ZANDI POV After ng paghaharap namin ni Eli, hindi na ako bumalik sa table namin. Nagmamadali akong lumabas ng restaurant at naglakad lakad sa sidewalk. Panay patak ng mga luha ko. Ang sakit sakit isipin na pakawalan mo ang taong akala mo makakasama mo na sa lahat ng bagay. Yung inakala mong makakasama mo hanggang sa pagtanda mo, puro lang pala akala. May nakita akong bukas na souvenir shop. Pumasok ako at bumili ng pampasalubong ko sa pamilya ko at yung dadalhin ko pabalik ng states. Pagkabalik namin bukas sa Manila, dadaan muna ako kina Ate Alex regarding about my contract. Ako daw ang magiging model nila. Kasama ng kanilang mga anak. Yeah ang gwapo at ang gaganda ng kanilang mga kiddos. Nakapili na ako ng pasalubong ko kaya pumunta na ako sa counter when my phone beep. Dom

