Whisper 65 "How are you?" isang mahiyain na pagtatanong na panimula ni Smith kay Efinia. Nakaupo sila sa labas ng ICU. Magkalayo at hindi nagtitinginan, sinubukan man tignan ang isa't isa ngunit parehong napapaso ang kanilang mga mata. "Better," maikling sagot ni Efinia at hindi pa rin nakatingin sa kanyang asawa. Iniwan sila ni Arthur at Regine dahil sinundo ng mag-asawa ang kuya nitong si Aiden sa monisteryo. Walang ka alam-alam si Aiden sa nangyari kay Austine. "That's good, good for you." "But you ruined my son's life." "I know. Alam ko naman ang mga kasalanan na ginawa ko," seryoso niyang sinagot. Ngumisi si Efinia at hinubad ang isang pares ng kanyang wedge sandals pagkatapos ay binato kay Smith. "Ouch! What the hell Efinia! Hindi ka pa rin nagbabago!" "You f****d up! You

