Emerald’s POV Dahil sa halo-halong emosyon ang naramdaman ko kagabi ay hindi ako maayos na nakatulog. Kaya siguro mabigat nag pakiramdam ko at parang lalagnatin pa ako. Kahit madaling araw na ay umiiyak pa din ako. Siguro nagpalala din ng sakit na nararamdaman ko ang naging away namin ni Noah. Inantay ko siyang tumawag kagabi pero hindi man lang siya tumatawag. Natiis niya akong hindi etex kaya sobrang sama ng loob ko. Iniisip ko din na baka may gawin na naman si Misty sa akin. Dahil dalawang beses na niya akong pinagtritripan. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sa akin ang babaeng yun. Dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nang malaman ni Itay na hindi ako papasok ay pinuntahan niya agad ako sa kwarto. Mabuti na lamang at hindi na rin niya ako kinumbinsi dahil wala