Chapter 5

1445 Words
"Walang hiya kang babae ka! Tinanggap ka ng mama ko kahit napaka walang kwenta mo tapos ganito ang isusukli mo sa kanya! Pagnanakawan mo pa sya ha!" "Aray!" Napasigaw sya ng biglang hablutin ang buhok nya. "Binatawan nyo po ako!" Pakiramdam nya ay maalis na ang kanyang anet. "Ma'am Kristine bitiwan nyo po sya buntis po iyan." Agad namang Umawat ang mga kasamahan nila sa anak ng kanilang amo dahil nakasabunot ito sa buhok nya habang kinakaladkad sya palabas sa pwesto nya bilang cashier. "Huwag kayong makialam dito kung ayaw ninyong madamay!" Sigaw nito. Nakaluhod sya sahig habang nakasabunot ang kamay nito sa buhok nya."Parang awa nyo na po. Wala po akong ginagawang masama." Pagmamakaawa nya. Hindi nya alam kung saan sya hahawak. Kung sa kamay ba nitong nakasabunot sa buhok nya o sa tyan ba nyang malaki. "Maawa. Iyan ang ginawa sayo ng ina ko pero anong ginawa mo ha?!" Sinapok nito ang ulo nya kaya napaiyak na sya. Hindi nya alam kong papaano nya ipagtatangol ang sarili. "Tumawag kayo ng pulis para ipadampot ang babaeng ito!" Sigaw nito. Lalo syang ginapangan ng takot. "Huwag po. Maawa po kayo sa akin. Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo" pagmamakaawa nya. "Hindi alam. Papaano mo ipapaliwanag ngayon ito." Hinampas nito sa mukha nya ang sling bag na pag aari nya kaya napasapo sya sa pisngi kung saan tumama ang kanyang bag. "Diba sayo ito? Saan mo kinuha ang napakadaming pera na ito kung hindi mo kinulimbat sa kaha ni Mama?" Galit na binuklat nito ang laman ng kanyang sling bag. Nanlaki ang mata nya dahil madami iyong laman na pera. Mariin syang napailing at bahagyan pang napaatras. "Hindi ko alam. Hindi sa akin iyan. Hindi sa akin ang pera." Tanggi nya. "Talagang hindi sa iyo ang pera dahil ninakaw mo iyan kay Mama." Sigaw parin nito at gigil na pinagsasabunotan sya. "Masakit po.... hindi ko po alam ang sinasabi ninyo." Hindi na nya mapigilan ang pag alpas ng kanyang iyak dahil sa ginagawa nito sa kanya. "Ma'am, huminahon po kayo. Baka mapano sya ma'am." Awat ni Randy na pilit binabaklas ang kamay nitong nakasabunot sa kanyang buhok pero lalo lang iyon humigpit. "Wala akong pakialam! Huwag kang makialam dito." Sigaw nito kay Randy. Umiling sya. Basang basa na ng luha ang kanyang pisngi. "Hindi ko po alam. Wala po akong alam parang awa nyo na po." Lalo syang natakot ng may mga pulis na dumating. "Damputin ninyo ang babaeng iyan. Pinagnakawan nya kami." Paratang nito sa kanya. Napayuko sya at napasalampak sa sahig at doon sya umiyak ng umiyak. "May ibedesya po kayo?" Rinig nyang tanong ng pulis na tumingin sa kanya. "Ito. Sa kanya ito. At ang perang iyan ay ninakaw nya. Sinamantala nyang wala si Mama bago nya ito pagnakawan." Paratang nito sa kanya habang dinuduro sya. Tumingin ang pulis sa bag na hawak hawak ni Kristine saka uli bumaling ng tingin sa kanya. "Hindi ko po alam ang sinasabi nya." Tanggi nya na nagmamakaawa. "Mas mabuti siguro kong sumama ka muna sa presento para mapag usapan natin ito ng maayos." Mahinahong sabi ng pulis pero umiling sya. "Wala po akong kasalanan. Hindi po ako nagnakaw." Pagmamakaawa nya sa pulis. "Tumatanggi ka pang hayop ka." Sinapok uli ni Kristine ang kanyang ulo kaya maagap syang kinoberan ng pulis. "Miss. Pag hindi ka tumigil sa kapapanakit mo sa kanya baka ikaw ang kasuhan ko." Seryosong sabi ng pulis. Inalalayan sya nitong makaupo. Tumawa ng pagak si Kristine. "Ano ito. Mas kinakampihan nyo ang kriminal na kagaya nya?" "Wala kaming kinakampihan. Hindi sya lumalaban sa inyo kaya bakit patuloy ka parin sa p*******t sa kanya. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan nya. At isa pa. Hindi pa napapatunayan na nagkasala talaga sya para paratangan mo syang kriminal." Sabi ng pulis na parang nagtitimpi din. Wala syang magawa kundi sumama sa mga ito. "Kumain ka muna." Binigyan sya ng pulis ng pagkain. "Pansamantala ay dito ka muna dahil may ibedensyan laban sayo. Pero darating ang mga DSWD dahil sila ang aasekaso ng kaso mo dahil minor de edad kapa." Sabi pa nito. Lihim nyang pinag aralan ang itsura nito. Parang naalala nya ang kanyang kuya. Hindi ito tumitingin sa kanya habang inilalabas nito ang kanyang pagkain. Agad syang nag iwas ng tingin ng nagtaas ito ng tingin sa kanya. Halos nakayuko lang sya ng ulo habang kinakausap sya at sinadya nyang hindi ayosin ang buhok dahil baka pinaghahanap parin sya ng mga magulang. Baka nakarating din dito ang mga larawan nya. Pinagdala sya ng gamit ng mga kasamahan nya sa trabaho dahil malapit lang naman sila sa presento at nangako ang mga ito na tutulungan syang linisin ang pangalan nya. Nakasiksik sya sa gilid ng kulungan habang nakabaluktot ang tuhod. Ang ulo ay nakasandal sa pader at bahagyang natatakpan ng buhok nya ang kanyang mukha. Halatang sinabunotan dahil para na iyong pugad ng ibon. Buti nalang at nakapag pagupit na sya. "Wala pa ba ang mga taga DSWD para sunduin yan?" Rinig nyang tanong ng pulis na umasikaso sa kanya kanina. Mukha naman itong mabait pero natatakot parin sya. "Hindi pa sir. Tumawag ako doon kanina pero may inaasekaso pa daw sila baka bukas na siya masusundo." Sagot naman ng batay nya. Mag isa lang sya sa loob. "Dapat inasekaso nila agad. Buti sana kung hindi yan buntis." Hindi na nya narinig ang ibang usapan ng mga ito dahil iginugupo na sya ng antok. Nakatulog sya na ganon ang pwesto. Pero nagising sya uli dahil sa paghilab ng kanyang tyan. Nagtaka sya ng maramdamang basa na ang kanyang pang ibaba. Nakaihi ba sya ng hindi nya namamalayan? Napakagat sya sa labi ng makaramdam uli ng sakit sa kanyang puson. Hindi pa naman siguro sya manganganak dahil sa susunod na buwan pa naman ang kabuwanan nya. Natatae lang siguro sya kaya sumasakit ang tiyan nya. Tatayo na sana sya para sabihin sa bantay nyang gagamit sya ng CR at para makapagbihis na din. Basang basa kasi sya at pati ang banig na higaan nya ay basa din. Kahit na hindi maganda ang pakiramdam nya ay nakaramdam sya ng hiya dahil ang tanda tanda na nya ay naihi pa sya sa higaan nya. "Ahhh..." impit nyang daing habang nakasapo sa tiyan. Bakit sobrang sakit naman yata. "Ayos ka lang?" Tanong ng bantay. Hindi sya agad nakasagot dahil sa pinapakiramdaman nya ang sarili. Parang syang naiiri. Napaluhod sya habang sapo sapo ang tyan. Ilang hinga ng malalim ang ginawa nya para pigilin ang sarili sa pag iri. "Hoy ayos ka lang dyan?" Tanong uli nito na bahagyan pang kinalampag ang rehas. "Ang sakit po ng tyan ko." Daing nya. Ramdam nya ang pamamawis nya. "Huh? Anong masakit ang tyan mo. Diba hindi mo pa naman kabuwanan." Parang natataranta din ang pulis. Narinig nya ng pagkalansing ng bagay pero nanatili syang nakaluhod habang nakahawak sa kanyang tyan. "Oh my god! Manganganak kana." Bulalas nito na nakapasok na pala ng hindi nya namamalayan. "Ang sakit sakit po." Daing nya. "Okey hinga ng malalim. Dadalhin ka namin sa hospital. Saglit at hihingi tayo ng tulong." Tatayo na sana ito pero maagap nyang itong pinigilan. "Ate-- tita-- lalabas na po." Impit nyang daing at isang ire ang hindi nya mapigilan. Mas nataranta ang pulis at agad na tumawag ng kasamahan. Tinulungan syang makahiga. Mabilis ang kilos nito. Tinabunan sya ng kumot na gamit nya kanina hanggang baywang at inalis nito ang suot nyang panjama. Pinabukaka nito ang kanyang binti. "God.... nakikita ko na ang ulo." Usal nito. Doon na dumating ang mga kasama nito. Hindi na nya alam ang nangyayari sa paligid nya dahil sobra sobrang sakit na ang kanyang nararamdaman. "Beauty, Pag sinabi kong ire, umire ka ha. Iyong malakas na ire." "Ire!" "Ahhhhh..." naiangat pa nya ang katawan dahil sa sobrang pwersa. Para syang naghahabol ng hininga. Naramdaman nyang may humawak sa kamay nya at pumwesto ito sa ulunan nya. "Sa akin ka humawak. Sa akin ka kumuha ng lakas mo." Mahinang sabi ni kuyang pulis na masuyong nakahawak sa kamay nya. Bumaba ang tingin nya sa kanyang paanan. May nakahawak ng flashlight na nakatutok sa gitna nya. May nakahawak sa binti nya at may nakapwesto sa kanyang gitna. "Pag umiri ka huwag lang sigaw. Iyong para kang tumatae ng matigas." Turo ng isa. "Okey. Hinga ng malalim. Pag sinabi kong ire, umire ka uli." "Beauty, ire." Sabi uli nito. "Ahhhhh....." Nanghihina na sya. Nakailang ire na sya pero hindi parin lumalabas ang anak nya. "Wala pa ba sila. Nahihirapan syang ilabas ang bata--" "Beauty, Miss Gomez. Huwag kang matulog." Untag ni Kuyang pulis sa kanya pero tuloy tuloy ng nanlabo ang paningin nya dahil sa sobrang panghihina. *** walang edit****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD