Miss A's pov
Tahimik sa mansyon ng Clemente ilang gabi na mula ng ipagtabuyan sila ng mga Veñigo.
Tulala pa din si Shannie hanggang ngayon halos walang kain. Sa isip ng magulang nya ay parang bumalik ang walong taong gulang na anak nung namatay ang popsy nito.
Umiiyak at ayaw lumabas sa kwarto.
Napagdesisyonan ng pamilya na kausapin si Sha sa mismong kwarto nito.
Unang lumapit si Yves at Yvan. Mapait na ngiti habang umiiyak ang tugon ni Sha sa dalawa bago niyakap. Nang makaalis ang kambal sa kwarto ay lumapit si Erza.
"Ate, are you mad at us? At me?" Umiiyak na sabi ni Erza.
"No, just- just tell me that I'm dreaming. This is just a dream. My bestfriend is alive," tulalang bulong nito sa kapatid.
Umiiyak na tumakbo si Erza kay Sheen.
Awang awa ang mag asawa. Dahil alam nila kung gaano kalapit ang anak nila kay Jewel .
"Princess -" tawag ni Gavin pero di nya alam kung anong sasabihin nya. Alam nyang mali sila dahil hindi pinaalam dito ang nangyari.
"K-kuya why?" Umiiyak na nakatingin si Sha kay Ivan sa kambal nito.
"Sweety, I'm sorry. I tried to save her," naiiyak na sabi ni Ivan.
K-kuya, I asked you to look after her because she's my besfriend. I- i asked you to protect her... I know she's crazy - kuya m-ahal ka nya. Bakit? Bakit nagawa mo yun. K-kuya ang babaw mo," hinang hinang umiiyak si Sha.
Lumapit dito si Sheen at yumakap. Si Gavin naman ay nasa likod ni Ivan
" That was not my intention. I'm sorry- Im sorry."
"N-not your intention? Kaya ba pinahiya mo siya kuya? Kaya ba ginamit mo sya para siya ang maging target? K-kuya naman she's my bestfriend, she's an exception ."
"I tried to save her. I like her. Sweety, I was late. Sorry," naluluhang sabi ni Ivan at niyakap si Shannie.
"It was not enough," bulong ni Sha at tinulak ang kuya nito. " You like her? She died. She just died because of you. Ihate you. - I hate you.," sabi ni Sha. Bakas sa mata ni Ivan ang sakit sa narinig.
Pinanuod nilang humiga si Sha at tumalikod sa kanila.
"If only someone inform me that she was kidn*pped. I could be her savior. I can risk my life in return. She saved me once, I want to return the favor to my bestfriend. But- but no one told me about what happened. Namatay siya ng wala ako- wala akong nagawa ." Natamaan sila sa narinig
Sa isip nila alam nilang tama ito. Bakit hindi nila sinabi dito ang nangyari. Bakit walang naglakas ng loob sakanila na sabihin ang nangyari .
"Sorry, sweety."
Huling sabi ni Ivan bago lumabas sa kwarto nito.
"Kung sana maibabalik ng sorry mo ang buhay nya. Sana-" umiiyak na bulong sa sarili ni Sha . "Sana h-hindi ako n-nasasaktan ngayon. Sana k-kasama ko ngayon ang b-best friend ko.
Ricardo's pov
Oh gosh miss A, Rica hindi Ricardo.
Namimiss ko na si pres. 2months na siyang wala. Tinatanong ko din si nanay kung nasaan si Aphro pero wala syang sagot sakin.
Tatlong lalaki din ang lumalapit lagi saakin para hanapin ang dyosa kung kaibigan .
"Hoy Ricardo, may balita ka na ba kay goddess? Kailan sya papasok "
"Ano ba yan papa Tyrone pag nakikita mo ako ganyan lagi ang tanong mo. Di ko nga alam. Dalawang buwan na di pa sya umuuwi." Laging ganyan. Minsan pupunta pa yan sa bahay kung dumating na si Aphro. May utang daw siya dito na pasyal.
" Ibigay mo na kaya ang address niya sa Manila ng mapuntahan ko. Baka may problema sya." Pilit nito.
"Di ko alam."
Kahit naman fan ako nun sa MGC university di ko pa napupuntahan ang bahay nya. Tinry kung sumunod sa sinasakyan nun dati kaya lang hinarang kami ng convoy nya. Oh diba mahigpit.
"Wala kang kwentang kausap," sabi nito.
"Gwapo nga masungit naman." Inis kong sabi dito.
"Bakla!" Sabi nito at tuluyan ng umalis.
Haller alam kong bakla ako. Napaka naman.
Nga pala sa nakaraang dalawang buwan kinaiingitan ako kasi ba naman hinahabol ako ako ng naggwagwapohan dito sa La Gazilla kyaaaa. I feel so bless.
"Speaking of the hot devil. Uunahan na kita Clivan. Wala pa sya," sabi ko ng makasalubong ko si pres Clivan.
"I want her number."
"Di ko alam," of course alam ko kaya lang hindi pwedeng ibigay. Ako ang malalagot. Ang loyalty ko na kay Aphro kahit wala sya. Siya kaya nagpapaaral sakin pati kailangan ko .
Sa dalawang buwan na nawala siya may pera daw na pinadala si Aphro kay nanay kaya yun ang ginagastos namin.
"Let me see your phone," seryosong sabi nito.
"Kiss mo muna ako," biro ko pero tinignan ako nang masama. " Joke lang. Anong titignan mo sa phone ko? Scandal ko?"
Binangga ako nito at umalis. Tsk
Kailangan lang nila ako kaya sila lumalapit sa akin. Nakakasakit ng puso. Huhu
Oh wait! Kung tatanungin nyo si sir hot prof lagi syang seryoso at di na ngumingiti. Isa din yun sa nangungulit saa kin
Pag may naghahanap kay Aphro, meron din namang mga masaya nung bigla syang nawala. Yung mga college student na insecure sa kagandahan ng kaibigan ko.
Kung pwede lang pag kakalmutin ginawa ko na.
Humanda pala sila pag nandun na ako sa building ng college student. Pagkakalbuhin ko ang mga yun.
Kinuha ko ang phone ko ng mag ring ito. Bago pa ,to. Regalo sa akin ni aphro. Inggit kayo nuh .
Unknown!?
"Hello dyosang si Rica speaking how may I f*****g help you? pfffft," natawa naman ako sa intro ko. Kay sir Ivan ko yan narinig minsan nung sinundo si Aphro sa room namin sa MGCU tapos may tumawag. Ang hot nun.
"Hello -is anybody there?" Ulit ko .
"Ricardo."
"Sino- oh APHROOOOO kyahhhhhh gurl, I miss you. Bakit ang tagal mong nawala. Anong nangyari sayo? Kailan ka babalik? Alam mo bang hinahanap ka na ng tatlong gwapo dito. " Tuloy tuloy na sabi ko.
"Take good care of nanay while I'm away. -"
"Nasaan ka ba?"
"Let me finish, Ricardo." Malamig na sabi nito.
May nangyari kaya.
"Sorry," sabi ko.
"Nagdeposit na ako ng pera sa pangalan ni nanay para sa gastusin niyo habang wala ako. Alagaan mo siya Ricardo dahil pag nabalitaan kong may hindi maganda malalagot ka sa akin."
"Oo ako-" ay. Pinatayan ako.
Ano kayang nangyari dun. Bakit parang ang lamig ng pakikitungo nya. Yung boses nya.
Kailan sya babalik? Babalik pa ba?
.........