Lumipas ang isang buwan nanatili pa ring sariwa sa isip ni Yssa ang nangyari. Buong buhay niya, unang beses pa lang siya naka-encounter ng isang lalaki na halos nakahubad. Tanging nakasuot lamang ito ng brief nang bigla niyang pasukin ang kwarto ni Evander.
Umuulit sa kanyang imahinasyon ang ganoong eksena kaya't hindi siya mapakali sa kanyang hinihigaan. Naalala rin niya kung paano niya nagawang ihagis ang mga punda ng unan, kumot at sapin sa higaan sa kama ng binata at nagmadaling umalis.
Nakaramdam ng pagkainis ang dalaga habang iniisip at inaalala iyon. Isang bagay na nagbigay ng labis na kahihiyan sa kanyang sarili.
7:30AM na ng umaga kaya marahil wala na ang monster boss niya sa kwarto nito. Tinatansya na kasi niya ngayon ang pagpasok roon sa kwarto dahil sa nangyari.
Nagdali siyang pumasok ng silid at binuksan ang ilaw upang makita ang buong paligid nito. Maya-maya pa napadako ang kanyang mata sa isang libro na nakapatong sa kama.
Kinuha niya iyon at tumakbo nang mabilis upang iabot sa binata ang libro. Nakakasiguro siyang di pa ito nakakalayo ng mansion.
Nakita niya kaagad na paalis na ito kaya sumigaw siya kasabay ng pag-angat niya ng libro. Napansin kaagad ito ni Evander sa bintana ng kotse at nanlaki ang mga mata nito.
Hinihingal-hingal pa rin si Yssa habang nakatayo pa rin sa pwesto mula limang metro lamang ang layo sa sasakyan.
"Nakalimutan mo ang libro sa Physics." bungad ng dalaga sabay abot sa binata.
Napasipol naman si Marcus nang makita si Yssa na kausap si Evander.
"Magpasalamat ka matalas ang isip ko kundi....."
Hindi natuloy ang sasabihin ng dalaga nang tinalikuran na siya ni Evander at di man lang nagawang pasalamatan siya. Halos magkadulas-dulas na siya katatakbo para mahabol at maiabot itong libro.
"Bwiset ka talaga. Di man lang marunong magsabi ng thank you!" Naiinis na sigaw ng dalaga pero di siya narinig dahil nasa loob na kotse ang binata.
"Di mo lang sinabi sa akin sa na may magandang chicks ka pa kasama ah." Nagbibirong saad ni Marcus kasabay ng pagtawa ng dalawa sa front seat.
Isang matalim na titig ang iginawad naman ni Evander kay Marcus dahil sa kalokohan nito. Kapag ganoon na ang reaksyon ng binata ibig sabihin kailangan na niyang tumigil.
"Sorry, Boss Evan. Nagbibiro lang ako. Wala namang akong balak jowain 'yon eh." Paliwanag nito pero sinundan pa ng isang mapait na salita mula sa kanyang amo.
"Can you please, shut up?" sigaw nito kaya nagtino ang tatlo at di na nagawa pang magsalita at magbiro. "It's been 7:45AM. What are you waiting for?" Muli pa niyang saad kaya hindi nagdalawang isip si Martin paandarin ang sasakyan.
Dumiretso sila ulit sa National Bookstore matapos ang klase ni Evander. Gusto niyang bumili ng panibagong fictional at non-fictional books. Hilig na talaga niya ang magbasa kaya ang kanyang silid ay halos puno na rin ng mga libro.
Habang abala si Evander sa pagpipili ng mga libro, napansin nanaman niya si Marcus na nakikipagbiruan sa mga cashiers at salesladies ng isang store kasama pa nito sina Martin at Taylor. Sinita niya ang mga ito at nagsitigil.
"Pasensya na kayo. Masungit itong boss namin."
Kaya mas lalong nairita si Evander pero hindi niya pinakita ang emosyon sa mga ito.
"Hintayin niyo ako sa labas." utos ng binata at kaagad na sumunod ang kanyang mga bodyguards at driver.
Pagbukas ng binata sa kanyang kwarto, bumungad sa kanyang ang malinis na silid. Sa halip na matuwa nainis pa siya. Naiinis pa rin siya sa kanyang personal maid. Hindi pa rin talaga itong tumitigil sa kanyang ginagawa.
Isang buwang mahigit na sa kanila si Yssa at sa tuwing pag-uwi ganito ang kanyang madadatnan.
Pagpatak ng ala-siyete ng gabi, nakarinig muli siya ng pagkatok sa kanyang kwarto.
"Sir Evan. Si Yssa po ito. Pinadalhan ko po kayo ng dinner." dinig niya.
Hindi siya sumagot at nanatili lamang sa pagbabasa ng libro na kanyang binili kanina. Matapos ang ilang minuto bigla itong bumukas at bumungad sa kanya ang kinaiinisan niyang personal maid na walang ginawa kundi guluhin siya.
"I told you...." hindi natuloy ang sasabihin ni Evander nang tinalikuran rin siya ni Yssa matapos ilapag ang pagkain.
Padabog niyang sinarado ang pinto at nagmura.
Tinititigan muna niya ang pagkain bago simulang kainin ang mga ito.
KINABUKASAN. Muli nanamang nagtungo si Yssa sa kwarto ng kanyang boss at bumungad rin sa kanya ang isang katutak na kalat.
Nakaramdam na rin ng pagkainis ang dalaga. Kaaayos at kaliligpit niya lang ito kahapon pagkatapos magiging ganito nanaman ulit.
Nakita niya ring tambak na ang labahin kaya inuna muna ito. Nagtungo siya sa laundry upang malabhan na lahat.
Alas-kwatro na ng hapon nang matapos ni Yssa ang mga gawain sa silid ni Evander. Inalam niya ang bawat schedule ng pag-uwi ng binata. Nagpatulong siya kay Kenneth para makuha iyon. Kaya laking tuwa niya dahil matatansa na niya ang oras na di siya maabutan ng binata.
Pagsapit ng gabi nagtungo si Yssa sa kusina upang hatiran na ng pagkain ang kanyang masungit na amo.
Mga ilang sandali nakarating na rin siya at umabot ng sampung minuto sng pagtawag niya sa lalaki. Ayaw na niya kaagad pumasok dahil kung ano naman makita niya.
Maya-maya nakita ng dalaga si Kenneth at napansin rin siya nito.
"Hindi pa rin niyaako pinagbubuksan ng pinto, Kuya Ken." Bungad ng dalaga rito.
Kinuha ni Kenneth ang pagkaing dala ni Yssa at siya na mismo magpresintang magdala nito kay Evander.
"Ako na lang bahala magdala sa kanya nito."
Nakahinga na nang maluwag si Yssa sa sinabi ni Kenneth.
"Sigurado ka?" Tumango lang ito. Alam niya kasing si Yssa lang hindi pinagbubuksan ni Evander ng pinto. Sa kanyang pagkakaalam ayaw ng kanilang boss sa mga babae.
"Sige papasok na muna ako sa aking silid." Sabay paalam na rin nito kay Kenneth.
Nang makaalis na ang dalaga muling nagsalita si Kenneth.
"Sir Evan nandito na po ang dinner niyo." Sigaw niya kasabay ng pagkatok sa pintuan para masigurong maririnig siya nito.
"Come in." Dinig niya kaya kaagad na siyang pumasok.
"Dapat po sana si Miss Yssa ang maghahatid nito sa inyo kaso hindi raw kayo sumasagot." Dagdag pa ni Kenneth.
Natigilan si Evander sa pagbabasa ng libro at tinititigan ang pinakabatang butler.
"Who cares?" Sarkastikong saad ni Evander kay Kenneth. "Who told her to bring me food! Wala di ba?" Pagpapaliwanag nito gamit ang Spanish accent. Kapag sobrang inis na siya nagiging ganoon ang tono ng kanyang pagsasalita.
"Pero Sir...."
Hindi na pinatuloy pa ni Evander si Kenneth sa nais nitong sabihin.
"Please, stop? You shouldn't care of what I'm doing. I am your boss here and you're just a servant."
Muli nanamang nakadinig si Kenneth ng masasakit na salita sa kanyang amo. Hindi lang kasi siya mapalagay na ganoon na lang trato ni Evander sa kanyang personal maid.
"I don't need your damn advice. Umalis ka na!" giit pa nito pero di nagpatinag si Kenneth.
"Alam ko Sir may mabuti rin kayong puso pero natatakot lang kayo ipakita iyon sa mga taong nasa paligid niyo." Muling seryosong pahayag ng pinakabatang butler. "Hindi ako napapagod at nagsasawa magbigay ng paalala sa inyo anuman ang mangyari."
Pagkatapos, nagdesisyon na ring umalis ni Kenneth at iniwan si Evander na bakas pa ang inis sa mukha nito.
"Stupid! You didn't even know me so you won't get anything from me and I won't get anything from you giving an advice." Huling sigaw ni Evander at di nagawang ipagpatuloy ang kanyang pagbabase dahil sa frustrations.
Narinig din iyon ni Kenneth subalit di na niya gaano naintindihan ang mga sinasabi ng kanyang boss. Nagtungo na lang siya storage room na kung saan dapat kanina pa siya nagpunta roon.
Habang naghahalungkat ng kanyang gamit si Yssa biglang lumitaw sa kanya ang kaisa-isang regalo ng lolo niya noong nasa sampung-taong gulang pa lang siya. Sobra na niyang nami-miss ito dahil kanyang lolo lamang ang naging kakampi at nakakaunawa sa kanya. Kaya, nang malaman niyang namatay na ito na hindi alam ni Yssa ang dahilan ng pagkawala ng lolo, labis ang kalungkutan na kanyang naramdaman.
