Careless 5
FLASHABCK
Narating nila ang isang eskenita na may estero at halos masuka na si Precious sa baho ng mga basurang nakatambak.
"Saan mo ba ako dinala?!" sigaw ni Precious kay Austine.
Padabog na binitiwan ni Austine ang kamay ni Precious.
"Alam mo, wala kang utang na loob. Niligtas na nga kita, ganyan pa sasabihin mo? Sinigawan mo pa ako? Kulang ka talaga sa GMRC," aniya ni Austine.
"Wow ha! E'di wow thank you! Hindi ko naman sinabi na iligtas mo ako! Kayang-kaya ko ang sarili ko Austine!" sigaw ni Precious at nagpameywang pa ito.
"If I know, patay na patay ka sa'kin," bulong ni Asutine.
"HA ANO?!"
"Wala! Umuwi ka na! Ang bata bata mo pa puro ka party! Pati 'yang lemon bitbit mo pa?!"
"Eh ano?! Buwisit, ngayon na nga lang ako nakatakas!" pagmamaktol ni Precious at naglakad upang makalayo kay Austine.
Sumunod lamang si Austine sa kanya, tahimik na naglalakad ang dalawa nang makarinig si Austine ng mga boses. Hinablot niya ulit si Precious at muli silang nagtago.
"Ssh!" suway ni Austine. Akmang magsasalita pa ang dalaga ngunit tinakpan na ni Austine ang bibig ni Precious.
"Putang ina, may palaka!" mga salitang nasa isip ni Precious.
Gustong-gusto na niyang tumili pero takip-takip ni Austine ang bibig niya. Panay ang pagpupumiglas niya ngunit gamit ang bisig nito, para bang nakandado siya sa katawan ng binata. Dumagdag pa ang ipis na dumapo sa rubber shoes niya.
"Mmmh!"
Mas hinigpitan ni Austine ang pagkakatakip sa bibig niya at halos maiyak na sa sobrang takot at pandidiri si Precious.
"Huwag kang maingay!" galit na bulong ni Austine.
Ilang sandali at nakuhang tumahimik ng lugar. Hindi na napigilan ni Precious na kagatin ang kamay ni Austine.
"f**k! Kinagat mo na naman ako!" sigaw ni Austine
"Anong na naman? Ngayon lang kita kinagat! May ipis at palaka, baliw ka ba? Nasa rubber shoes ko 'yung ipis! Pahinging alcohol!" sigaw nito at parang bulate na naasinan si Precious dahil sa sobrang pandidiri.
"Ang arte mo! Hilig mong mangagat! Kahit ipis lalayuan ka!" sigaw ni Austine sa kanya.
Napansin ni Austine na hindi mapakali ang babae at pinagmamasdan ang sarili, mula sa magkabilang braso, tagiliran at binti ay patuloy niyang sinisigurado na walang ipis ang dumukit sa katawan niya.
"PRECIOUS IPIS!" biglang sigaw ni Austine sa kanya at tinuro ng binti niya.
"NO!!" tili ng dalaga.
Parang palaka na tumalon si Precious upang kumapit kay Austine. Hinagkan niya ito at ang dalawa niyang binti ay nakayapos sa katawan ng binata.
"Gusto ko nang umuwi!"
Nagpipigil ng tawa si Austine dahil sa reaksyon ni Precious. Natuklasan niyang masayang mang-asar ng ganitong klaseng babae.
"Bumitaw ka na, hinihipuan mo na naman ako," aniya ni Austine.
"Hoy ang kapal," bumitaw si Precious at kinagat ang ibabang labi. Muli siyang lumingon sa paligid.
"Wala ka bang na aalala?" pagtatanong ni Austine habang nagpipigil ng tawa.
"Wala! Anong pinagsasasabi mo! Ewan ko sa'yo! Umuwi na tayo o sasabit ako ulit sa'yo?!" panduduro ni Precious at napailing lang ang binata.
"Let's go."
Sabay na naglalakad ang dalawa, magkalayo at maririnig mo ang kuliglig sa paligid. Tumingin si Precious sa kanyang relos at nakitang ala una na ng madaling araw. Naghikab ang dalaga at nakaramdam ng antok.
"May two hundred ka ba?" wala sa wisyong pagtatanong ni Precious.
"Meron bakit?"
"Pautang, nalimutan ko 'yung pitaka ko sa bar, pesteng Zanjo na 'yan! Tigang," asar na sinabi ni Precious at sinipa ang bato.
"UY IPIS!"
"ANO BA! Kanina ka pa! Pakiramdam ko walang ipis kanina! Sinadya mo kasi gusto mong maka-isa!" sigaw ni Precious sa kanya at nagsitahulan ang mga aso sa paligid.
"Tone down your voice! Baka gusto mong mag temple run tayo ulit at aso na ang humabol sa atin?" pabulong at mariin nitong sinabi.
"Eh kasi naman! Huwag mo naman akong takutin! Nakakadiri kaya," maarteng sinabi nito.
"Arte mo, kinakain ko nga 'yun."
"Wow? Kadiri naman ang pagkatao mo?" pabatong sambit ni Precious.
"Eh kung hindi kaya kita pautangin ng two hundred?"
"Isang libo na, susulitin ko na ang pagiging makapal na mukha," aniya ni Precious.
"Bakit sa palagay mo hindi pa ba makapal ang mukha mo?" aniya ng binata.
Ngumuso lang ang dalaga at hindi siya sinagot. Napansin ni Austine na sira ang strap ng sleeveless ng dalaga habang ito'y naglalakad. Litaw rin ang balat nito at lalo na't malamig pa ang simoy ng hangin. Wala naman siyang maibigay na jacket dahil naka t-shirt lamang siya.
"Halika, samahan mo ako," aniya ni Austine at tinulak siya nito gamit ang isang daliri. Ayaw niyang hawakan ang dalaga kung kaya't ito ang ginawa niya. Nagtataka at sumunod na lamang si Precious sa kanya.
"May open palang ukay-ukay kahit madaling araw na?" pagtatanong ni Precious.
"Oo, hindi natutulog ang mga tao rito."
Nagtaka si Precious dahil pinagmamasdan siya ni Austine. Nakaramdam siya ng hiya at biglang yumuko.
"May hiya naman pala ito kahit papaano," bulong ni Austine. Ilang sandali at nakuha niyang makabili ng denim jacket at pinatong sa balikat ni Precious.
"YUCK! Ano ba Austine! Gusto mo ba akong mahawahan ng sakit sa balat or body ordor?!" sigaw nito.
Napatingin ang tindera at tinakpan muli ni Austine ang bibig ni Precious at hinatak papalayo.
"Gusto mo ba talagang mapaaway ako dahil sa'yo?!" pagsesermon niya sa dalaga
"Duh, sinabi ko bang makipag away ka? Grabe hindi ako nagsusuot ng damit galing ukay-ukay excuse me!"
"Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo? You are a dumb brat, hindi ko maintindihan ang ugali mong bata ka," galit na sinabi ni Austine at basta na lang inilapag ang binili niyang denim jacket sa nakitang upuan.
"Ito isang libo! Maghanap ka ng taong magti-tiyaga sa'yo!" sigaw ni Austine sa kanya at nagsimulang maglakad.
Naiwan na nakatayo si Precious at nag-iisp kung ano na naman ang kanyang gagawin para bumalik si Austine.
"Aray!" Napalingon si Austine at nakitang nakaluhod si Precious sa kalsada.
"Tumayo ka diyaan, gamitin mo ang isang libo para may tumulong sa'yo!" galit na giit nito at muli siyang tinalikuran.
Napanguso si Precious at tumayo, dinampot niya ang denim jacket. Pinagpag na muna niya ito bago sinoot. Hinabol niya si Austine dahil malayo na ang nalakad nito, lalong mahaba pa ang binti at napaka bilis maglakad.
"Austine wait for me!"
Sa kanyang pagtakbo, ang pagpapanggap niyang pagkakadapa ay natuluyang maging totoo.
"AUSTINE!" hiyaw niya.
"LAVIGNE!" mas nilakasan pa niya ang pagsigaw, wala siyang pakialam kung may nakakakita pa sa kanya. Napatigil sa paglalakad ang binata at muling lumingon. Nakita niyang soot na nito ang denim jacket at nakadapa sa kalsada. Hindi niya agad tinulungan at mas binagalan pa niya ang paglalakad papalapit.
"Come faster Austine," aniya ng dalaga.
Tila nangilabot si Austine at napatigil sa paglalakad. Napapikit siya at pinigilan ang sarili.
"Ano bang problema sa sinabi niya? Ganito ba ako kamanyak para magkagusto sa tulad nito? This is just a lust!" bulong ng binata sa kanyang sarili.
"Austine please," mangiyak-ngiyak niyang sinabi at tinulungan na siya nito. Nakita ni Austine na nagkasugat ang left hand ni Precious.
"My hands!" pagpapanic nito at nagsimulang umiyak.
"Bakit ka umiiyak? Para kang inagawan ng lollipop," aniya ni Austine at kinuha ang panyo. Ito ang ginamit niya pantapal sa kamay ni Precious.
"Baka hindi ako makapag piano kapag nasugatan ang kamay ko, mahalaga ito sa sa'kin," seryoso nitong sinabi habang lumuluha.
Napatingin ang binata sa kanya, mabilis na inalis ni Austine ang mga mata dahil ayaw niyang magkatitigan sila.
"UMALIS NGA KAYO! Harang-harang kayo sa daanan! Sa bahay kayo mag ligawan hindi sa kalsada!" sigaw ng isang matandang naka bisikleta at nagtitinda ito ng balot.
"Sorry po manong," aniya ni Precious.
Nabigla siya kay Austine at hinawakan niya ang leeg ni Precious.
"May lagnat ka? Seryoso 'yung pagso-sorry mo ha? Marunong ka pala no'n!" muling sinabi ni Asutine.
"Pwede ba? Hindi ako nakikipag biruan! Uuwi na ako!" sigaw niya rito.
"Come, kumain tayo," aniya ng binata at hinawakan ang kamay niya.
"You should learn how to be a courteous little girl."