Masaya ako na going well na kami sa bahay. Napag alaman kong nagbakasyon pala sa Paris si Ellen kaya naman di ito nagpapakita kay George.
Napag usapan naming babalik na sa Sta Barbara at doon na mag aaral ang mga bata. Kasama na rin doon si Sheena na papasok sa grade 12.
Dito ko na sana sila eeenrol ngunit kailangan ko namang imanage ang Gaya's paradise at ng aking landscaping business. Di bale itong mga lupain ni George at nandito naman si mang Dante na siyang pinagkakatiwalaan namin.
So inayos na naman ang mga papeles ni Sheena. Mga school requirements nya sa paglipat at mga birth certificate nila ni Alessa.
Nais ko sanang ipagpaalam si Sheena sa magulang ngunit tumanggi ito. Marahil ay sariwa pa dito ang sakit na dulot ng pagtalikod ng mga ito sa kanya ng maaga itong magbuntis. Masakit nga namang pinalayas siya sa panahong kailangang kailangan niya ang tulong ng mga ito.
Gumugol din kami ng five days bago kami tuluyang nakapagbyahe. Mga damit lang at mga pasalubong lang ang dala namin. Di ko na rin ipinaalam pa kay daddy upang magkaroon naman ng element of surprise.
Gabi na kami lumarga ng byahe upang iwas traffic sa daan. Sa daan na rin kami kumain ng gabihan upang makapagpahinga din si George sa pagmamaneho at makakapag cr na rin kami.
Halata ang excitement sa mga mukha ng tatlong mga bata. Ngayon lang kang kasi nila mararanasang bumiyahe ng malayo ngunit pagdakay tinalo din sila ng antok.
Ginising ko na lang sila ng makarating kami ng bayan. Gustong dumaan ni George sa resto ng kapatid ko ngunit masyado pang maaga at sarado pa ito kaya pinadiretso ko na lang sa hasyenda namin.
Sa bungad pa lang ng gate ay makikita na ang matinding paghanga sa mukha ng mga ito. Mula sa napakaraming mga bulaklak at mga punong maraming bunga ay napapanganga na ang tatlo sa paghanga. Napangiti na lang ako sa kanilang reaksyon.
"Mom, ito po ba yong sinasabi mong Gaya's paradise? Yong hasyenda mong pinagkuhanan ng mga halamang nilagay mo sa may munisipyo ng San Vicente?" tanong ni Jay.
"Yes son," nakangiting sagot ko.
"Wow, grabe naman po mommy! Ang ganda ganda po pala dito. Andaming mga prutas at ang daming mga bulaklak. Pwedepo kaming manguha ng mga prutas dito mommy?" ani Joy na ikinatango ko naman.
"Truth is, maraming mga turista at mga galing ibang bayan ang dumadayo dito upang magharvest at mamingwit dito."
"Really mom!" di makapaniwalang sambit ni Jay. "You mean meron pong lake na pwedeng pamingwitan dito?"
"Wala tayong lake anak pero me mga fish ponds tayong pwedeng pamingwitan at pwedeng pag anihan ng mga itlog ng itik. Pwede silang manguha ng itlog at bibilhin ng mas mura kesa sa palengke."
"Ah, exciting din pala dito mom. Dapat me ganito din sana sa San Vicente para naman maenjoy din natin at ng ibang mga kids don"
"Don't worry son, balang araw ay mangyayari din yan. Sinuggest na yan ng mommy nyo ngunit di ko pa naisasakatuparan dahil sa pagdating nila Sheena sa buhay natin. Pero i'll make sure na mangyayari din yon upang me mapagkukunan yong mga tao natin ng maipapang ulam ng mga pamilya nila."paninigurado naman ni George.
Bahagya ko namang sinulyapan ang mag inang Sheena at Alessa. Parehong tulog ang dalawa habang maingat namang nakalagay sa baby carrier si Alessa.
Napakainosenteng tingnan ng dalaga. Tila wala pang muwang sa kamunduhan gayong me isang sanggol ng lumabas dito.
Napakaganda niya. Gandang magdadala ng maraming karangalan kung nagabayan lang ng maayos.
Ilang saglit pa at narating na rin namin ang harap ng bahay. Wala pa ring ipinagbago kahit two years din akong hindi nauwi. Matingkad pa rin ang puting pintura. Sariwa pa rin at malalago ang mga halamang namumulaklak sa pinakang lawn nito.
Namiss ko ang view na ito. Mula ng magkaroon ako ng office sa Pasig ay doon na rin ako tumira. Tanging mga tauhan ko lang ang paroot parito sa tuwing may mga project kami. Sila ang nagsusupply sa akin ng mga info sa kung anong mga halaman ang available at kung alin ang best suited na ilalagay.
Lumabas na ko ng kotse at binuksan ang pinto sa backseat. Marahan kong ginising si Sheena at kinuha si Alessa. Saglit muna itong nagmasid sa paligid bago sinuklay ang buhok at lumabas na.
"Ate, sa inyo po ba ang hasyendang ito?"
"Oo, sa pamilya ko to pero ako ang nag aasikaso. Me sarili ring hasyenda ang kuya George mo."
"Wow, ang yaman nyo po palang pareho. Ang swerte naman ng kambal na to. Me mababait ng magulang..mayayaman pa" mahinang bulong pa nito.
"Mula ngayon, swerte na rin kayo ng anak mo kasi dito na rin kayo titira. Kung ano ang meron kami, ituring mo na ring inyo dahil pamilya na rin namin kayo." At marahan itong yumakap sa kin.
"Maraming salamat ate at akoy tinuring nyong kapamilya. Nawalan man po ako ng pamilya dahil sa pagbubuntis ko ngunit higit pa sa pamilya ang pumalit sa nawala. Kayo po ang tinuturing kong hero sa buhay namin ni Alessa."
"Ok lang yon," alo ko naman."Basta make sure na pagbubutihan mo na ang pag aaral at sisikaping mapalaki ng maayos si Alessa. Andito lang kami na gagabay sa inyo. Saka kung sakali, baka nga magiging magbalae pa tayo someday kasi inaangkin na ni Jay bilang mapapangasawa itong si Alessa mo," natatawang biro ko na nagpatawa dito ng malakas.
"Hahaha! Baka naman pag me nakitang maganda itong si Jay ay biglang ipagpalit si Alessa ko!" tudyo naman nito sa binatilyo kong kasalukuyang lumalabas ng kotse. Sinamsam pa muna kasi nito ang nakabag na gamit ni Alessa.
"Huwag ka ate Sheena. Si Alessa ay akin kaya wag na wag mong irereto sa iba. Magkakamatayan tayo pag yan nagkanobyo ng iba!" banta naman ni Jay.
Napatawa kami ng malakas at inaya ko na silang pumasok. Nakaabang naman na si aling Karing sa may pinto upang kami ay iwelcome.
"Welcome back po senyorita. Tagal nyo pong di umuwi dito. Itong dalawang bulilit na bang ito ang mga anak mo ineng?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang kambal.
"Sila nga po yaya karing. Sila po yong kambal kong tinangay noon ni George." tugon ko naman. "Ito naman po ay si Sheena at ang anak niya. Kinupkop ko na po kasi tinalikuran ng mga magulang."
"Ay, sayang na dalaga ito at pagkaganda ganda. Bakit naman tinalikuran nila? Di ba sila naawa sa apo nila?"
"Di po natin masisisi yong magulang niya yaya kasi me kasalanan itong si Sheena. Ang akin lang dapat ginabayan pa rin sana nila at di pinalayas. Pinabayaan nila sa lansangan ang sariling anak. Mabuti na lang at di sila napahamak mula sa pagpapalaboy laboy sa kalsada"
"Hay naku naman. May mga ganong magulang talaga. Nais nilang turuan ng leksyon ang mga nagkamaling anak sa marahas na paraan.Tila mas gusto pang makitang naghihirap ang anak kesa tulungan."
"Tama na po yaya. Pakisamahan na lang po sa kwarto ang kambal at pkibigyan na rin ng silid itong si Sheena para makapagpahinga na sila."
"Pero mom, pwedeng gumala muna kami sa paligid?" tanong ni Jay. Tila excited na itong pasyalan ang buong hasyenda.
"Pahinga muna kayo anak. Bukas na kayo gumala para makita nyo rin ang pagpapakain sa mga hayop dito."
"Pero mom..." sambit nito ngunit di naituloy ng makita ang papasok na ama.
"Matulog muna kayo Jay para me energy kayo bukas. Di naman mawawala ang mga view na yan kaya pahinga muna," ani George at napilitan na ring sumunod ang kambal.
"Pahinga ka na rin sweetie. Akin na si Alessa at ako ng bahala sa kanya,"
"Hindi ka ba magpapahinga din?Mas pagod ka kesa sa amin kasi magdamag kang nagdrive."
"Don't worry about me. Mas mapapanatag ako pag nakapahinga ka na. Bawi na lang ako sayo mayang gabi. Unli iy*t tayo ha," bulong nito sabay lapit ng bibig sa aking tenga. Dama ko ang init ng kanyang hininga.
"Luko luko ka talaga," sabi ko sabay hampas ng mahina sa kanyang braso. Di ko malakasan dahil baka mabitiwan nito ang tulog na si Alessa. Napatawa naman ito ng malakas.
Iniwan ko na siya ng marahan itong umupo sa may sopa at ini on ang tv.
Manonood siguro ito. Mabuti na lang at di ko ipinaalam kina daddy ang pag uwi ko. Tiyak na dadagsa agad ang mga iyon at mawawalan kami ng time upang makapagpahinga.
