Chapter 4

1131 Words
Who is he? Lalapitan ko sana ito ngunit biglang dumating si Winter, Tinignan ko siya na habulin ang kanyang hininga, hinihingal na para bang tumakbo ito nang manila papuntang pampanga. "Bakit? Anong nangyari at hinihingal ka?" Tanong ko. "Wala, natakot ako baka kasi mamaya bigla mong maisipang tumalon.." Worried was evident in her eyes. "Halla, grabe ka naman.." Sinulyapan ko ang lalaki kanina ngunit wala na ito. Nasan na siya? "Winter tara na nga, kung ano anong iniisip mo ha!" Patalikod na kami nang may naalala ako bigla. Yawa! Baka nag tumalon yung lalaki kanina kaya agad nawala! Halla! Tinakbo ko ang pwesto ng lalaki kanina ngunit wala ito doon. Kinabahan agad ako, Parang kasalanan ko tuloy kung tumalon man siya. Ako kasi yung last na nakakits sakaniya kanina, Nakaka-guilty! "Bakit?!" Kinakabahang tanong ni Winter. "W-winter kasi ano e! M-may lalaki kanina dito! T-tapos biglang nawala nung dumating ka! Pano pag t-tumalon siya!?" Nanlaki ang mata ni Winter. Tumingin siya sa baba ng rooftop. "Beh wala namang katawan don, Kung tumalon man yung lalaki, Edi sana pinagpi-piyestahan na yung katawan niya diba?" Naguguluhang sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, hayst! Kala ko naman kung tumalo— "Pano siya nakaalis nang hindi natin nakikita?!" "Baka naman hindi lang natin napansin?" Kibit balikat nito. Ipinag sawalang bahala ko nalamang ito, Baka mabaliw ako kakaisip kung paano naka-alis yung lalaki kanina nang hindi namin napapansin, Luh baka may superpowers siya tapos bigla siyang naglaho? Or what if he's a vampire?! Umuwi na kami ni Winter kasi wala nang klase kaya naman tumambay kami sandali sa isang food stall, Bumili kami ng mga street foods at kung ano ano pa. Nag picture din kami at miny-day ko ang mga yon. Wala lang pare flex? "Sarap!" Halos napnapin na ni Winter yung plato. Nandito naman kami ngayon sa eat all u can. "Eat all you can na nga mura pa! Sulit." Sayang saya kaming dalawa. Parang wala lang yung nangyari kanina. And I'm very thankful for having Winter as my best friend. She's always by my side, Cheering me up. Helping me. Loving me. Accepting me. She's like a half of mine. And I can't live without her. Being at my side. "Busog na ko, Diko na kaya, Krizelle." Busog na busog na sabi nito sakin. "Ako din!" Ani ko. Tumawa naman kami at nagpahinga sandali bago umuwi. Tumatawa pa kami habang nag lalakad pauwi. Nag-paalaam naman kami sa mga nanay at tatay namin eh, Kaya no need to worry. Habang naglalakad nakakita kami ng grupo ng mga lalaki, tatlong lalaki at dalawang babae. Kinabig agad ni Winter ang braso ko para ituro yung isang lalaking naka dark red ang shirt. Lumipat ang tingin ko sa lalaking itinuro niya, Matangkad at medyo kulot ang buhok. "Tanungin mo nga kung anong pangalan.." Bulong ni Winter sa'kin. "Luh ikaw na a, Matapang ka diba? Gawin mo nga!" Bulong ko pabalik. Tumawa naman siya, Tipsy na kasi siya at uminom ba naman ng alak! "Watch and learn, biatch!" Sabi nito, Nagtago ako sa isang gilid at pinanuod siyang maglagay ng mint candy sa bibig at suklayin ang kanyang mahabang buhok, Naglagay pa ng pabango at nag pulbo bago pumunta kung nasaan yung mga lalaki. Nasa tapat na siya ng lalaki, Hindi ko masyadong marinig ang pinaguusapan nila. Pero nakita kong may inilabas siyang notebook at ballpen mula sa bag niya ibinigay niya iyon sa lalaki nang may malaking ngiti sa bibig. Pinagpasapasahan nilang lima ang notebook, Narinig ko naman ang malakas na thank you ni Winter at bumalik na papunta saakin. "Wooooooh! Kinabahan ako dun!" Nagtatatalon siya habang naglalakad kami. "Anong ginawa mo? Bakit yung notebook at ballpen? Ano daw ang pangalan? May jowa ba? Ano may pag-asa?" Sunod sunod kong tanong. "Eh diba kasi! May pinagawa si Professor Hamilton? Yung hihingi daw ng different opinions sa stranger about what opinion matter the most, heart or brain." Paliwanag niya, tumango tango naman ako. "At! Single daw siya! Eto mga pangalan nila— Ay pogi yung isa beh! Baka gusto mong i-try hehe, Add mo sa fb." Binigay niya yung notebook na ibinigay niya din sa mga lalaki kanina. Name: Winter Lavien Gazades Professor: Gilbert Hamilton Assignment: Ask 20 strangers. Give the explanation and the name. It will be displayed on the University's bulletin board, And please put the full name. "Gagi bakit full name? Hoy Lamig Lamig, nilagay mo na full name para malaman mo yung pangalan no? Hindi naman ganito mag bigay ng assignment si Professor Hamilton!" Tumawa naman siya ng malakas. "What opinion / decision matters the most? It is the heart's? Or brain's? And why?" 1. Trevor Noah Centineo For me, the heart's opinion matters the most. But before deciding, use your brain if it is worth the decision. "Gagi expensive ng name at apelyido no! Bagay sakin HAHAHA!" Tumawa naman ako sa sinabi ni Winter. 2. Jasper Brylle Zandaeli I don't know, but i always follow what my heart wants and then think about it if it is worth. Uh-huh, pwede din. 3. Isabella Centineo Heart. Period. May jowa to panigurado. 4. Isabelle Centineo Nothing, because I'm id!0t at decisions and opinions. "Kambal ata tong dalawang babae, Isabella at Isabelle. Parehas din ang apelyido nila nung Jasper," Tumango tango naman si Winter. 5. Raze Zatchiel Zandaeli Brain. The heart knows nothing but to make f00lish and id!0tic decisions. "Grabe! Tignan mo 'to!" Ani ko at ipinakita sakaniya "Woaaaah, grabe naman siya sa puso! Baka broken hearted yang Raze beh." Aniya. Tinanguan ko nalang ito. Nagkuwentuhan nakang kami habang papauwi, Ngunit dahil busog. Hindi naming natiis na pumara ng tricycle para makauwi na kami agad, Nang makauwi ay tulog na si Mama at Papa. Chineck ko lang kung may mga assignment or long quizzes kami para makalag review pero wala naman. Kaya naligo nalang ako at nagpalit ng damit dahil lagkit na lagkit ako. Huminga ako ng malalim at nagsimulang mag patuyo ng buhok, Habang tinutuyo ang buhok ay nag scroll muna ako sa f*******:, I saw a lot of post about the election, Nag-aaway away pa sila dahil doon. I just shrugged my shoulders about it. Nang matapos akong magpatuyo ng buhok ay nag toothbrush na ako, Pag katapos ay humiga na ako, Pero bago palang ako pumikit ay narinig ko ang cellphone kong nag vibrate. Chineck ko agad at nakita kong may gustong mag message saakin pero hindi ko friend sa f*******:. So it went to the message requests. Nang tignan ko ito, Nabigla ako sa nag message. I didn't expect that he would message me. It was Gray. Gray Zachary Velmeo: Hi, Krizelle. I'm sorry for what happened earlier. Please just ignore them, I would talk to Pia. I'm sorry. His apology. Doesn't feel sincere. It feels like something i can't.... explain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD