Simula

1412 Words
SIMULA FLAME’S POV Sumandal ako sa aking swivel chair pagkatapos permahan ang lahat ng papeles na nakatambak sa aking table. I glanced at the wall clock only to find out that it is already six o’clock in the evening. Dapat na akong umalis pero wala pa akong ganang tumayo sa aking kinauupuan. Nakakaramdam na rin ako ng gutom pero parang nakakatamad na ang kumain pa. Tama pa ba itong nararamdaman ko? Everything doesn’t excite me anymore. Kung dati na naeexcite akong gawin ang lahat ay hindi na katulad sa ngayon. I looked at the breathtaking view of the city lights from the outside. I hope everything is as calm as this moment. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya at mapayapa ang ating buhay. I sighed deeply. My phone vibrated for the second time. Ilang minuto ko pa tinitigan ang cellphone kong nakalapag sa gilid ng table. Inabot ko iyon para tignan kung sino ang nagpadala ng mensahe sa akin at binasa ang laman ng kanyang mensahe. From: Kyle Bro, nandito sa bar si Amber. Lasing na siya. Napabuntong hininga ako bago nagtipa ng reply para sa kaibigan kong nagmamay-ari ng isang sikat na bar. Sa ibang pagkakataon ay pupunta na agad ako roon pero sinasabi ng puso ko ngayon na huwag munang gumalaw sa aking kinauupuan. To: Kyle Bakit ako ang pinapadalhan mo ng mensahe? Wala ba dyan si Nicho? Imbes na makatanggap ng isa pang mensahe ay tumunog ang cellphone ko hudyat na tumatawag si Kyle. Walang gana ko itong sinagot. I tapped the loud speaker button and looked outside the glass wall again. “Akala ko ba pupuntahan mo siya kahit saan ka pa naroroon? Naka move on ka na ba sa kanya?” bungad sa akin ni Kyle sa kabilang linya. Napalunok ako sa kanyang naging tanong. “Gago ka talaga, Kyle. Nakalimutan ko na sana siya noon pa kung madali siyang kalimutan.” “Ayon naman pala eh. So bakit parang ayaw mo pa na sinabihan kitang nandito siya? This is your opportunity to talk to her again, Flame.” Umiling ako kahit pa alam kong hindi niya ako nakikita. Parang hindi ko kayang makita si Amber ngayon… Not now that everything that has happened yesterday is still fresh in my mind. “What happened to Flame Volkswagen I know who is obsessed with Amber? This is not so you, bro. Ano bang nangyari kahapon ng gabing iniwan ko kayo ni Amber sa VIP room?” tanong niya sa akin. Hindi ko naman kailangang sagutin ang tanong ni Kyle sa akin dahil alam kong alam niya kung paano ako itinaboy ni Amber dahil lang sa nilapitan ko siya. She got drunk yesterday so I thought she will entertain anyone who will try to approach her. Hindi ko alam na kahit pala lasing siya ay nasa iisang tao lang ang pokus niya. Akala ko ba ay gustong lumimot ng karamihan kapag umiinom? Pero siya para pang mas umiigting ang nararamdaman niya sa taong iyon sa tuwing umiinom siya. “Huwag mo sabihing napanghinaan ka ng loob? I told you that she is not in good terms with her husband. Baka nga ilang araw lang ay maghiwalay na sila kaya nasayo ang huling halakhak,” pukaw ulit ni Kyle sa atensyon ko. “Stop it. Nicholas already wins her heart.” Tumayo ako at kinuha ang coat ko para makaalis na rito. I picked my phone and started walking towards the door. “Ede sumusuko ka na kung ganoon? Mukhang ayaw mo na eh. Ibababa ko na ito para si Nicho ang matawagan ko.” Sinundan pa iyon ng isang tawa ni Kyle. Napikon na agad ako. “Damn you. Watch her for me. I will come there.” I heard his evil laugh on the other line as if he just won a lottery. “Bilisan mo! Madami pa namang pumoporma sa kanya.” Binabaan ko na lang siya ng tawag. Pagkababa ng elevator sa basement ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot papunta sa bar kung nasaan si Amber. Alam kong mali na itong mga pinaggagawa ko. Nahihibang na ako masyado pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mali ba ang magmahal? Siguro ay mali kung sa taong may