Careless 25 FLASHBACK Walang reklamo si Precious at ginamit niya ang pera na binigay ni Smith Lavigne. Kailangan niyang lunokin ang pride upang mabuhay ang anak nila ni Austine. Alam niyang ang kapalit ng perang binigay ni Smith ang kanyang katahimikan patungkol sa anak nila. "Bakit ang dami mong pera ha? Lumapit ka na ba kay Doctor Aki?" "Si Smith, nagkataon nagkita kami," sinabi niya kay Jobert habang sila'y nakapila sa banko. "Wow! Talaga, recognize ka na?" "Hindi, okay na ito. Ang importante may pera panggatas ni baby boy," aniya niya at hinahawakan ang sinapupunan. "Gaga! Tapos ang anak niya sarap buhay? No way!" "Hayaan mo na, ayoko naman sirain ang career ng anak niya. Mahal ko si Austine, ayokong dahil sa'kin masira ang matagal na niyang panagarap sa buhay. Hindi naman ako

