PROLOGUE

292 Words
NOTE: PLEASE READ THE SERIES 3: REACHING HER CLIMAX before READING CARELESS WHISPER THANK YOU! PROLOGUE Mausok, maingay at amoy thinner ang buong paligid. Makalat at puno ng pintura ang sahig. Tila isang stock room ang itsura ng kanyang kuwarto.              "UGH!" sigaw nito at binato ang bote ng pintura. Nagkalat ang bubog tulad ng puso niyang nawasak. Tumulo ang luha niya sa kanyang mukha. Dinampot niya ang alak sa kanyang tabi at nilagok ang pait. Pait ng lasa at pait na kanyang natamo sa buong pagmamahal na kanyang ibinigay sa isang babae. Tinignan niya ang babaeng hindi niya matapos-tapos na proyekto.               "I love you. But at the same time,  I hate you," sambit nito habang nakatitig sa mga mata ng babaeng pinipinta.               "I was a fool. blinded with your angelic face. Deep down your soul, you are a demon. You should rot in hell," muli niyang binato ang baso at nagakalat ang bubog. Poot at hinagpis ang kanyang nararamdaman, gusto niyang maghiganti ngunit wala siyang lakas gawin ang bagay na ito.             "Kahit galit ako sa'yo, gusto kong mapasa'kin ka pa rin. Gusto kitang saktan, gusto kong iparamdam sa'yo ang bigat na hatid mo sa'kin. The bitter sweet of your lies b***h!" pilit niyang nilunok ang sakit habang nakaupo sa sahig.  Hindi niya maintindihan ang sarili, wala siya sa katinuaan. Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse. Sa kanyang paglalalakad papunta sa pintuan. Lumingon siya sa babaeng nakapinta.              "I will never  paint you wings. You will never be free from my sweet revenge," napabuntong hininga siya nang sumagi sa isip niya ang matatamis nitong ngiti. "I was CARELESS when I WHISPERED I LOVE YOU." THE LAVIGNE SERIES #2 CARELESS WHISPER (Austine Lavigne) (Austine Lavigne)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD