“Ma’am, over speeding po kayo”, saad ng officer at wala siyang nagawa kundi tumango. Nang magkatinginan sila ng officer ay nanlaki ang mata nito. “Ikaw na naman?!”, turan nito sa dalaga. “Sorry chief, kasi…itong kasama ko, sumasakit ang kanyang tiyan naLLBM!”, mabilis niyang pahayag pagkatapos ay tumingin sa binata na halatang nagulat sa kanyang sinabi. Pinanlakihan niya ito ng mata at pasimpleng hinagilap ang legs nito at kinurot. “Ouch! Ang sakit!”, reklamo nito dahil sa kanyang pagkakurot. “Oh, sige isge! Umalis na kayo baka dito pa sa daan abutan yan”, turan ng officer kung kayat agad niyang pinaandar ang sasakyan. “Salamat chief, pasensiya na po talaga!”, saad ng dalawa bago inapakan ang gasoline at pinaharurot ang sasakyan. Saka lang siya nakahnga ng maluwang ng hindi na niya ma

