"Excuse me, Miss!"
"Yes!?"
This guy in front of me reminds me of kuya pag nasa library siya ni Daddy. Nerdy looks but girls will drool over.
"Can I sit here? Wala na kasing bakante?" He asked while smiling.
"What if I say 'no'?"
"Hmm aalis ako pero konsensya mo na pag di ako nakakain sa oras." Unbelievable.
"Tsk," nilagay ko na lang ulit ang earphone at nagpatuloy sa pakikinig ng music while savouring my chocolate cake.
"Ahmmm, excuse me!" He's waving his hand like trying to catch my attention.
"Bakit!"
"Magpapakilala lang sana ako. Ahh by the way I'm Clivan Russel Augustine. How about you? Bago ka lang ba dito ngayon lang kasi kita nakita? Saan ang bahay mo ihahatid na-" I stopped him. Tsk, he is an annoying nerd.
"Aphro," nilahad ko ang kamay ko and smile.
"Aphro ang ganda mo."
Boys and their famous line.
"Thanks. Russel," he's cute. Yung dimples niya ang lalim.
"Gumaganda ang pangalan ko pag sayo galing." Bolero ng lalaking to.
Yung mukha nya parang si Jack ng titanic pati sa buhok. Idagdag pa ang dimples. I must say di papatalo ang mga nakilala kung lalaki dito sa mga taga Maynila.
"Pasado na ba ako sa taste mo, Aphro?" Sabi nito habang kumakain pa rin.
"You wish. Ang dami mong pagkakahawig sa kuya ko." I uttered.
"Gwapo ba?"
"He is the most handsome in the world" I exclaimed.
"Haha, Good. Payag na akong kamukha sya. Di na ako magtataka na gwapo sya kasi ang ganda mo. Ikaw ang una sa listahan ko na maganda pangalawa na lang si mommy," natatawang sabi nito kaya di ko mapigilang mapangiti.
"Baliw! Pag narinig ka ng mommy mo lagot ka," sabi ko at nag umpisang kainin ulit ang cake sa harap ko.
"Aphro, san ka pala nag aaral? "
"ULG, 4th year hs. malapit lang," kampante akong kausap sya. I don't know why! Maybe because he remind me of my kuya. I miss him .
"Ohhh really? Bakit di kita kilala at nakikita.How old are you?" Gulat na sabi nito.
"16. Ikaw?"
"I'm 19. Pero seryoso bakit di kita kilala. Anong section mo?" 19? Gurang na din pala.
"Bakit parang big deal?" Casual kong tanong.
"Di ko nababalitaang may bagong dyosa sa university aside dun sa angel ng star section. Sobrang boom ng name nun kaya gusto kung i-feature i'm not inform na may isa pang maganda na nangangalang Aphro."
Tsk. Angel thingy.
"Ahhhh maybe that angel is too pretty and i'm not," bahala sila dyan. "Gusto mong i-feature ang di mo pa nakikita. Are you nuts?"
Naalala ko na he is the president ng college student. Namiss ko ng tinatawag na pres.
"Usap usapan kasi sya angel daw na bumaba sa lupa. And he got the captain's attention. That's enough reason para i feature sya," nakangising sabi nito. Tsk.
"May iba ka pang rason. I know that smirk."
"Haha you got me. Gusto ko lang galitin si Tyrone kasi nakita ko ang interest nya sa new student daw."
Shit. Oh gosh, ayokong mapasok sa gulo ng mga to.
"In short, you want to use that girl. Kasi di mo pa nakilala pero nagkabanggaan na kayo nung Tyrone na sinasabi mo," deretcha kung sabi.
"How did you know?"
"We are in the same school," simpleng sabi ko bago tumayo. "Kailangan ko ng umalis. Goodluck jan sa angel na sinasabi mo sana mapapayag mo."
Asa sila.
"Aphro ihahatid na kita!"
"No"
"Kunin ko na lang number mo"
"No"
"Whole name na lang para madali kitang mahanap sa school."
Hinarap ko sya. "Aphrodite Ranzo, nice meeting you mr. Clivan Russel Augustine."
"I'll see you soon my aphro," tsk uso ba ang 'MY' sa province bago pangalan.
Nasa school ako ngayon.
"Girl nasa quadrangle daw sila. Ano kayang meron!?" sabi ni Ricardo.
"Girl mukha kang puyat na fresh, sana all fresh. Bwahahaha"
Ang ingay talaga nito.
Hmmm.
"HOY RICARDO AND APHRO DITO TAYO!" Sigaw ng isang classmates namin.
Hinila naman ako ni Ricardo at pumunta sa kung saan naroon ng classmates ko.
"....you want me to sit-"
"Magtagalog ka girl. Upo na!" He grabbed my hand. Tsk. Wala na akong nagawa at umupo sa semento together with my classmates.
"Anong meron?" Tanong ko sa isa kung classmate. Di ko alam yung name.
"Di ba malapit na yung intrams kaya pipili na sila ng mga isasama sa palaro. Competetive si sir Zeo kaya gusto nyang manalo ang senior. Pero alam mo ba ang inaabangan ng lahat hindi kasi ordinaryong intrams na katulad sa iba ang ULG. Dito lang maganda meaning kahit teacher or kahit sino involve kung saang building ka man nabibilang." Huh pati teacher?
"Huh!"
"Oo naisip yun ng namamahala sa paaralan para lahat makisama sa mga palaro." Okay. Wala na akong paki jan.
"Hoy Joana anong pinagsasabi mo jan. Ang ibig mo bang sabihin kahit si sir sizzling Zeo pwedeng sumama!"
"Oo. Pero laging talo ang hs department sa basketball kasi si sir lang ang magaling pero ibang lalaki sa hs lampa. !"
"May pageant ba? Sasama ako!" Puro kalokohan talaga.
Napatingin ako sa entrance dahil pumasok ang mga prof. Woah bawal ba matandang prof dito bakit parang mga bata pa.
"Magkasama na naman si ma'am Lara at sir Zeo oh."
"Bagay sila pero mas bagay kami si sir. Hehehe"
"Swerte na ni sir kay ma'am ang ganda at parehas nya pang teacher."
"Si ma'am lang naman naghahabol kay sir. Hahaha"
"Hoy Yana marinig ka ni ma'am Lara"
Oh di sila na ang bagay.
Bahala sila jan. Kinuha ko ang phone ko ng mag ring ito.
Babe calling
"Babe, I miss you"
Oh this b***h is sweet.
"Miss you too. You sound sad. Spill!" Kilala ko sya and now I know my problema sya.
"Kilala mo talaga ako nuh."
"Yeah and I know si kuya na naman yan. Sya lang naman ang alam kong nakaka apekto sayo ng ganyan. "
"He's being sweet-"
"Ohh di dapat masaya ka. Baka pag umuwi ako jan kasalan na ahyiee "
I can't wait. I'll be the happiest bridesmaid on earth.
"Syempre masaya ako. Pero kasi mas masaya ako pag mahal nya na ako di ba. Sweet siya pag nagdadate kami. Minsan hatid sundo din ako- syempre mag aassume ako. Kasi hinahayaan nya akong humawak hawak sakanya sa public places tapos sweet din sya akala ko may something na pero alam mo wala pa. He said he doesn't love me. Di sya maiinlove sa childish na gaya ko," arghhhh. Si kuya talaga kahit kailan ang sama ng ugali sa babe ko. Lagot sakin yun mamaya. Naaawa tuloy ako kay Jewel.
" Sweet in public? Eh pag kayo na lang. ?"
I asked parang alam ko na ang nangyayari. s**t ang tanga ni babe pag si kuya ang involve. Nilakihan ko naman ng mata si Ricardo na kanina pa ko tinatawag.
"Mejo okay yung treatment nya sakin pero iba pa rin pag nasa public place kami." I knew it!
"s**t! I'll talk to him. Babe listen-you know how much I love you at ayokong nagmumukha kang tanga ,stop- ..... miss ranzo give me your phone" ohhh shoot, nasa harap ko na si sir. Di ko man lang namalayan. Alam kong nasa amin din ang tingin ng lahat . Kainis pakialamero bakit di na lang sya magsalita sa harap.
"Why would i?"
"You're asking me why? In case you don't know dahil busy ka jan sa babe mo, time na at oras na para magturo ako. Tskkk paano makakapag aral kung inuuna ang pag iilove you sa lalaki. Tskkk "
Magtuturo sa quadrangle. Baliw nito. Pag iilove you sa lalaki?tsk tamang hinala si sir.
"Babe bye i love you . Mamaya na lang galit na ata ang prof mo. Haha," rinig kong sabi ni Jewel kaya agad ko ding nilagay sa kamay nya ang phone ko.
"Happy!?" Bulong ko pero masama lang syang nakatingin sakin
"More than happy." He commented dryly. "APHRO AND I will represent the Mr and Miss ULG 2020. That's final?" what the!
"BAKIT AKO!?"
"Bakit hindi? Yan ang nangyayari pag di nakikinig," baliwalang sabi nito.
Anong ako? Bakit ako?
Arghhhhh Zeo vance kahit crush kita sarap pong gilitan sa leeg.