SAC 22

1061 Words
Ricardo's POV Nandito ako sa harap ng hacienda nila sir Zeo. Hindi ko na matiis, mag iisang buwan ng nasa kamay ng kung sino si Shannie. Hindi kami makapagsumbong ni nanay belle dahil araw araw nagpapadala ng litrato ang kumuha sa kanya at sinasabing pag nagsumbong kami papatayin nila si Shannie. Ilang beses tumawag ang pamilya ni Shannie sa amin ni nanay at ramdam namin na may nakamasid sa labas ng bahay at kung saan man kami naroon kaya di kami makapagsumbong. Ubos na ang palusot namin. "Ricardo tara na sa loob. Gusto mong makausap si kuya Zeo diba. Nanjan siya at baka lasing na naman. Bakit kasi di mo sabihin sa amin kung saan ang address ni Aphrodite sa manila ng madalaw namin siya." Salita nito habang papasok kami. Tumingin ako sa labas ng gate at alam kong nanduon lang ang nagbabantay sa akin. Pagpasok namin sa loob ay narinig ko ang sigawan ni sir Zeo at ni Clivan. Gusto kung mamangha sa kakisigan nila pero isinantabi ko yun para makausap si sir Zeo. Sana matulungan nya si shannie. "WHAT? TAMA AKO DIBA. UMALIS SI APHRO DAHIL NASASAKAL NA SIYA SAYO. DAHIL GUSTO MO LAGI KANG NASUSUNOD. YOU DESERVE IT!" "f**k YOU! KUNG NAGSESELOS KA DAHIL AKO ANG BOYFRIEND SARILIIN MO YANG SELOS MO." "INIWAN KA GAG-" Natigil sila ng paglayuin sila ni Tyrone. "Chill bros. May bisita tayo,"sabi ni russel kaya napatingin ang dalawa sa akin. Di ko na napigilan ang sarili ko at dali dali akong lumuhod sa harap ni sir zeo habang umiiyak. "Sir...." Umiiyak na sabi ko at niyakap ang paa niya. "Ano-anong ginagawa mo tumayo ka nga!" "Hoy Rica ano yan." Rinig kong sabi ni tyrone. "Tulungan niyo si aphrodite. Mag iisang buwan na syang hawak ng mga kumidnap sa kanya." Pagmamakaawa ko. "f**k" "What the hell!" "The f**k!" Rinig ko ang mura nilang tatlo kaya lalo akong naiyak. Di ko na namalayan na naiupo na ako sa couch nila. "Speak!" Galit na tonong sabi ni sir. Inumpisahan ko ang magkwento at puro mura ang naririnig ko sakanila lalo kay sir. "Bakit ngayon mo lang sinabi." "s**t! I asked you kung nasaan sya pero sabi mong umuwi," sigaw ni Tyrone sakin. Sa nanginginig na kamay kinuha ko ang cellphone ni nanay belle na pinadala niya sakin ng malaman niyang plano kung humingi ng ng tulong. Pinakita ko ang picture ni Shannie na pinapadala sa amin lagi. Tulog syang nakatali sa upuan. Nasa kama sya at may pasa sa braso. Dumudugo ang labi. At ang malala ay ang video na umiiyak sya habang may mga lalaking humahawak sa hita niya. Yun ang huling pinadala kaya di ko na kinaya at pumunta na ako dito. "SINO ANG MGA PUTANG INANG YAN." "BULLSHIT. " "PAPATAYIN KO SILA" "PUTANG INA TALAGA." Wala akong nagawa kundi umiyak habang naririnig sila. "Pakiusap tulungan nyo akong iligtas siya sa mga may hawak sakanya." Pagmamakaawa ko. Tumayo si sir Zeo at aalis na sana ng may biglang tumawag at sinagot yun ni Clivan na sya ng may hawak sa cellphone. "who.are.you!" Madiing sabi nito kaya napatigil kami pati na rin si sir Zeo na paalis na. Umalingawngaw sa loob ng bahay at malakas na tawa sa kabilang linya. "Nagsumbong