Dumating ang araw na ginawa niyang motibasyon ang lolo sa lahat ng bagay. Naging isang mas matatag siya at matapang. Kapag nalulungkot siya at napaghihinaan ng loob parati niyang inaalala ang mga turo sa kanya ng lolo na maging matapang at buong ang loob.
Kaya isa 'yon sa dahilan niya kung bakit siya nanatili sa mansion na ito na kahit gaano kasama ang taong pinagsisilbihan niya. Kailangan niya itong tiisin kaysa bumalik siya sa dati niyang buhay. Dito nakakatulog siya nang mahimbing at malaya niya pa ring nagagawa ang kanyang gusto. Hindi tulad noon masyadong limitado lahat.
Pinagpatuloy pa rin ni Yssa ang pagsisilbi sa amo. Nililigpit ang mga kalat ng buong silid, naglalaba ng mga damit ng binata at pinapaplantiya rin nito pagkatao. Buong araw pagod siya na di maisip na kumain ng pananghalian. Mabuti na lang mayroong magandang loob na hatiran siya ng pagkain.
"Leah." kanyang saad matapos makita niya itong nakapasok sa kanyang kwarto.
"Kumain ka muna baka magkasakit ka niyan eh." Nag-alalang tugon ng kaibigan sa kanya.
"Salamat." Nakangiting-sagot niya kay Leah. "Kain?"
"Sige kumain ka na."
Umupo sa tabi niya si Leah, "Bilib talaga ako sa fighting spirit mo no? Nagawa mong tiisin iyong monster boss natin."
"Wala naman akong choice." saka sumubo siya ng kanin.
"Meron kang choice kaso ayaw mo lang gawin." Nanatili pa rin ang pag-alala sa kanya ng kaibigan.
"Wala naman talaga eh. Hindi ganoon kadali maghanap ng trabaho sa panahon ngayon." Patuloy pa rin sa pagpapaliwanag si Yssa bilang depensa sa sarili. Mas pipiliin na lang niya ang magtrabaho dito kaysa sa iba. Mas malaki ang kinikita niya.
"Huwag ka masyado mag-alala sa akin, ah? Kaya ka 'to." Buong tiwala sa sarili inihayag ng dalaga iyon sa kanyang kaibigan. "Saka high school graduate lang tinapos ako."
Pero nagnanais pa rin si Yssa makatungtong sa college para mas guminhawa ang kanyang buhay.
"Kahit high school lang natapos mo, marami ka namang alam na gawin. Naghahardinera ka, marunong magkumpuni ng mga gamit pati pagtatanim marunong ka." Pilit pa rin ng kaibigan mapa-convice si Yssa subalit di niya magawang sundin ang sinasabi nito. Hindi ganoon kadali.
"Hindi iyon sapat para masabi kong madali akong matatanggap sa trabaho. Puro hinahanap ngayon ay mga college graduate."
Pagkatapos ng kanilang usapan, napag-isipan ni Leah na bumalik na rin sa kanyang trabaho dahil baka makita nanaman sila ni Felicidad. Sesermonan nanaman sila niyon.
Hanggang sa lumipas ng isang linggo, mas dumarami pa ang mga ginagawa ni Yssa dahil napunta pa sa kanya ang ginagawa ng isa sa kanilang maid. Nag-leave daw ito ng buong isang linggo. Halos wala ng pahinga ang dalaga.
Matapos niyang palitan ang kurtina ng buong bahay, pumunta naman siya sa kwarto ni Evander upang ayusin pa ang natitirang kalat na naroroon.
Sa sobrang focus niya sa ginagawa, di namalayan na malapit nang sumapit ang ala-singko ng hapon.
Kasalukuyang naglalakad si Evander patungo sa kanyang kwarto nang makita niya ulit itong nakabukas ang pinto at ilaw.
Padabog niyang nilapag ang mga gamit sa mesa na ikinatigil ni Yssa sa kanyang ginagawa.
"What are you doing here? Napakatigas talaga ng ulo mo!" Naiinis pero nanatili pa ring kalmado ang expression ng mukha ni Evander.
Hindi niya pinansin ang binata at pinagpatuloy pa rin ang ginagawa nito.
"Can you hear me?" Muling sabi ni Evander pero di siya nito sinagot.
"Nakita mong naglilinis pa ako? Huwag kang mag-alala malapit nang matapos."
Maya't maya pa ay buhat-buhat na si Yssa patiwarik ni Evander.
"Ibaba mo nga ako!" Reklamo niya.
"Diyan ka!" sabay baba sa kanya palabas ng kwarto. Isasara na sana ng binata nang pigilan iyon ni Yssa.
"Please, sandali lang. Malapit ko ng tapusin linisin 'yong kwarto mo."
"I don't care. Di ko naman inutos. So, you may go now." Isasara na niya ang pinto nang pigilan ulit ng kanyang personal maid.
"Hindi." Saka tinulak ni Yssa ang pinto para makapasok siya.
Biglang nabulagta silang dalawa sa sahig. Nakapatong si Yssa sa ibabaw ni Evander na ikinanglaki ng mga mata nila pareho.