Chapter thirteen Yna pov Halos manghina ako sa naririnig ko sa study ni papa..... Dito ako dumiretso dahil sabi ng maid andito si mama... Gusto kong makausap si mama tungkol kay ate... Bubuksan ko na sana ang pintuan ng marinig kong may nagtatalo sa loob at dinig na dinig ko ang malakas na boses ni mama... Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko...pero sino ang kausap niya??? At sino yung batang pinag uusapan nila?? Ninakaw?? Sino?? Naramdaman kong palabas na yung lalaking kausap ni mama kaya dali dali akong nagtago sa isang guest room na katabi nung study ni papa.. Nang maramdaman kong nakaalis na yung bisita ni mama ...dali dali akong lumabas at pumasok sa study ni papa... Nakita ko si mama na tulala at namumutla, hindi pa niya ako napapansin dahil sa pinagmamasdan niyang papel.

