Whisper 67 Kinabukasan. Atat na atat na si Precious na makita si Austine pero pinipigilan siya nila Regine at Efinia, hindi rin niya maintindihan ang dalawa. Noon na gusto nilang kasama niya si Austine sa loob ng ospital pero ngayon na pinalalayo siya ng mga ito. Sa kabilang dako, bagong tabas at ahit si Austine. Walang kasing tikas at ang tindig niya na nagpahulog kay Precious. Nasa loob ng isang hotel si Austine at isa rin siya sa sumisira sa plano nilang magkakapatid. Si Arthur ang ulo sa lahat ng ito, noon nagising si Austine si Arthur ang una niyang nasilayan. Tila sumagi kay Arthur ang isang plano para isorpresa si Precious. Habang si Austine na naisip na magkakaron siya ng amnesia, sa una at ayaw ni Aiden na mangyari ito dahil masama ang pagsisinungaling. But in the end, sumama

