Emerald’s POV Pagmulat ko ay nagulat na lamang ako nang maamong mukha ni Noah ang bumungad sa akin. Nakayakap pa ang isa niyang kamay sa beywang ko magkaharap kaming dalawa at isang dangkal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. Napuyat siguro siya sa pagbabantay sa akin kaya nakatulog na rin siya. Kung hindi siya dumating kagabi baka kung napaano na ako. Palaisipan pa din sa akin kung sino ang lalaking yun. At paano siya nakapasok sa loob ng condo ko. Wala naman kasi akong ibang kilalang tao. Dahil may trust issue na ako simula noon pa kaya nga bukod kina Harry at Clare wala ng iba akong pinapalapit sa akin. Kaya nagtataka din ako kung sino siya at bakit niya ako pinagtangakaan kagabi. Kahit paano ay kumalma naman ako kaya nakatulog na rin ako baka sa labis din na pagod kahap

