CARMELA “Sino ka at ano ang kailangan mo?” Ang mga salita na lumabas sa bibig ko. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. “Sissy, bakit kailangan mo pang itanong. Hindi mo ba nakikita na magkamukha tayo?” tanong niya sa akin. “Anong–” “Ako ang kapatid mo, I mean ang nawawala mong kapatid.” sabi niya sa akin. Hindi ako nagsasalita dahil nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Kung dapat ba ay yakapin ko siya. Ito ang araw na hindi ko inaasahan at nangyari na. Siya na mismo ang humanap sa akin. Pero sa huli ay mas pinili ko lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Hindi ko rin mapigilan ang mga luha ko. Masaya ako na nasa harapan ko na siya. Tumagal rin ng ilang minuto ang yakapan namin. “Pasok sa loob,” yaya ko sa kanya. “Ang ganda

