"Hello?" sagot ko sa tawag ni Gina. Nasa sala ako ngayon ni Allen at nanunuod ng palabas sa tv while waiting for him. Isang oras pa lang siyang wala pero na-bored na ako agad. "Justine's here in your unit right now. Di ka raw niya ma-contact. May itatanong daw siya sayo." I looked at the time. It's almost 6 in the evening. Buti at pinayagan siyang lumabas? Tss. "Okey. Pauwi na ako." wika ko. Mamaya pa naman siguro yung si Allen. Babalik na lang ako pag nakauwi na siya mula sa trabaho. Nagbihis muna ako dahil si naman pwedeng umuwi akong naka-boxer at tshirt lang. "Saan po kayo pupunta?" tanong nung isang bodyguard ata ni Allen. "I need to go home. Tell Allen na babalik din ako." wika ko.

