Whisper 48 Late Night.. Antok na antok si Precious nakuha pa niyang sumama kay Austine. Epekto rin ito ng kanyang pagbubuntis, palagi niyang hinahanap ang mabangong amoy ni Austine. "Why are you wearing a hoodie?" tanong ni Austine habang naglalakad sila papalapit sa sasakyan. "Mahamog, baka sipunin lang." "Okay, ililipat na sana kita ng bahay. Kapag na buntis ka na, ayokong dito pa kayo tumira. Not safe, lalong may sanggol. Ayaw mo naman lumipat noon ko pa sinasabi sa'yo." "Sorry, pero ngayon na ba talaga? Saa?" "Ngayon natin pupuntahan." "Ha? Anong ibig sabihin mo meron na, eh 'yong dati?" "Oo 'yung sa Tagaytay." Hindi na muling kumibo si Precious at hinayaan na lang niya si Austine. Nang marating nila ang Tagaytay, gustong maluha ni Precious dahil bahay ito ni Austine. "Dito

