Pt. 041 [[***Day 18: 2:40 PM***]] Pinipigil ko lang talaga pagpatak ng luha ko. Nagsmiling ako kahit na obvious na, hindi okay sa akin ang ganitong eksena. But unlike me, iyak ng iyak na talaga ang mga Popstars at syempre ang mga Hombres nasa likuran lang namin. At si Philip? Nakaupo malapit sa kama na kinahihigaan ni Roberta, hawak niya ang palad nito. Nanghihina na talaga siya, pero sinusubukan niya pa rin lumaban. Kung makakasigaw nga lang siya, pagagalitan niya kaming lahat at sasabihing; mga bakla kayo huwag muna kayong umiyak diyan, buhay pa naman ako. "Adrian..." Malumanay niyang tinawag ang pangalan ko. Tumulo talaga ang luha ko, hindi ko kasi kaya... Mas lumapit ako sa kaniya, at kinuha ko kay Philip ang palad ni Roberta. Nasa kanan kami ng kama, nasa kaliwa ang mga popstar

