Careless 12 FLASHBACK Hirap na hirap malapitan ni Austine si Precious dahil kusang ito ang lumalayo sa kanya, lalong hindi rin niya matagpuan ang dalaga sa music school, pagtapos palaging ringing lamang ang kanyang naririnig sa tuwing tinatawagan ang dalaga. Nakuha niyang kumuha ng loads pahabol sa pagtatapos ng summer class para makasama lang niya si Precious. "Sinong hinahanap mo?" pagtatanong ni Luke sa kanya. "My student, si Precious, nag-enroll kasi siya for Sax-class," sagot ni Austine. "Really? Baka gusto mo lang siya pare?" "What? Anong sinasabi mo? She's not my type," pagsisinungaling nito. "Huwag ka nang magmaang-maangan pare, nag-drop si Precious sa last three weeks lesson niya kay misis Amelia," nginisian siya ni Luke at napabuntong hininga ang binata. "Okay," maikli

