EMMH 01

1840 Words
Chapter 01 Maaga akong pumasok ngayon dahil teacher ko si Miss. Jacela. Mabilis ding umusad ang oras at pangatlong major subject na namin 'to sa kaniya.  Queen ang tawag namin sa kaniya,  Bakit?  Una ang dami daming pinapagawa at hindi nagdidiscuss, puro term paper at lesson plan ang pinapagawa sa amin. Kaloka!  Pangalawa, Papasok siya minsan 30 mins late pero hinihintay pa rin namin siya. Kahit na considered absent na siya. Queen nga kasi di'ba? Tapos kapag kami naman ay nag rest room lang dahil sa kakahintay sa kaniya. Absent ka na agad!  Queen kasi! >_>  Kapag naman sinabi mo naman nandito ka na at umihi lang babagsakan ka niya ng matinding motto niya na  'I DON'T CARE!'  queen 143  Ngaleng di'ba? Kaya maaga akong pumapasok dahil kay Queen. Mahirap magkaroon ng absent sa kaniya dahil kapag may namiss kang isa para mo na ring inabsent-an yung isang buong sem!  Ganoon kalala! Ganoon katindi at ganoon kabagsik si Queen! RAWR!  "Landi mo bakla ka!" Napatingin ako sa harapan ko naghihilahan na ng buhok si Sisa at ang kaklase kong si Christine.  Asis kasi ang surname niya pero mas gusto niya raw tawaging sisa para rawr daw sa mga oms! Hahahaha! "Syempre mas maganda ako sayo 'no! Sorry!" Sabay hila sa buhok ni Christine na ngayon ay sabog sabog na.  Natawa ako! Laging ganiyang iyang dalawa na 'yan sa harapan ko. "Napakawalanghiya mo Sisa!" Singit ko at kinalabit si Sisa tumingin naman siya sa akin.  Close naman kami nito kaya okay lang kahit tawagin ko siyang walanghiya. Kahit totoo naman.  "Tignan mo 'yung buhok nito oh?" Natatawang turo ko kay Christine na ngayon ay nakatayo at hinahanap ang ballpen.  "Hahahaha! Okay lang 'te aso naman namin 'yan e!" Mas lalo akong humagalpak nang tawa dahil sa sinabi ni Sisa Pinalo naman siya ng bag ni Christine at mabilis na umupo nang biglang dumating si Queen Jacela.  Tinignan ko ang bestfriend kong si Rickael na nakatulala sa bintana, Broken kasi siya ngayon. Nag away daw sila ng jowawers niya!  Umayos na ang upo ang lahat nang biglang magsalita si Queen  "Goodmorning class."  "Goodmorning Miss."  "Okay have a seat, Who is the reporter today?" Kaagad na tanong niya habang umuupo sa likod.  Nagsitayuan naman ang mga reporter at bagot akong nakinig sa mga paliwanag nila hanggang sa magdismissal na.  Kasama ko ngayon si Rickael at ang bachelor, Halos kalahati ng blockmates ko ay close ko. Kaya tinawag namin ang grupo naming bachelor.  Pero ngayon ay nasa sampo lang kami yung iba kasi ay umuwi na pagod na pagod dahil kay Queen. Siya lang naman kasi ang kinaayawan namin sa lahat ng prof paano ba naman kasi tatlong major sa kaniya.  Paanong hindi ka masstress? Puro mukha niya makikita mo sunod sunod na majors. "Saan tayo mga 'te?!" Ang matining na boses ni JM kaklase kong bakla  Dalawang bakla ang kasama namin ngayon at isang lalake si Ninong Dello  Ninong tawag namin sa kaniya kasi mayaman 'raw' siya Hahahahaha! Oo pwede libre niya rin naman kami palagi kapag malaki ang allowance niya.  "Iglesia." Sagot ni Rickael  "Hoy!" Siniko ko siya habang naglalakad palabas ng school "Broken hearted na broken hearted kaba?"  "Oo nga! Nagbreak kami kahapon gagong Anthony 'yon di man lang ako pinigilan!"  "Bakit ka ba nakipag break?"  "Wala lang gusto ko lang!"  Nanlaki ang mga mata ko. "Gusto mo lang?" Hindi makapaniwalang tanong  "Oo bakit? Tinoyo ako eh!" Nakaismid na sagot niya  "Gago ka!" Hila ko sa buhok niya at sinabunutan "Aray ko naman bruha!"  "Kausapin mo 'yun. Tanga!"  "Bahala siya! Ako babae dapat ako ang sinusuyo."  Napailing na lang ako sa takbo ng utak ng bestfriend ko. Nawala yata isang turnilyo ng utak niya ano?!  ~ "Ang aga pa 'te. Wag ka munang umuwi!" Sabi ni Sisa sa akin gusto ko na kasing umuwi at matulog. Pero itong baklang ito ay nagpupumilit na bumalik kami sa school.  