Noah’s POV Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan sa lahat ng sinabi niya sa akin pero kung nagawa niyang kunin ang factory nila Cristine ng walang kahirap-hirap ay maaari ngang totoo ang mga sinabi niya. Hinayaan ko siyang umalis dahil may kailangan akong gawin. Hindi makakabawas sa nararamdaman niya ang presensya ko at baka mas lalo lamang lumalala ang lahat. Nagpasya akong bumalik sa loob ng hospital upang tunguhin ang kwarto ni Cristine at makausap na rin siya. Pero pagdating ko doon ay nagkakagulo na at labas masok sa kwarto niya ang ilang nurse. “Ano pong nangyari?” Kaagad na tanong ko sa nakasalubong kong nurse. “Nagwawala po ang pasyente.” Sagot niya sa akin. Halos patakbo kong tinungo ang pinto at nakita ko kung paano nila pagtulungan si Cristine. Habang pinipigi

