"Where's Aphrodite?" Tanong ni Zeo sa klase nya. Pero ni isa walang sumagot. " Di nyo ba ako naririnig at wala ni isa sa inyo ang makasagot sa akin"
"Baka wala sya. Ito na nga bang sinasabi ko sir vance, magiging problema sya." Singit ni Lara.
"Ma'am di pa namam kailangan si Aphro sa basketball ceremony. Paano sya magiging problema?" Sabat ni Ricardo.
"Hindi mo ba alam kung nasaan sya?" Tanong ni ma'am Lara dito.
"Wassss. Ma'am bakit nyo po ba sya hinahanap, siya na ba magiging muse ng hs department?" Simpleng tanong ni Ricardo pero kanina pa sya di mapakali. Alam nya kasi kung nasaan si Aphro. At gulo yun pag nalaman ni sir Vance ngayon pa lang.
"Di mo ba nakikita at handa na ako? Bakit siya papalit sakin?" Inis na sabi ni ma'am Lara kay Ricardo. Habang si Ricardo naman ay inirapan lang ito.
"Punta na kayo sa gym. Yung mga players maghintay sa entrance isa isang tatawagin ang mga team mamaya." Nag sing-ayunan naman ang mga nakarinig.
Nagmadaling tumayo si Ricardo. "Rica, maiwan ka."
"Sir waggggg poooo, madami pa akong pangarap sa buhay... huhu alam kong kamukha ko si aph-"
"Stop over reacting Rica, it doesn't suit you." Baliwalang sabi ni sir Zeo.
Tawanan naman ang star section bago umalis.
"You may go, ma'am Lara. "
"But-"
"Hahanapin namin si Aphro, mauna ka na." Napangisi naman si Ricardo ng makita ang inis sa teacher nilang babae.
"Ma'am una na kayo. Hahanapin pa namin ni sir ang angel nya. Bwaha- " natigil ito ng tignan sya ng masama ni sir Zeo. "Joke lang po. Kiss be with you sir. Hehe"
Pagkaalis na pagkaalis ni Lara ay kinumpronta agad ni Zeo ang studyante nito.
"Ricardo, where is she?"
"Sir d-di ko talaga alam." Kasalanan to ni Aphrodite huhu sabi ko tanggihan si papa Tyrone ehhh.
"That's impossible. You are living in the same -"
"Sir naman maaga kasi syang umalis kanina. Baka ano nag iikot ikot lang. Alam nyo naman yun. Heheh," kinakabahang sabi ni Rica. "Ah sir gusto mo ang kaibiga- nagtatanong lang. "
"Tsk. Yes "
"Oh," gulat si Ricardo sa narinig.
"Follow your classmates," pagkaalis ni Ricardo na gulat pa rin ay di nya narinig ang sinabi ng sir nya. "Sisiguraduhin kong hihiwalayan nya ang bf nya because of me. I'll make sure of it."
"Goddess you look tense. First time mo?"
"Yeah," if you only knew. That gurang is not my boyfriend but darn I'm freaking nervous about his reaction.
"Really? Wow, ang ganda mo tapos first time mo sa ganito. You're something." Manghang sabi nito pero di ko na sya pinakinggan.
"GOODMORNING PEOPLE OF LA GAZILLA. ARE YOU READYYYYYY!!?" rinig kong sabi ng isang gay na emcee.
Hiyawan ng mga tao. s**t ! Dumoble yung kaba ko. Isa isa ng tatawagin ang mga teams.
"You're gorgeous, wag kang kabahan!" Sabi ni Tyrone na sya ang kasama ko sa hahawak ng banner. He is the captain of college department team. Pero para sa intrams sya ang mangunguna sa ENGINEERING DEPARTMENT.
" WOAHHH TAAS ATA NG ENERGY NATIN NGAYON. IS IT BECAUSE I'M YOUR EMCEE FOR THIS YEAR? HAHA KIDDING ASIDE, REYNA-LDO, or YOU CAN CALL ME QUEEN YOUR LOVELY EMCEE FOR THIS EVENT.
LET'S START. TAWAGIN NA NATIN ANG NAGGWAGWAPUHANG PLAYERS KASAMA ANG KANILANG LAKAMBINI."
Hiyawan na naman ang maririnig sa loob ng gym.
Nag umpisa ng tawagin ng emcee at sa bawat pagtawag nito ay katumbas ng hiyawan ng mga tao sa loob.
"......FOR OUR NEXT TEAM. LET'S ALL WELCOME THE BLUE ORAGON SENIOR HIGH SCHOOL TEAM SA PANGUNGUNA NG NAPAKATIKAS AND OH SO SIXZLING HOT CAPTAIN
ZEO VANCE PEROZZZZZ KYAAAA . ANG HOT MO SIR!" Mas hiyawan naman ang narinig ko at tawanan na din dahil sa emcee na di maitago ang kilig. Haha grabe effect ni gurang . Nakakabaliw.
"...WITH THEIR MUSE MA'AM LARA MENDEZ." Huling banggit nito na akala mo nalimutan agad .
"Haha nakalimutan niya ang muse. Nakakahiya yun. Haha oh gosh subukan akong kalimutan nyang emcee, I'll punch him with all my strength." Natatawang sabi ko kaya tawang tawa ang engr. Team.
"He won't. Kasama mo kaming gugulpi dyan pag nakalimutan niya ang kauna unahang muse ng team." Tyrone said and winked at me. Cute but na ah.
"Aphro sa ganda mong yan. Ikaw yung hindi kinakalimutan. Ikaw yung tinatatak sa puso at isip. " banat ni Jeorge kaya nabatukan ito ni Tyrone. Darn ang gulo nila.
Tawanan lang namin sa may entrance dahil kami daw ang huling team na babanggitin. Kahit papano nabawasan ang kaba ko.
"Pero capt. grabe ang bigat ng muse natin. Ang ganda panalo na tayo. ..."
"Tsk ako pa ba? ..."mayabang na sabi ni Tyrone bago humarap sa akin. "Gusto mo bang gamitin ang jacket ko baka naaasiwa ka sa ikli ng damit at short mo?"
"No thanks, di ko naman to isusuot pag di ko din kayang irampa. " Sabi ko kaya hiyawan ng team ulit.
"Yan ang muse natin hindi pabebe."
"Hindi maarte."
"Sexy pa."
"Mula ulo hanggang paa kumikinang. Haha"
"Matalino pa"
"At higit sa lahat."
"Napaka ganda,"tuloy ni Tyrone sa sinasabi ng team nya. Tsk. I know.
"Distance San mateo. May kapalit to, be my tourguide here at La gazilla. Pag di mo tinupad hmmm you won't like it if I'm mad." Taas kilay kong sabi.
"SASAMA ANG BUONG TEAMMM YEHEYYYYY" sigaw ni Jeorge kaya natawa na lang ako. I don't mind.
"FOR OUR LAST TEAM, GIVE A ROUND OF APPLAUSE ...
THE ENGENEERING TEAM TOGETHER WITH OUR HOT CAPTAIN TYRONE SAN MATEO
Oh did I read it right? May muse?" Rinig kong mahinang tanong nito sa mike kaya lahat ng tao ay natahimik din pagbanggit sa muse.
"They are not inform?" Tanong kay Tyrone na handa na din sa paglabas namin.
"Shocking, I guess. You are the first muse na pinayagan ko mula nung maglaro ako." Simpleng sabi nito.
"EHEMMM SORRY ABOUT THAT. LET'S ALL WELCOME THE ENGENEERING TEAM NA PANGUNGUNAHAN NG HOTTIE STUDENT CAPTAIN NA SI TYRONE SAN MATEO TOGETHER WITH THEIR MUSE
APHRODITE RANZO!" Pagbanggit ng pangalan ko ay kasabay ng pagngiti ko bago lumabas.
Hiyawan ng mga kababaihan at rinig ko din ang mga sinsabi nila.
"Yan yung transferee ang ganda nya."
"Sya yung dahilan ng pag aaway ni Tyrone at Clivan."
"Grabe ang ganda."
"Kaya pala may muse na. Ang ganda naman kasi."
"Woah pre, ang sexy."
"s**t yan ba yung highschool transferee. Ang ganda dinaig ang lahat."
"Parang namumukhaan ko sya."
"Tsk. Flirt."
"Bago bago ganyan na agad."
Spell BITTER. Tsk, tuloy lang ang pag ikot namin sa gym hanggang sa pumunta sa gitna na nakalaan sa engr. team.
Oh s**t, katabi ng blue oragon. Si sir Gurang. Galit na nakatingin sakin
Pag pwesto namin sa gitna ay wala na akong naririnig dahil katabi ko si sir gurang.
"I'll punish you after this... I'll mark you."