Hindi ko alam kung anong gagawin niya doon e wala naman na kaming klase. Isa ring 'tong si Rickael! "Oo nga, Tatanda ka niyang dalaga tignan mo!"  'Yan lagi ang pambanat niya sa akin. Tatanda daw akong dalaga dahil sa tutok ako mag – aral at puro review. Psh!  "Tara na bakla!" Hatak sa akin ni Sisa wala na akong nagawa kundi sumama. Umuwi na kasi yung iba naming kasama. 'Yung iba naman pumunta nang intramuros nag gala gala.  Eh ako uwing uwi na dahil feeling ko napagod ako dahil kay queen. Pero eto nandito ako ngayon sa quad kasama sila sisa na nakaupo sa bench chair at gusto mamingwit ng pogi.  "Ayun 'te! Tignan n'yo!" bulong ni baklang sisa sa amin. Tinignan ko naman ang tinuturo niya. Matangkad, Moreno. Kanina pa siya turo ng turo sa mga moreno.  Trip niya kasi 'yong mga 'yon. Inilipat ko ang tingin kay sisa nang maglakad sa harap namin yung tinuturo niya at nilagpasan kami. Binatukan ko siya "Nakatingin ka pa sa ano ha!"  "Hahahaha! Malaki ba sis?" Gatong ni Rickael  "Pwede na, gusto ko ngang gawing lollipop eh. Buti nakapag pigil ako!"  Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi ni Sisa. Kadiri!!!  "Ang bastos mo gago ka! Hahahaha!" Batok ni Rickael  "Shuta ka, Anong masama sa lollipop!? Pangit ng utak mo mi ha, Hahahaha!"  "Tara lipat tayong Ylagan building, Marami doon ngayon. Nagkalat!" Tiling aya ni Rickael  "Gusto ko 'yan sis!" Natutuwang sagot ni Sisa.  'Gusto ko na ring umuwi!' Bagot akong sumunod nang biglang maalala na may tatanong pala ako kay Rickael  "Bruha. Lagi ka bang naghahanap ng pogi dito?" Tanong ko kay Rickael.  Hindi ko alam na marami siyang alam sa ganito?  "Well! Hahaha!"  Napalingon ako sa dumaan sa gilid ko habang siniko si Sisa. Moreno mga tipo niya. "Mi ayan oh!" Bulong ko habang turo sa lalaking naka white uniform at sa may kulay blue ang ilalim ng manggas.  Nagpapahiwatig na HRM ang course. Lumagpas naman na ang lalake at ang ulo ni Sisa ay halos maputol na sa kakasunod. Mamaya pa binalik niya ang tingin sa akin. "Engk! Mi! " Binali pa niya ang kamay niya para sabihing bakla.  "Bakit ayaw mo mi? Parehas naman kayong nasa federasyon ha?"  "Ayoko! Mukhang mas malandi pa sa akin 'yun eh!"  "Gago! Hahahaha. May mas lalandi pa pala sayo sis?" Prangkang tanong ni Rickael.  "Oo mi, Ikaw!"  Malakas ang amoy ni Sisa pagdating sa mga kalahi niya. Kaya sa kaniya ako nagtatanong. Sinabi niya rin kasi sa akin na sabihin ko sa kaniya kung may crush ako para maamoy daw niya kung bakla o hindi.  Madalas naman ng tinuturo ko sa kaniya ay bakla raw. Tiwala naman ako rito sa kaibigan kong nagfefeeling babae. Pagka akyat namin sa Ylagan umupo kami sa nakita naming bakanteng bench chair.  Nang may makita ulit akong pogi sa paningin ko sinipa ko ang paa ni Sisa.  "Mi, ayon 'yung nakaitim!" Hindi ko alam kung anong course niya, marahil siguro ay wash day nila. "Tsk! Mi, Bakla din iyan!" Bulyaw niya sa akin kaya napairap ako.  'Bakla na naman. Amp!' "Ako hahanap sayo friend!" Kantyaw ni Rickael "Letse, Ikaw na lang maghanap." Nilayasan ko sila at naglibot libot sa hallway at napadpad sa science building. ~ Sumisilip silip pa ako sa mga room, para makita ng gwapo. Potek nahawaan na yata ako nila Rickael at Sisa ha! Pero okay lang, Kailangan ko ring lumandi at baka hindi lumago ang genes ko. Sayang naman ang lahi namin di'ba?  Muli akong sumilip sa pinto at naagaw ng atensyon ko 'yon ng lalakeng nakatayo sa harapan at nagrereport.  Bagay na bagay sa kaniya ang uniform niya mas naging manly at neat tignan dahil sa puro puti ito. Tapos ang tangkad! Shocks! Ang tangos ng ilong at makapal ang kilay. Ang bagsak ang buhok at may hati sa gilid!  Parang kinalabog naman ang puso ko nang hindi oras. Hindi ko maintindihan 'yung mga nakasulat dahil may sarili silang code. Parang sa amin lang pero nabaling ang paningin ko sa malaking picture ng barko na nakadikit sa white board.  May mga description ang mga bahagi n'yon. Seryoso ang mukha niya, maya maya pa ay tinaas niya ang kamay niya pagkatapos ay may tinuro isa sa mga kablockamates niya.  Kaloka! Marino!!! Kilig!!!  Nakita ko na yata ang Mr. Right ko, Argh baby we're so bagay. Isang marino at isang edukista?! Ahem! Why not!?! Let's take the risk diba?! Sayang wala si Sisa! Tatanong ko pa naman sana kung bakla ba'tong baby ko para magka alaman na. Edi kung bakla siya. Haharutin ko para maging straight diba!  Nakukuha naman 'yon sa malanding usapan e, Jonks! Ang dignity ko bilang teacher nawawala. Hahahahaha!  Nakita kong may bench chair sa harapan ng room nila kaya naman umupo ako roon at nilabas ko ang libro kong teaching profession!  Napaaral pa ako nang 'di oras ha?! Jonks! Syempre props lang 'to. Para malaman niyang education ang course ko. Balita ko pa naman gusto ng mga marine ay teacher.  Oh diba! May chance na agad ako sa 100 percent!  Lumipas ang ilang minuto at lumabas ang prof nila. Pahiwatig lang na tapos na ang klase nila.  Shet! Ang mga mata ko ay nagpapabalik sa libro at sa pintuan. May iba pa sa kablockmates nila ay tumitingin sa akin.  Ang tagal naman lumabas shocks!!  Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa libro kahit di naman ako nagbabasa. Papansin lang ako masyado dito. Ang landi ko!  "Rhem!"  Nag angat ako nang tingin at medyo umayos ako nang upo nang makita ang crush ko!  Gosh girl! Para akong nahihiya na nandito ako sa tapat ng room nila! Kainis pero hayaan mo na nga lang! Follow your dreams Hahahaha!  "Why?" Tanong niya.  Ah so? Rhem pala ang pangalan niya! Wow ang hot parang spicy red chilli! Kilig to the bones!!  "Saan ka?" Tanong ng blockmates niya o kaibigan niya yata. "Main, p're."  May braces!!! Gwapo nga. Pero mas gwapo siya kapag natanggal na iyong braces niya!  Grabe parang maiihi ako nang hindi oras dito. Ang harot! "Sige kita na lang tayo mamaya p're. Una na kami!" Pagpapa alam ng kaibigan niya at tinapik siya sa braso.  Nang tumalikod na sila at tinahak ang magkaibang direksyon tumayo ako habang nakatingin sa likod ng crush ko na ang angas maglakad.  At mas lalo siyang matangkad kapag nagkaharap kayo. Grabe parang hanggang dibdib niya lang ako ha? O baka nga wala pa e. Nakita ko pang binati siya ng ibang babae! Tinanguan niya lang 'to. Gosh! Sarap sabunutan. Soon to be boyfriend ko iyan eh! Akin 'yan hanap ka sayo! >_Sisang bakla : saan kana ghorl? Nakahanap ka ba ng pogi na hindi bakla? Ramerie: NAKAHANAP AKO!!! Paamoy ko nga sayo minsan kapag nakita ko! Sisang bakla: usto q 'yan mi!! Ramerie: 'oy sa akin 'yun bruha ha! Maghanap ka nang iyo! Hindi na nagreply si Sisa kaya nagreply ako sa chat ni Rickael Bessy Ricks: Saan kana dzai? Dito kami sa labas ng dance studio pauwi na hintay ka namin dito. Ramerie: Sige wait...  'RHEM' Ulit ko sa isipan ang pangalan niya! Tinatandaan! ~ Pagpunta ko sa dance studio nakita ko si Sisa na nanonod sa labas. Glass wall kasi iyon kaya makikita kung sino sino ang sumasayaw sa loob. May salamin din sa loob kaya nakikita rin kami mula roon. Binatukan ko si Sisa "Wow, Ang landi." Bulong ko at sumilip din "Nakabingwit ba tayo, Mi?" Ang creepy ng tanong niya.  Para tuloy ayaw ko nang sabihin dahil baka agawin niya 'yung crush ko! Tsk. Sayang minsan lang pa naman ako ma attract.  Epal nito! "Saan si Rickael?" Pag – iiba ko ng usapan.  "Nag rest room saglit."  Bumalik na ulit siya sa panonood sa loob. Talagang naghahanap ng magogoyo. Umupo na lang ako monoblock chair na nandoon habang iniisip kung paano ko malalaman ang f*******: niya.  Syempre wag din nating kalimutan ang mabigat na tanong  'May girlfriend kaya?'  Napangalumbaba ako habang iniisip 'yun. Sana wala! Cheret!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD