Noah’s POV “s**t! I knew it sinasabi ko na nga ba!” Bulalas ko nang makita ko kung paano magbarilan ang dalawang magkasunod na sasakyan. Ang isa ay nakasakay sa van kung saan lulan ang mga bodyguard ni Emerald na ako mismo ang kumuha at ang isa ay mga tao na nasa kabilang sasakyan na nasa likuran nila. Napansin ko na sila kanina na nakatayo sa tapat ng building at nagmamasid. Nalaman ko kay Graciela ang plano ni Emerald nagtataka daw siya kung bakit sasama parin siya kay Jeffrey kahit alam niyang hindi tuloy ang conference. Kinulit ko talaga siya na sabihin sa akin ang lahat ng alam niya nang masiguro kong si Jeffrey ang may pakana ng pagpasok sa loob ng condo niya! Nalaman ko ang lahat nang habulin ko si Emerald na pumasok siya sa opisina. Pinigilan ako ng mga security na pumasok sa loob

