"Why you didn't wear your ring" Medyo kunot ang noong tanong ni Keith ng mapansing hindi suot ng asawa ang wedding ring nila. "Huh? A eh.... n-naiwan ko pala sa loob ng bathroom, inalis ko kasi kaninang naligo ako." Bahagyan pa nitong tinago ang kamay sa kanyang mga mata. "Saglit lang at babalikan ko--" akma na syang babalik sa loob pero maagap sya nitong pinigilan. "H-huwag na. W-wala na tayong oras." Anito ng hindi makatingin ng deretso sa kanyang. Medyo nagtataka sya sa kilos nito pero ipinagkibit balikat nalang nya. "S-sige." Wala na syang magawa ng medyo hilahin na sya nito palabas. Idinadaan nya ito sa university na pinapasokan nito bago sya pumasok sa opisina. Ang anak nila ay naiiwan sa kanyang magulang. Parang hindi kasi mapakali ang asawa pag ang yaya lang nito ang kasama

