"Papa, bakit niyo kami pinatawag? " Tanong ni Pia ang ina ni Zeo. Kasama niya ang asawa niya na si Bernard sa bahay ng ama nito na si Don Helario. "Hintayin natin ang anak niyo at may mahalaga tayong pag-uusapan." Sabi ni Don Helario na nagpatahimik sa dalawa dahil sa nakikitang kaseryosohan ng matanda. Kalahating oras ang hinintay nila ng dumating si Zeo na hawak hawak ang ulo. "Okay ka lang ba, Zeo?" Tanong ni Pia sa anak. Tumingin naman si Zeo sa magulang bago umupo sa single couch. "Hang over, " bali walang sabi nito at tumingin kay don Helario. "Bakit mo ako pinatawag daddy." "Kailan mo balak sabihin sakin at sa magulang mo na nakabuntis ka?" Deretchahang tanong ni Helario na nagpagulat kay Bernard at Pia. "Nakabuntis ka?" Gulat na sabi ni Bernard sa anak. "Nabuntis mo si Aphr

