Ms. A's POV
"Ate aphrodite ito po oh," sabi ng isang studyante na may hawak na white rose na humarang sakanila pagpasok sa school.
"Ah thanks," nagtatakang sagot nito sa paalis na studyante.
"Ate ang ganda mo." Sabi ulit ng babaeng studyante na nadaanan nila at binigyan siya ng white rose bago umalis.
"Taga sana all na lang ako gurl. Nakakakilig naman sino kaya nagpasimunosa tatlo?" Wika ni rica na kasabay ni Aphrodite pumasok.
"White rose po pinabibigay."
"Ate ito oh. Ang swerte mo po."
"Ate Aphro, rose for you po."
At nagpatuloy ang pagbibigay sakanya ng white rose sa bawat nadadaanan niya papunta sa room nila.
"What the hell is happening ? Today isn't my birthday." Naiiritang sabi ni Aphrodite dahil sa patuloy na pagbibigay ng bulaklak sa kanya.
"Ikaw ba naman ligawan sa loob ng ilang linggo, di ka pa sanay haha akin na kung ayaw mo." Natatawang sabi ni Rica. "Ayan malapit na tayo sa room.... Ops! Oh! Wow Queen ang daming petals sa dadaanan para tayong royal blood."
"This is irritating," saad ni Aphrodite.
Sa hallway kasi malapit sa first subject ni Aphrodite ay may mga red petals na nakakalat.
"Oh gosh, I wanna go home. Please let me rest from their corny acts just for a day." Di maipintang mukha na sabi nito. "Darn. students are staring at me and I hate it!... f**k their attention."
"Haha akin na lang yang ganda mo gurl. I'll embrace the popularity of being you. Whahaah, pati ang mga hotties na baliw sayo mamahalin ko ng pantay-pantay."
"Shut up, Rica. You ain't helping."
"Halika na baka may pa surprise sa loob. Kunti na lang yung stocks natin ng chocolate galing sa mga admirer mo kaya kailangan na nating kumuha sa kanila."
Hinila nya si Aphro papasok sa room
Pag pasok nila ay nakita nila si Clivan Russel na may hawak na tatlong red rose.
"Aphro, math ka ba?" Tanong ni Clivan.
"Huh I'm not."
"Haha girl banat yan ang sagot mo dapat bakit... Bilis na," bulong ni Rica dito
"Argh.. why?" Wala sa loob na tanong ni Aphro.
"Kasi kinaiinisan ka man ng karamihan - ako naman ay minamahal ka." Banat ni Clivan kaya naghiyawan ang mga nanunuod . Lumapit si Clivan at binigay ang isang red rose. Napipilitang kinuha ito ni Aphro para matapos na.
"What the hell," she whispered
"Iba bumanat ang matalino 'di ko gets haha. Kinaiinisan ka nga naman," natatawang sabi ni Ricardo.
"Dictionary ka ba?" Banat ulit ni Clivan.
Hindi sumasagot si Aphro kasi hiyang hiya na sya dahil parami ng parami ang nasa labas at nanunuod sa kanila.
"Why daw papa Clivan nahihiya lang sya?" Si Ricardo na ang sumagot.
Tumingin si Clivan kay Aphro sabay sabing. "YOU GIVE MEANING TO MY LIFE."
Naghiyawan ang mga kababaehan dahil sa banat ni Clivan.
"Kyahhhhhh nakaka inggit ang sweet nya."
"Sana all kasing ganda ni Aphrodite"
"Wahhhh ang sweet ni pres sana sa akin din."
"Goshhh ako dictionary ako, Clivan."
"Ang swerte. Ang sweet."
"Pag gwapo bumanat nakakakilig pag pangit nakakairita. Haha."
"Basta gwapo sweet lover."
"Go pressss"
"Pres Clivan and Aphro for the win."
Yan ang hiyawan ng mga studyante.
"Errrr. Thanks " naiilang na sabi ni Aphro ng iabot sa kanya ang pangalawang bulaklak.
"Aphrodite,"seryosong tawag ni Clivan kaya napatahimik ulit ang lahat.
"Hmm yes?"
"Ano ang tagalog ng I love you?" Pigil tili ng mga tao sa tanong ni Clivan.
"Mahal kita," walang ideang sagot ni Aphro sa tanong ni Clivan.
"Mahal din kita," nakangising sabi ni Clivan sabay abot sa last rose na hawak nito.
"KYAHHHHHANG SHOOKT..."
"KYAHHH ANG WITTTYYY NG BANAT HAHA."
"NAPASAGOT NA. HAHA."
"MAHAL KITA DAW KYAHHHH"
" KINIKILIG AKO MAH-GOSH. CAN'T BREATH!"
"Ang talino bumanat may sagot agad haha yan si presss."
"Kyahhhh team Clivan for the win. haha."
"What the fudge. I just answered your question," sabi ni aphro na nagpatawa kay Rica.
"Girl ganun bumanat ang matalino. Laging dapat may sagot. Hahah nakuha ka dun haha," singit ni Ricardo.
"You're cute," nakangising saad ni Clivan na nagawa pang mas lumapit sa harap ni Aphro.
"Russel this isn't funny. Nakakahiya ang daming nakakakita."
"Para sayo walang nakakahiya. I can do the craziest thing just for you." Banat ulit nito kaya walang humpay na kilig sa mga nanunuod
"Errr whatever Russel. Thanks for this." Nakangiting sabi ni Aphro at taas ng flowers na hawak nya. Hindi niya mapigilang mapangiti.
" All for you ... I almost forgot," tumalikod ito at kinuha ang blue teddy bear. " This is for you, sabi ni mama gusto daw ng babae ang mga ganito. Hope you'll like it."
"Thanks..." Pilit na ngiting tinanggap nya ang bear. ".... I'm not a typical girl who loves girly stuff. Sana weapon na lang." She whispered to herself.
" Don't block my way. Wala bang kayong klase at nandito kayo?" Malakas naabi ni Zeo na kakarating lang naabutan nya ang madaming studyante. "Go back to your classes."
Nag alisan naman ang mga studyante na nakiki usisa
"Hanla anjan na si sir. Papa Clivan alis na." Sabi ni Ricardo pero huli na ng makita sila ni Zeo.
"What a messed. Don't you have a class Mr. Clivan Russel San Agustine?" Kung nakakamatay lang ang tingin malamang bulagta na si Clivan sa kinatatayuan nya ngayon.
Hindi pinansin ni Clivan ang bagong dating na pinsan nya at tumingin lang kay Aphro.
"Una na ako anjan na ang matandang pinsan ko. Kita tayo mamaya." Sabi nito sabay halik sa pisngi ng dalaga bago tumakbo.
"Ops that guy," sabi na lang ni Aphro bago umupo di alintana ang masamang tingin ni Zeo dito.
"Galit na si sir girl. Pero aminin nakakakilig yung effort ni pres Clivan. Napapa how to be you po ang mga studyante sa inggit sayo. Haba ng hair."
"Shut up, Rica."
"Hindi ka kinilig?"
"A for his effort."
Clivan russel's pov
"It's all worth it, damn! Ang lambot ng pisngi nya." Di ko mapigilang isipin ang reaction nya kanina
"Nababaliw na si pres. Ang galing bumanat huh " sabi ni Mark isa sa student council
Isang ngisi lang ang sagot ko sa kanya.
Tinaas ni Mark ang phone nya
"Ano ang tagalog ng i love you?" Rinig ko ang sarili kong boses
"Mahal kita"
"Mahal din kita"
Na record niya yung kanina kaya mas napangiti ako. Nakakabakla pero kinilig ako.
"Ipasa mo sakin yan," sabi ko dito.
"May bayad." Binato ko nga.
"Name your price." Nakangisi kong sabi.
Aphrodite...
You'll be mine.
.......