Paglabas ni Danielle sa building ay naupo siya sa may bench sa ilalim ng puno, parang umaalingawngaw sa kanyang utak ang katagang hindi believed at palpak na kung saan ito ang palaging binibitiwan ng kanyang ama. Napahawak siya sa sentido, hindi niya akalain na ang inaadmire niyang lalaki ay katulad din ng kanyang ama kung magsalita. Nakakasakit ng damdamin at nakakadegrade ng pagkatao kahit ginawa na niya kung ano ang nararapat at tama. Kung makina ang pag-uusapan hindi pa naman siya pumalpak, kahit nakapikit siya kaya niyang ituro ang sakit ng makina at gawin ito ng walang kaeffort effort.
“Ne, kumain kana?”, maya maya ay lumapit sa kanya si Manong Jun. Agad siyang nagbago ng mood at nginitian ito.
“Hindi pa, manong. Kayo ho?”, turan niya dito.
“Halika na, kain na tayo”, saad ng matanda at tumango siya dito. Nasa sasakyan niya ang kanyang baon at kukunin niya muna ito.
Pababa si Danielle sa kanyang sasakyan ng malingunan ang isang kasama habang hirap sa pagpapandar ng motor nito. Inobserbahan niya ito ng ilang minute ngunit tila ayaw umadar ang motor kung kayat lumapit siya dito.
‘Bakit pre?”, turan niya dito. Tinignan siya ng kasama at pagkatapos ay binabaan ang motor mula sa pagtadyak dito.
“Hindi ko nga alam pre, basta ayaw ng umandar”, saad nito na halos frustrated ang mukha.
Habang pasilip silip iyon ay nakikisilip din siya hanggang sa mapagtanto niya ang sira nito.
“Pre tignan mo yung belt baka pudpud na”, suwestiyon niya dtio. Medyo nag alinlangan pa iyon dahil wala ding gamit para buksan ang motor. Bumalik si Danielle sa kanyang sasakyan at nang lumapit ulit sa kasama ay may hawak ng tools.
“Hindi ko nga alam buksan pre.”, kakamot kamot sa ulong pahayag ng kasama at napangiti siya.
“Kung gusto mo pre, tignan ko”, pahayag niya dito.
“Marunong ka ba pre?”, medyo alanlangang pahayag ng kaharap.
“Try ko pre”, turan niya. Medyo nagsecond thought ang kasama ngunit di naglaon ay nag give way din ito sa kanya. Wala pang isang minute ay nabuksan nacni Danielle ang motor at hawak na niya pudpud nang belt ng motor. Napahanga ang kasama sa skills ni Danielle ngunit tila may lungkot na rumehistro sa kanyang mukha.
“Diyahe pre, wala pa akong pambili ng bagong belt”, problemado ang mukhang pahayag nito. Naintindihan naman ni Danielle ang sitwasyon nito kung kayat tumayo siya at dumukot sa bulsa ng two thousand at ibinigay dito.
“Luch break naman pre, bili ka nalang muna”, pahayag niya dito.
“Naku! Baka wala kanang pera niyan pre”, atubili pang pahayag nito.
“Meron pa naman pre, sige na para magawa natin ito agad”, turan ni Danielle sa kasama kung kayat sobrang natuwa ang kasama na kinuha ang iniabot niyang pera at dalidaling lumabas sa premises ng tower para bumili ng belt ng motor.
“Maraming salamat, pare ha? Kung hindi dahil saiyo baka hindi ako makakapasok ng ilang araw kung hindi pa gawa ang motor ko”, pahayag ng kanyang kasama pagkatapos magawa ang motor nito.
“Don’t mention it, pre! My pleasure to help”, turan nya ito at tuwang tuwa ang kasama.
‘Marion nga pala, pre!”, pagpapakilala nito sa sarili.
“Danielle, pre!”, saad naman niya at pinagbunggo ag kanilang kamao.
“Kung gusto mo pre, ako nalang muna ang gagawa sa assignment mo para makabawi naman ako saiyo”, pahayag ni Marion at natawa siya.
‘Okey lang pre, pareho naman tayong may assignment baka pagalitan tayo ni chief”, saad niya dito.
“Hindi pre, okey lang. Tapos ko naman na yung assignment ko”, pahayag ni Marion kung kayat pumayag na din siya. Sa CR kasi ang sunod niyang assignment at medyo hindi siya nakakain ng mabuti noong huli siyang naglinis dito.
“Salamat pre, kung ganon”, turan niya kay Marion at tinapik lang naman syia nito sa balikat.
Almost one month na si Danielle mula ng lumipat siya sa tinutuluyang apartment atbmaging janitor sa Wolverine. Natuto na rin siya sa tamang technique ng paglilinis at nagiging normal na sa kanya ang ganoong gawain. Halos kaibigan na rin niya ang lahat ng mga kasama maging ang mga guard sa tower. Napagkakamalan siyang tibo kung kayat pare, pre, bro at boss ang tawag naman ng mga ito sa kanya na hinayaan na lang din niya upang hindi na magkaroon pa kalituhan sa iba. Hidi lang naman kasi ang kanyang pananamit ang parang lalaki, pati galaw ay kuhang kuha din niya.
Pasakay na siya sa kanyang sasakyan ng tumunog ang gamit na cellphone. Iniiwan lang niya ito sa kanyang sasakyan dahil ang kanyang mommy lang naman ang tumatawag dito.
“Mom!”, bati niya sa ina ng pindutin ang received button.
“Are you not coming home? Baka makalimutan mo, it’s my birthday today!”, turan ng ina at napangiti siya.
“Of course, I remember mom! makakalimutan ko ba yun? Paalis na nga ako dito sa trabaho”, pahayag niya at nasiyahan iyon.
“See you my princess”, turan ng ina at di niya napigilang magmaktol.
“I’m not a princess mom”, turan niya at bumuntunghininga iyon.
“Alright, see you anak. Marami tayong bisita mamaya, I gotta go”, pamamalaam ng ina.
“See you mom, I love you.”, turan niya bago tuluyang ibinaba ang cellphone.
Ibinalik sa lagayan ang hawak na cp at pagakatapos ay pinaandar na ang kanyang sasakyan. Dadaan pa siya sa flowershop, wala siyang maisip na regalo sa ina sapagkat wala siyang time tumingin sa mga stores kaya favorite flower niya na lamang ang kanyang ibigay. Nakaligo na rin siya bago lumabas sa Wolverine kanina, may shower din kasing para sa kanilanng ulitilities kung kayat malinis na silang umaalis sa trabaho. Pagkakuha niya ng bulaklak sa shop ay tuluyan na niyang binaybay ang daan papunta sa kanilang mansion. Favorite ng kanyang ina ang purple tulip kung kayat tiyak niyang matutuwa ito sa kanyang dala. Habang nasa daan ay may nakita siyang sasakyan na nakahinto sa gilid ng kalsada habang nakataas ang harapan nito. Pasado alas siete na ng gabi kung kayat madilim na ang paligid and without a doubt ay inihinto niya ang sasakyan sa harapan nito at bumaba upang mag-offer ng tulong.
“Boss, ano pong nangyari?’, turan niya sa driver habang busy sa pakalikot sa makina ng sasakyan.
“Basta nalang tumirik boss, hindi na umandar”, pahayag ng driver ngunit ng mag angat ito ng mukha at mailawan ang mukha ng dalaga ay bigla iyong natuwa.
“Danielle, ikaw pala pare?’, saad ng driver. Nakilala din niya itong driver ng kung sino sa Wolverine.
“OO nga pare, ikaw pala yan. Patingin?”, saad niya sa driver kung kayat agad namang umalis iyon sa harap ng makina. Kilala na kasi ang dalaga na marunong magkumpuni ng sasakyan dahil ito ang tumitingin sa mga sasakyan ng kanilang mga kasamahan kung nagkakaproblema.
“Naku pare, patow nalang natin ito. Matindi ang sira sa loob, wala pa naman tayong pamalit”, saad ni Danielle matapos mainspection ang loob ng makina. Napakamot iyon sa ulo na tila nagkaproblema.
“Ganon ba pare? Andiyan pa naman si boss sa loob may dadaluhang mahalagang party”, turan ng driver na siya namang pagbukas ng nakatirik na sasakyan at lumabas ang amo nito.
“Matagal paba yan? Anong oras na?”, iritadong pahayag ng boss nito. Sa boses palang ng lalaki ay naititiyak ni Danielle na ang kanilang CEO ang nagmamay ari nito. Napangiti siya ng wala sa oras, hindi niya alam kung dahil masungit ito sa kabila ng problema sa sasakyan nito o dahil natutuwa siyang makita ito. Medyo ilang araw din niyang hindi nakikita ang kanilang CEO kahit nakaasign siya floor na kung saan naroroon ang upisina nito.
“Sorry sir, pero matindi po ang tama ng makina mukhang hindi po tayo makakaalis agad”, saad ng driver kung kayat hindi na nagtaka ang dalaga kung magalit ito.
“What? Paanong nangyari yun? Hindi bat chinecheck mo naman yan bago umalis?”, sermon niya sa driver kaya mas lalong napakamot ito sa ulo.
“Sir, ihahatid ko na lamang po kayo sa iyong pupuntahan”, bigla ay suwesiyon niya sa nag aalburutong binata, isa pa naawa din siya sa driver nito dahil hindi naman nito kagustuhang masiraan.
Agad namang napatingin si Wolverine sa dalaga, tila nagulat din ng makita siya. Iba ang itsura nito, nakalugay ang buhok at amoy na amoy niya mula sa kinatatayuan ang mabangong shampoo nito. Kahit naka loose shirt at pants ito ay mukhang pa ring babaeng babae ang aura lalo at inililipad ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok. Hindi katulad ng palagi niyang nakikita na nakabraid ito o di naman kaya ay nakatali ang buhok.
“OO sir, makikisuyo na lamang po tayo kay pareng Danielle para ihatid niya po kayo. Pasensiya na po.”, turan naman ng driver at kitang kita ng dalaga kung paano hinawakan ng binata ang kanyang sentido.
“Alright! Fix that! ayaw ko nang mangyari ulit ang ganito”, saad ng binata na walang sabi sabing nagmarcha papunta sa saskyan ng dalaga. Agad namang tinapik ni Danielle sa balikat ang driver at dali daling humakbang ng mabalis upang pagbuksan ng sasakyan ang kanilang amo. Kinuha niya ang bungkos ng bulaklak na nakapatog sa front seat at trinansfer sa back seat bago isinenyas sa binata na pwede na siyang maupo sa loob. Pagkaaupo ni Wolverine sa front seat ay dali dali naman siyang umikot papunta sa driver seat.