Chapter 43 (I hurt myself by loving you) Ilang araw ng nakauwi si Arianne at pilit niyang pinaniniwala ang sarili na hindi na niya hinahanap pa ang presensya ni Clarenze sa ganoong paraan lang siya unti unting masasanay na mag-isa. Pinilit niyang maging abala at ipokus ang atensyon sa trabaho para hindi na maisip pa si Clarenze kahit na may mga pagkakataon na sumasagi ito sa kanyang isip lalo na sa gabi kapag mag isa na lang siyang nakahiga sa kama ay naalala pa rin niya ito pati ang masasayang panahon na magkasama sila ngunit agad niyang sinasaway ang sarili na isipin pa ito. Matapos ang pakikipag hiwalay niya kay Clarenze ay wala ni isang mensahe mula rito na lalong nagdagdag ng sakit sa kanyang nararamdaman sapagkat sa kasulok sulukan ng kanyang puso ay umaasam siya na susuyuin nito a

