Kasalukuyang kaming kumakain ng almusal na siya ang naghanda. Nagsuot muna ako ng bath robe dahil mamaya pa naman ako maliligo. Habang mahinhin akong kumakain sa ibabaw ng kama. May maliit na table sa harapan ko at doon nakalagay ang plato na may lamang itlog tinapay, ham at cheese. Samantanlang fruit juice naman ang pantulak na inalagay niya. Nakangiti lang siyang nakaharap sa akin pagkatapos niyang kumain kaya kunot noo ko siyang tinignan. “Anong ginagawa mo? Bakit ganyan ka makatingin?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Magmula kasi kanina ay palagi na lamang niya akong tinititigan. Parang hindi ko pa ata nakitang kumurap siya sa harapan ko. “Ang sarap mo kasing panuurin.” Nakangalong baba niyang sabi. “At bakit naman? Hindi ba masarap si Cristine panuurin kapag kumakain siya ng g

