Epilogue

627 Words
KUMUHA sila ng airline tickets for two to Chicago the next day pagkatapos ng madamdamin nilang tagpo. At dahil flight na nila kinabukasan, nandoon si Annabelle ngayon sa SSA, sa private room ng binata. Kasama ni Miguel si Anton sa opisina at abala ang mga ito sa endorsements ng mga gawain sa kompanya. Si Anton na muna ang mamamahala ng SSA habang wala si Miguel. Naaliw siyang pagmasdan ang mga interior ng kuwarto. It was a total opposite of the SSA office. Kung sophisticated and very manly ang dating niyon, ang kuwarto naman ay cozy. Tila hindi iyon parte ng opisina. She got a glimpse of a familiar thing sa isang glass shelf. Napasinghap ang dalaga nang masiguro kung ano ang bagay na iyon. “Mon-Mon . . .” Maingat itong nakalagay sa isang plastic transparent box. Hindi niya inakalang matatagpuan ang laruang iyon sa kuwarto. Katabi niyon ay isang red velvet box. “So, nakita mo na pala ang mga treasure ko.” Nakangiting Miguel ang nalingunan niya. Naglakad ito patungo sa kaniyang kinaroroonan. “That . . . hairy creature was with me all those years.” He chuckled. “We bonded for a very long time pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ’yan.” “Aso ’yan, uy. ’Di ba halata?” natatawa niyang sagot. Kinuha nito ang kaheta sa tabi ng stuffed toy. “Ito naman ang singsing na binili ko pagkatapos ng assignment sa Sibayan. Naalala ko pa kung gaano ako ka-excited noong binili ko ito.” May ngiti sa mga mata nito sa alaalang iyon. Binuksan nito ang kahon at tumambad sa kaniya ang isang yellow gold ring na may bulaklak na nakabukadkad sa gitna. It was so pretty. Bagay na bagay sa dalagitang sarili niya. “Hindi ko alam na hindi ko na pala mabibigay sa iyo. Imbes, ito ang nakuha ko.” Tinitigan nito ang peklat sa braso. It was a long scar. A very obvious one. At gaya nga ng hinala niya noong una, pangalan niya ang nakasulat doon. “Pero nandito na ako, Miguel. You have me now. Hindi pa naman huli ang lahat, ’di ba?” Kinakabahan si Annabelle kung ano ang magiging sagot ng binata dahil hindi pa naman nila napag-uusapan ang bagay na iyon. “Pero, siguradong maliit na ito sa daliri mo. You need a new one.” “No. I don’t need another one. Gusto ko ’yan dahil binili mo ’yan para lang sa akin. I can make some modifications.” Naisip niyang puwede namang putulin ang singsing sa gitna para maging adjustable. Ngumiti ito, bahagyang lumayo sa kaniya, at may kinalikot sa gilid. Biglang pumailanlang ang malamig na boses ni Chris de Burgh. “Very well . . .” Yumuko ito sa harap niya kaya inakala niyang hihilingin nito ang kamay niya para sa isang sayaw. Ngunit nasorpresa siya nang tumuloy ang mga tuhod nito sa sahig. “Miss Annabelle Reñedas, please, walk with me always, wherever I go. Kahit ano man ang problemang dumating, sana harapin natin nang magkahawak ang kamay. Because I would never find another place as wonderful as by your side. Please . . . marry me, baby.” Hindi mapigilan ni Annabelle na mapaluha sa narinig na proposal mula sa taong pinangarap lamang niya noon. Puno ng pagmamahal nitong sinambit ang mga salita. Lahat ng mga agam-agam at kaba na naramdaman niya ay biglang naglaho kasama ng hangin. All she felt was an overwhelming happiness she hadn’t felt before. Lahat ng mga pagkakamaling nangyari ay natabunan ng pag-ibig na binibigay nito sa kaniya ngayon. “Matagal ko na kayang pinangarap ito. So yes, Miguel! Yes!” At dahil maliit ang singsing, sa hinliliit na niya ito nagkasya. Pero ang singsing ay hindi mahalaga, hangga’t nandoon sila para sa isa’t isa, with their hearts entwined, they know that everything will be alright. I’ll never forget the way you look tonight The lady in red, the lady in red I love you . . . WAKAS  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD