman” lambing ni Enan na tumabi sa malaking binata. “You are starting it again” sabi ni Greg. “Arte mo pare, term of endearment ko sa iyo yung Gori, Gregory, so shortcut e Gori” sabi ni Enan at di nakapigil si Clarisse kaya binaon niya mukha niya sa dibdib ng nobyo niya. “Pare tignan mo, you are a gentle giant. Mapagbigay ka at malambing. No offense Shan ha pero si Greg unang nakahalata na may problema ako. Take note sa text lang yon alam niya na, iba talaga senses ng gorilla e” banat ni Enan kaya napataas kilay ni Greg habang si Clarisse inuga ulo niya at napatawa na talaga. “As I was saying, tinext ko kayo lahat, except you Clarisse kasi alam ko kaibigan mo si Violet. Tanging si Gori lang nakasense na may problema ako. Niyaya niya ako lumabas para pasayahin ako kaya ayon nakwento ko sa kanya problema ko” “Araw araw niya ako niyaya after that. Pare, tignan mo tong tatlo, gwapo sila, standard ng society yan e. Tayong dalawa we don’t fit society’s standard, aminin na natin yan pare. Wag na natin lokohin sarili natin. Pero alam mo pare di nila tayo bibigyan ng chance kaya di tayo masyado makikilala” “Gori, pare they will never know you have a gentle heart and you are a good friend. Just so you know bihira na ganyan sa society ngayon. And when I was about to give up…amazingly pare binuhat mo ako ulit. Yes nainspire ako sa mabuhay at magpatuloy kasi nga mas nahinog ako sa iyo, o teka lang nagpapatawa lang ako para naman di masyado dramatic ito” “Wag ka magrereact at tuluyan kamay ko, makinig na muna. Pare salamat sa iyo talaga. One day pare di lang ako makakaalam ng kung sino ka talaga, one day meron yung isang babae na makakaalam din ng tunay na Gori. Yung di lang Gregorilla pero yung Gregory talaga. Just like how I got to really know you my friend and I will be forever grateful to you” “So pare wag mo na dibdibin yung pagkawala ni Cherry. Look forward pare, avoid looking at the mirror nalang” banat ni Enan at napatawa narin bigla si Greg pero siniko siya. “Walanghiya ka talaga gago ka, sisingit ka pa ng panlalait” bulong niya. “Just don’t give up, find ways to make yourself feel good. Tignan niyo ako, nagkakaganito lang ako para naman takpan yung katotohanan. Tanggap ko naman e pero bakit bawal ba mangarap? Di naman e, so pare mainspire ka din sa akin. Aristahin ako, ikaw pwede ka magstart bilang extra. So starting today aim high, extrahin ka na at goal mo habulin ako na artistahin” landi ni Enan at laugh trip yung magkakaibigan. “Sorry sa mga daliri mo” bulong ni Greg. “Okay lang pare, gagaling din mga ito. Actually thankful ako kasi may break ako sa pagpirma ng mga autographs. Grabe you just don’t know how hard it is to be an artistahin like me. Basta nalang may lalapit at magpapapirma e. Tapos may magpapapicture pa. It’s hard, sometimes I don’t know how I am even doing it anymore” drama ni Enan at lalo niya napatawa mga kaibigan niya. “Enan sorry, I should have been there for you pare” sabi ni Shan. “Hoy! Manahimik ka diyan. Porke nakikita mo kami ni Gori nagiging close and mushy mushy tapos eentrada ka ng ganyan. Alam ko nagseselos ka pero you had your chance. I am sorry but my heart is inclined to go for Gori…teka lang nasusuka ako sa mga pinagsasabi ko” sabi ni Enan at halakhakan silang lahat. Napadaan sina Violet at Sally kaya si Enan agad niyuko ang ulo niya sa hiya. “Umagang umaga nananakot ka nanaman” bulong ni Violet. Tatayo sana si Shan para ipagtanggol kaibigan niya pero hinawakan ni Enan kamay niya at nagkakatigan yung dalawa. “Wag pare, pag sinaktan mo siya baka masaktan din kita” sabi ni Enan at nagulat yung iba. Pagkalayo ni Violet at kasama niya nakahinga ng maluwag si Enan. “Sorry pre, hayaan mo na. Kahit na ginaganyan niya ako, kahit na alam ko wala ako chance with her ever e I still like her and if she gets hurt I too get hurt. So all of you just be nice to her, for me” “I can take it, at least pinapansin niya ako. Yeah it hurts but I still like her no matter what so please kung kinakaya ko e kayanin niyo din” bulong ni Enan at naawa silang lahat. “Cut!” sigaw ni Greg, si Enan naupo ng tuwid sabay pinaypayan ang sarili. “How was that direk?” tanong niya. “Good job, damang dama” sagot ni Gregory at nagtawanan yung iba. “Thanks pre” bulong ni Enan at nagfist bump yung dalawa. Napangiti si Clarisse nang makita yon kaya sumandal siya sa nobyo niya. “O retouch dito, di kakayanin ng simpleng make up to” biglang hirit ni Greg kaya napahalakhak si Clarisse at yung iba. Nanlaki ang mga mata ni Enan pagkat ngayon lang nakikipagbiruan si Gregory ng ganito. “Sige lang..pagbibigyan kita” bulong niya. “Dali na retouch, diyos ko sayang oras, alam niyo naman sa itsura nito kailangan ng isang oras para magmukha siyang tao” hirit ni Gregory sabay tumawa siya ng malakas. “Uh oh eto na si Enan” bulong ni Shan nang makita bestfriend niya nakangisi na. “At least isang oras lang, e pag ikaw artista, kailangan pa ng DPWH support. May dala sila mga drum, magsusunog sila ng gulong tapos ieespalto nila mukha mo. Tapos kailangan pa ng cooling off period kaya isang araw bago ka pwede umeksana” bawi ni Enan. “Alam mo bakit ka minamalas? Kasi mula paglabas mo nabasag na lahat ng salamin nung tinignan mo sila” sabat ni Gregory. “At ikaw wala ka pang nasirang salamin?” tanong ni Enan. “Wala” sagot ng kaibigan niya. “Of course wala, kailangan pa ba natuto magsalamin ang unggoy?” banat ni Enan at laugh trip nanaman yung iba. “At ikaw Greg, bawal ang selfie sa iyo. I am warning you my friend. Bago mo pa mapindot yung camera shutter mo e baka nagsisigaw ka na sa makita mo sa screen. Pero if you manage to take a selfie wag ka na magtaka kung wala maglike sa i********: mo! Tuwing November lang magkaka likes selfie mo kasi doon lang uso post mo. In short ikaw ay Seasonal Celebrity, kung gusto mo prangkahan e Halloween celebrity ka…but wait tayo pala” banat ni Enan sabay tumawa ng malakas. Umingay yung magakakaibigan, si Gregory walang mahirit kaya si Enan walang tigil siyang nilait pero pabiro. “Pare sorry kung nasaktan kita ha, kaya ko bumato at kaya ko din tumanggap so okay lang pag gumanti ka sa akin” sabi niya. “Its okay pare, its all good” sagot ni Gregory. “So are you two okay na?” tanong ni Clarisse. “Minsunderstanding lang, it happens naman. Ganon talaga kasi human brain and monkey brain, meron talaga gap” sabi ni Enan at bigla siya nasiko ni Greg. “Aray, akala ko ba tanggap mo na?” landi ni Enan. “Gori term or endrearment ka diyan, pagtalikod ko tutuloy mo yung la” sabi ni Greg. “Alam mo pare this is how me and Shan started pero tignan mo kami ngayon best of friends” sabi ni Enan. “Wait, what?” tanong ni Clarisse. “Totoo, nung bata kami e…magkaaway kami ni Enan to be honest” bulong ni Shan sa hiya. “Ha? As in?” tanong ni Clarisse. “Bata nga e, oo isa ako sa mga nanlalait sa kanya. One day di niya nakayanan kaya hinamon niya ako suntukan” bulong ni Shan. “So naging friends kayo kasi tinalo ka niya?” tanong ni Clarisse. “Hindi, nagulpi ako. Naawa lang siya sa akin kaya at siguro naging guilty kaya naging magkaibigan kami. After that we really became friends” kwento ni Enan. “Oh my God, so ganon pala yon” sabi ni Clarisse. “Ganon naman talaga sa mga tulad namin, its either maawa kayo kaya magiging kaibigan niyo kami o kaya meron kayong makikita sa amin na maganda na kayo lang makakakita kaya kakaibiganin niyo kami. But don’t worry sanay na kami diyan, diba Greg?” sabi ni Enan. “Yeah he is right, people like being my friend kasi malaki nga ako at parang masasandalan pag may laban ganon. So yeah I play the tough guy role lagi” bulong ni Greg. “Ako naman yung artistahin role. People like us, we find ways to socialize” “Unlike you guys na madali lang sa inyo kasi tanggap kayo e. Kami ni Greg, we have to play roles para mag fit in. Pero pag nag fit in na kami doon na kami pwede magrelax at magpakita ng tunay na kulay namin. Pero not all the time naman kasi minsan you have to play that role to keep staying in” bulong ni Enan. Nagtitigan sila ni Greg at muli sila nag fist bump. “Hoy wag nga kayo ganyan” sabi ni Shan. “Just saying lang naman, ngayon lang kami mag oopen up ng ganito no. Wag ka na umangal at nag sync na nga yung monkey brain at human brain e” sabi ni Enan. “Aray!” hiyaw niya nang masiko ulit siya ni Greg. “Oh sorry monkey reaction, hanap banana, wala banana kaya monkey inis” biglang biro ni Greg kaya laugh trip nanaman ang lahat. “Feels good ano?” tanong ni Enan. “Yeah pare, salamat at pwede pala idaan sa biro ang kalagayan natin” sabi ni Greg. “I know right pero alam mo at home na at home ka sa pagiging monkey. Bagay mo na nickname mo” landi ni Enan sabay tumakbo pagkat tumayo talaga si Greg at hinabol siya. “Akala ko ba tanggap mo na?” sigaw ni Enan. “Tado ka baby steps naman kasi!” bulyaw ni Greg. “Walanghiya ka yung baby gorilla malalaki ang paa! At wag ka na mahiya use your hands din and run in all fours” sigaw ni Enan. “Sabi baby steps e!” sigaw ni Greg. “Hoy Gori baka hinahabol mo ako kasi may saging ako…Gay Gori?” sigaw ni Enan at napahiyaw si Clarisse at naiyak sa tindi ng tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD