Bola 28

2796 Words

ISANG malalim na paghinga ang ginawa ni Ricky, pagkatapos noon ay malumanay niyang inilabas ang hangin mula sa kanyang dibdib. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Doon nga ay pinagmasdan niya ang mga kakampi. Nilapitan na rin siya ni Manalo, ang PG ng Minscat. Nakatingin lang ito sa kanya habang maingat niyang pinapatalbog ang bola. Doon ay bahagya siyang tumalikod para protektahan iyon. May kaba sa kanyang dibdib ngunit kailangang alisin niya iyon. Siya ang nagpresintang maging Point Guard at kung ito ang magiging dahilan para matambakan lalo sila... Mahihiya na siyang humarap sa kanyang mga kasama. "Pasa!" Narinig ni Ricky ang tawag ni Cunanan na papalapit sa kanya. Binabantayan ito ni Avenido. Pinipilit takasan nito ang bumabantay. Napatingin si Ricky doon at ganoon din si Manalo. Ala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD