Kabanata 2

1207 Words
Katulad ng inaasahan natapos ang pagtitipon na iyon na puro tampulan ng tukso para sa kay Solomon. Pangiti-ngiti lang siya at sinasakyan ang mga ito pero ang totoo nag-iisip na rin siya na sundin ng mga sinasabi ng mga ito. Nasa tamang edad naman na talaga siya para mag-pamilya, hindi iyong puro trabaho at kabi-kabilang mga babae lang ang kanyang inaatupag. Syempre kailangan na rin niyang lumagay sa tahimik, bumuo ng sarili niyang pamilya. At gaya nga ng pangako niya nais niyang bigyan ng marami na apo ang kanyang mga magulang. Kaya naman umisip siya ng paraan para matagpuan talaga niya ang nararapat na babaeng para sa kanya. Iyon bang batid niyang makakasama niya sa hirap at ginhawa at dadamayan siya sa lahat-lahat. Mamahalin siya ng buong tapat hindi dahil sa kanyang pera at estado sa buhay kundi dahil mahal talaga siya nito at totoo ang nararamdaman nito para sa kanya. At isa lamang ang paraan na kanyang naisip para mahanap ang babaeng nararapat sa kanya at iyon ay ibaba niya ang sarili sa kanyang kinalalagyan. "Aba hijo ano bang kalokohan itong pinaggagagawa mo? Magpapanggap kang driver ng isa sa mga delivery truck na nagdedeliver sa bayan? Hindi ko mapapahintulutan iyan, ikaw ang nag-iisang anak ko, tapos hahayaan kitang magtrabaho na katulad ng trabaho ng ating mga tauhan?! No no no! Over my dead body! Hindi ako makakapayag sa nais mo na yan anak. Kung ang nais mo ay para mahanap lamang ang babaeng nararapat sayo, ako na mismo ang hahanap ng babae para sayo. Wala ka nang dapat alalahanin pa hindi iyong ganyan. Ano, aasta kang mahirap kahit hindi ka naman mahirap talaga? At para saan para makahanap ka ng babaeng magmamahal sayo na taga squatter, seryoso ka ba dyan anak?!" tila highblood na wika ng ina ni Solomon na si Nyebez Montilla. Kahit kailan talaga ang kanyang mama, hindi pabor sa mga mahihirap o di kaya ay hindi nakakaangat sa buhay. May pagka matapobre kasi ito, at aminado siya doon, minsan nga nahihiya siya sa kanilang mga tauhan sa farm. Kapag nandon ang kanyang Mama talagang hindi maaaring hindi ito magsalita at mang-mata ng maliliit na mga manggagawa nila. Mabuti na nga lang at ang kanya namang Papa ay talagang down to earth, may pagmamahal at paggalang sa mga manggagawa at iyon naman ang namana niya dito. Kaya kadalasan hindi na lang pinapansin ng manggagawa ang ugali ng kanyang Mama, iniisip na lang ng mga ito ang utang na loob at kabaitan ng kanyang Papa. "Mama napag-usapan na natin ito ah, na kapag nais ko ng mag-asawa ay hindi kayo makikialam susundin ko ang puso ko dahil ang nais kong makasama sa buhay ay ang mamahalin ko habang buhay at mamahalin din niya ako habang buhay. At sa mga nakakasalamuha kong babae sa ngayon ay natitiyak kung walang magmamahal sa akin ng ganoon kundi ang mamahalin lamang nila sa akin na iyong pera. Kaya sana Mama kung nais niyo po na makapag-asawa na talaga ako at kung nais niyo na magkaroon ng apo mula sa akin ay hayaan niyo akong mamili. Hayaan nyo ng iyong babaeng magpapatibok sa aking puso ang iuwi ko dito sa bahay at ipakilala sa inyo at syempre iharap ko sa altar. "Hay naku, puro ka talaga kalokohan bata ka. Bahala ka nga kung anong gusto mo, basta kapag may hindi ako nagustuhan sa babaeng yan at matiyak ko na pera lamang ang nais niya sayo, ako mismo ang kakaladkad sa kanya palabas dito sa villa!" kunwari galit-galitan nitong turan pero binigay naman na nito sa kanya ang permiso na gawin ang bagay na iyon. Ang kanyang Papa naman ay nakausap na niya tungkol dito, syempre gaya ng palagi nitong ginagawa suportado nito ang lahat ng kanyang desisyon. Kaya ngayon na, naghahanap siya ng nararapat na babae para sa kanya, suportado din siya nito. Kaya naman kinabukasan alas-dos pa lang ng mga madaling-araw ay nasa palengke na sila sa bayan ng Daet. Nagpanggap siyang driver ng isa nilang malaking delivery truck na nagsusuplay ng mga gulay at karne sa palengke. "Naku, ako na po niyan boss mabigat po. Hayaan nyo na lamang po kami, kami na po ang bahala dito," suway sa kanya ng isa sa mga kargador na kasama nila. "Mang Emong naman, diba sinabi ko na po sa inyo na wag niyo akong tatawaging boss. Solomon na lamang po ang itawag ninyo sa akin. Tsaka wag nyo na po akong pino-po kasi dito pantay-pantay lang tayo, diba sinabi ko na po sa inyo na ako ang driver ninyo hindi niyo ako boss dito. Ipinaliwanag ko na po sa inyo ito eh, paano tayo makakahanap ng nararapat na babae para sa akin kung hindi tayo makapag-panggap ng maayos. Sige na naman Mang Emong, sumakay na lang po kayo sa plano ko, hayaan nyo na akong tumulong kasi baka abutin pa tayo dito ng tanghali sa pagbubuhat, lalo pa at kulang tayo ng dalawa." pakiusap niya sa isang kargador na matagal na nilang tauhan kaya kilala na siya nito. Dadalawa lang kargador kasi ang dalawa pang kasamahan ng mga ito ay may sakit daw kaya absent ang mga ito. Hindi naman niya kayang tingnan ang mga ito na nagtatrabaho tapos siya pasarap-sarap lamang sa upuan ng sasakyan kaya naman nagpumilit siyang tumulong sa mga ito. "Ay naku pasensya na po ay—a-ang ibig kung sabihin pasensya na Solomon, nakalimutan ko kasi at nakasanayan na rin," kakamot-kamot na wika nito sa kanya. "Okay lang po iyon Mang Emong, pero sana next time wag na kayong magkamali kasi baka mapurnada pa iyong pagpapakasal ko. Kayo rin di kayo makatikim ng imported na alak na talagang inilaan ko pa naman sa inyo," natatawa at kunwaring banta niya sa mga ito. Pero ang totoo manginginom kasi ang mga ito at nakikita niyang after ng trabaho ng mga ito ay umiinom ng alak. Kadalasan ay lambanog ang iniinom ng mga ito dahil ito ang mura, nangako siya sa mga ito na bibigyan ng mamahaling alak, iyong imported para makatikim naman ng mga ito. At iyon nga makikita mo ang excitement sa mga mata ng mga ito habang nagtatrabaho. Mukhang nagkakaintindihan naman na sila kaya ng magsimula na siyang magbuhat, hindi na siya pinakialaman ng mga ito. Ilan pang mga gulay na order ng isa sa kanilang mga suki ang kanyang inasikaso, ang mga ito naman ay sa karne. Halos Dalawang linggo na siyang nagpapanggap bilang driver pero mukhang mabibigo yata siya sa kanyang plano. Naging masaya naman ang pagiging driver at pagiging kargador na rin. Pero iyon nga lang marami ang mga nagpapalipad ng hangin sa kanya, kadalasan ay mga tindera sa palengke na magaganda rin naman, hindi rin pahuhuli sa iba niyang fling. Sa una, kinikilig pa ang mga ito kapag nginingitian niya at sasabihin pa na ang gwapo niya. Pero kapag nagtanong na ang mga ito tungkol sa kanya, kasi mukha daw siyang mayaman at nalaman naman ng mga ito na isa lamang siyang driver ng truck na nagdedeliver ng mga gulay at karne. Tapos malaman pa na tauhan lamang siya ng mga Montilla. Agad-agad na nawawalan ng interest ng mga ito sa kanya. Kaya naman nawawalan na talaga siya ng pag-asa na matatagpuan pa ang babaeng nararapat lamang sa pag-ibig niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD