CARMELA “Ikaw ang bahala kung ayaw mong pumasok sa office.” sabi ko sa kanya at tumayo na ako. Naghugas ako ng kamay ko. At naramdaman ko naman siya sa likuran ko. Napalunok ako dahil bigla na lang akong kinabahan. Ewan ko ba pero para akong natetense ngayon. Lalo na kapag nasa malapit siya. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Parang may nakakarerahan sa loob ng puso ko. “Puwede bang ‘wag kang dumikit sa akin.” sabi ko sa kanya. “Why?” maang-maangan na tanong niya sa akin at mas lumalapit pa. “Ayaw ko lang.” sagot ko sa kanya. “Hmmmm.. Bakita kaya ayaw mo?” “Please, doon ka na lang. Ako na dito, kaya ko na ito.” sabi ko sa kanya. “Panay ang iwas mo sa akin. Siguro attractive pa rin ako sa ‘yo.” sabi niya sa akin at alam ko na nagbibiro lang siya. “Huwag ka ngang feeling diyan.”