ka na. Dahil jan goodluck sa pag uwi mo. May nag aabang sayong madugong surprisa HA HA HA" tawa ulit nito bago pinatay ang tawag kaya napatayo ako. "Oh my gosh. Si nanay belle. Si nanay belle mag isa sa bahay. Oh my gosh wag naman sana," sabi ko at patakbong lumabas kasabay ko ang tatlo. "Hop in." Sigaw ni sir Zeo kaya pumasok agad kami sa kotse niya. Pinaharorut niya ang sasakyan. "Panginoon ingatan nyo po si nanay belle. Wag nyo po syang hayaang mapahamak." Panalangin ko. Pagdating namin sa bahay kita ang magulong garden at sira ang pinto kaya dali daling pumasok ang tatlo. "NANAY BELLE" "NANAY BELLE NANDITO NA AKO. KASAMA KO SINA SIR- NAYYYY" hanap ko pero walang sumasagot. Pumasok ako sa kwarto ni Shannie ng makita ko itong bukas. Natulala ako sa nakita ko. Naliligo sa sariling dugo si nanay Belle sa kama ni Shannie. "Nay," nabulong ko. Tulala ako habang nakatingin sa tatlo na nilapitan si nanay belle. "Humihinga pa siya. Dalhin natin sa hospital." Rinig kong sigaw ni sir zeo. "Tyrone tumawag ka ng pulis." Nahagip ng mata ko ang salamin ni Shannie. Nanindig ang balahibo ko sa nabasa. Napatingin duon ang tatlo ng makita akong tulalang nakatingin duon. Sinipa ito ni Clivan ng malakas ang salamin. "f**k THEM." "DON'T f*****g BLOCK OUR WAY RICARDO, KAILANGAN NG MADALA SI NANAY SA HOSPITAL." rinig kong sigaw kaya napaatras ako. Di ko alam kong ilang minuto na ako nakatulala at nakaupo pero nadatnan na ako ng mga pulis sa ganung ayos. Di nila ako makausap ng maayos kaya nagpapasalamat ako kay sir zeo na bumalik agad dito at siya ang kinausap ng mga pulis. Di ko mapigilang mapaiyak ng makita ang dugo sa kama. "Magbabayad sila." Rinig kong sabi ni sir zeo. Patikim pa lang yan. Pag nagsumbong ka pa sa pamilya ng princesang to. Makikita nyo na lang siyang nakalutang sa dagat. -nightmare Patikim pa lang pero muntik na halos mamatay na si nanay belle. "Sir hindi siya pwedeng mamatay," umiiyak na sabi ko kay sir zeo. "Ililigtas ko siya. Magbabayad sila sa ginawa nila sa girlfriend ko." ......... Someone's pov " YOU f*****g MONSTER. ANONG GINAWA MO KAY NANAY BELLE. DEMONYO KA!" Umiiyak na sigaw ng dalaga ng makita ang picture ng guardian niya na pinakita ko. Tumawa ako ng malakas at hinarap sya sakin. "Don't cry princess. Hindi bagay sa magandang dilag na gaya mo ang umiyak." "Demonyo ka. Hayop ka. Anong ginawa mo kay nanay belle? Papatayin kita."galit na banta ng dalaga kaya lalo akong natawa. "Demonyo ako? Mas madaming demonyo sa pamilya mo QUEEN SHADIA. Napapalibutan ka ng mga demonyo. Hayop ako? Itong hayop na to ang magpapaiyak sa buo mong pamilya." Sabi ko bago siya iniwan sa kwarto kong saan ko siya kinulong. Greg Clemente Gavin Clemente Ivan Gavin Clemente Hawak ko na ang kabayaran sa pagsira ng pamilya ko. Greg sa pagpatay ng lolo ko. At pag angkin ng mga ari-arian namin. Gavin sa pagpatay ng magulang at mga pinsan ko. Ivan Gavin sa pagpatay ng kambal ko. Ang pinakamahal nyong princesa ang magbabayad sa mga ginawa niyo sa pamilya ko. .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD