Kabado si Athena habang hawak hawak ang doorknob. Ramdam na ramdam nya na din ang kanyang pamamawis. Ilang buga ng hangin ang ginawa nya bago tuluyang pinihit iyon. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Ang akala nya ay madadatnan nya ang asawa sa loob at hinihintay sya, pero nagkamili sya. Wala ito. Hindi nya maiwasang pangilidan ng luha. Ang bigat bigat ng kanyang dibdib. Parang isang pelekulang nagplay sa utak nya ang pinaggagawa nya nitong mga nakaraan buwang sa asawa pero hindi man lang nya nakarinig na nagreklamo ito tapos nagawa pa nyang itanggi ito. Parang nakapagkit parin sa utak nya ang lungkot at sakit sa mukha ng asawa at laglag balikat nitong tumalikod sa kanila habang tulak tulak nito ang stroller ng kanilang anak. "Anong ginawa mo Athena?" Punong puno n