iba nang nagmamay-ari ka mahuhulog. Is that even counted as a valid reason to not fall in love with women who are already married? I guess so. “Ano pa bang mahihiling ko eh nasa akin na ang lahat?” Iyan ang akala ng lahat ng tao na sinasabi ko sa sarili ko at dapat kong ipagmalaki. Akala nila ay nakakainggit ang maging isang Flame Volkswagen. Kasi daw nasa akin na ang ang lahat. Kusang lumalapit sa akin ang biyaya. At masyado raw akong maswerte. Pero hindi ko pa talaga nakukuha ang pinakagusto kong angkinin. Hindi nila alam ang tunay kong inaasam-asam na maging akin. Kasi kung alam nila ay baka ayawan nila ang isang tulad ko. Kayamanan ba ang gusto ko? Hindi. Mas mahalaga pa sa kayamanan ang gusto ko. Hindi naman maaaring pera kasi marami ako niyon at alam nilang hindi basta-basta nauubos ang pera ko. Babae? Hindi rin. Kaya ko namang kunin ang loob nilang lahat. Mapapasunod ko sila sa akin. Sila pa ang maglalakad patungo sa akin para lang maangkin ko sila. Sila pa ang gagawa ng paraan para mapansin ko sila. Sila ang palaging mauunang gumalaw para lang kunin ang loob at atensyon ko. Pero hindi ang isang Alicia Amber Fuentes… Kasi pag-aari na siya ng iba. Nakatali na siya kay Nicholas dela Mercado. Oo, si Amber ang nag-iisang itinatangi ko. Siya ang gusto kong angkinin pero hindi ko magawa kasi may asawa na siya. Halos mabaliw na ako araw-araw sa kakaisip na namarkahan na siya ng ibang lalaki. Pero hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Sa kanya lang ako nagkakaganito. Siya lang ang nagagawang bumaliw sa akin nang ganito… I parked my car to the parking space. Lumabas ako agad para makapasok na sa loob ng bar. Napatingin sa akin ang lahat pagkapasok ko pa lamang sa loob. They greeted me but my eyes focused on one person only. I saw Amber on the bar stool and she looks drunk. May mga lumalapit sa kanya pero binabantaan sila ni Kyle sa itsura pa lamang ng kanyang mukha. So he is the bartender tonight instead of an owner. “Flame! Dito ka na sa table namin!” aya sa akin ng mga kakilala ko. Inilingan ko na lamang sila at itinuro si Kyle. “May pag-uusapan pa kami ni Kyle eh,” palusot ko kahit na iba naman talaga ang ipinunta ko rito. Paglapit ko sa gawi ni Kyle ay nagngising aso siya sa akin. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at sa kabilang glid umupo malayo sa kung nasaan si Amber. Ayaw ko naman na magka-issue siya kahit pa gustong-gusto kong lumapit sa kanya. Si Kyle lang naman ang nakakaalam na gusto ko ang babaeng iyan. “Anong order mo ngayon? Isang margarita o isang Amber?” nagbibirong untag ni Kyle pagkalapit niya sa akin. “Shut up. Just give me one bottle of rum.” He put one glass of wine in front of me instead of rum. Napailing na lang ako pero uminom pa rin ako. “Ang kupad mo talagang gumalaw. Huwag mo na isipin si Nicho. Lapitan mo si Amber at dapat ay maganda ang first impression niya sayo para naman makausap ka niya. Malay mo ito na talaga ang pagkakataon mo para mapalapit kayo sa isa’t isa,” untag ni Kyle na para bang ikinukwento niya ang taas ng kanyang pinapangarap. Sinulyapan ko si Amber. Nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “Gago baka nakikilala niya ako na ako iyong lumapit sa kanya kahapon.” Kinabahan ako agad. “Lasing siya kahapon at lasing pa rin ngayon. Imposibleng nakilala ka niya.” Sana ganoon na lang kadali ang lahat. Tipong iinom ka lang ay makakalimutan mo na ang lahat. Nilagok ko ang isang baso ng wine bago tumayo at lapitan si Amber. Pinanood niya akong maglakad papalapit sa kanya. At nang makalapit ako ay tiningala niya ako na para bang kanina niya pa ako hinihintay. “Hi…” kinakabahan kong bati sa kanya. Mapupungay na ang kanyang mga mata. Nang kumurap siya ay parang gusto ko na lang siyang buhatin at iuwi sa bahay ko. Damn it. What the hell am I thinking?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD