Matapos maisaayos ang papers ng mag ama, at pumayag ang doctor na lumabas ng bansa si Eli, pinasya ni Mister Curtis ang agarang paglipad patungo ng London kasama si Auburn upang maipagamot ang anak na nawalan ng alaala at naging isip bata pa ito. Lalong nababahala ang ama ni Eli kung sakaling hindi na ito babalik sa normal na pagkatao, baka maging dahilan na iiwasan Ito ng mga taong dati kaibigan niya noong kaya pang ibigay ng dalaga ang kanilang pangangailangan at ngayong wala nang pakinabang Ang anak baka lalayuan na nila Ito. Hinatid ito nina Levy at Amanda sa airport. Mahabang paalamanan ang nangyari dahil sa daming habilin ni Mr. Curtis sa dalawa. Makalipas ang ilang sandali, tinawag na ang flight nila. Malungkot naman na tinatanaw nina Amanda at Levy ang tatlong pumasok