Umakyat na ko sa dati kong kwarto. Maayos pa rin ito tulad ng dati. Halatang alaga ito ng linis. Nasa ayos ang lahat ng gamit.
Nagdiretso na ko sa banyo upang maligo muna bago magpahinga. Ramdam ko na ang panlalagkit kaya kailangan ko ng cold shower.
Paglabas ko ay tila noon lang nakaramdam ng ibayong pagod. Pikit agad ang mga mata ng akoy makahiga. Tuluyan ko ng tinakasan ang mga alalahanin sa mundo at nawala na ko sa kamalayan.
Abala ako sa pagmamando ng mga gagawin sa restawran ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong number ni yaya Karing ang nasa caller. Isinuksok ko na lang sa bulsa ito dahil tiyak kong di naman mahalaga ang sasabihin niya. Pag tumatawag kasi ito ay puro pagsusumbong sa mga ginagawa ni kuya ambong, ang butihing asawa nito. Natuto na kasing magsabong mula ng isama ni daddy sa tupada na pinuntahan nila ng mga kumpare nitong mga pulitiko.
Mula kasi noon ay puro manok na lang daw ang hinihimas at inuuna nito. Tila nagseselos ito sa mga alagang manok ni kuya ambong.
Isinunod naman niyang ininspeksyon ang kusina. Tiningnan kung malinis ba at kumpleto pa ang mga gagamiting sangkap. Tiniyak din niyang marami pa ang mga stock sa freezer at okey naman ang lasa ng mga niluluto. Pahinga muna siya sa pagluto tutal ay maaasahan naman ang bagong hire niyang chef.
Nang masigurong okey na ang lahat ay pumasok na siya sa office niya. Inaantay niya ang update ng pag uwi ni bunso. Almost two years na niyang di nakita ang kapatid. Mula kasi ng magkaroon na ito ng office sa Pasig ay di na nakauwi. Mababalitaan na lang niyang panay ang libot nito sa mga probinsya dahil pinag aagawan ang serbisyo nito sa paglalandscape. Magaling kasi ito sa pagdedesign at talagang artistic ito. Nagagawa nitong bigyang buhay ang isang boring na bakuran.
Tuwang tuwa nga siya sa ginawa nito sa hasyenda. Kung noon ay kinakantyawan nya ito na nagsasayang lang ng oras sa hasyenda.. ngayon humahanga na siya. Nagawa nitong isang pasyalan ang simpleng asyenda nila.
Napakaraming activities na pwede ng gawin doon. Kung dati, pinapakain lang ang mga hayop, ngayon ginawa ng pagkakakitaan ang pagpapakain sa mga ito. Marami na ring kabayo na ginagamit upang sakyan sa pamamasyal ng may bayad.
Pati mga grafted fruit bearing trees ay kumikita na rin.Harvest all you want tapos babayaran ng mas mura upang maiuwi ng mga bisita.
Halos lahat ng nasa hasyenda ay pwedeng pagkakitaan as well as pagkakalibangan. Doon ay pwede kang mamingwit ng isda. Yong mahuhuli mo ay babayaran mo ng halos kalahati sa presyo lang. Parang balik kapital lang para sa pagkain at fingerlings.
Mararanasan ding magharvest ng itlog at mga gulay. Di ko ineexpect na magagawa lahat to ni bunso.
Kaya naman very proud noon si daddy. Siya pa ang tumanggap ng plaque of appreciation na dapat sana ay kay Gaya. Malaking pera ang kinikita ng hasyenda dahil sa mga projects ni Gaya.
Kung di lang itinakas ni George ang kambal..sana nag stay ang kapatid niya sa hasyenda. Miss na miss na niya ito.
Nasa ganon siyang pagmumuni muni ng magring uli ang cellphone. This time pangalan na ni daddy max ang caller.
"Hello dad!" bati niya dito.
"Ronnie iho, nasan ka today?"
"Andito ako sa resto ko dad. Inaantay ko ang update kung kelan ang uwi ni bunso," mahinahon kong sagot."What's up dad?"
Bihira kasi itong tumawag sa akin kaya nacurious ako sa dahilan ng pagtawag nito.
"Didn't yaya Karing called you?"
"She called but i didn't accept her call. Tiyak na magsusumbong lang yon sa pagsasabong ni kuya ambong"
"So it means your still unaware on the greatest updates in the hacienda! Hahaha.." natatawang wika nito na labis kong ipinagtaka. Anong ibig sabihin ni daddy?
"What do you mean dad?"
"Nalusutan ka ni bunso. Balak ata tayong surpresahan ng big time kaya ayun, nasa hasyenda na at me dalang baby at dalaga pwera pa yong mag aama niya!"
"Ha?" malakas niyang sambit. Gulat na gulat siya sa sinabi ng ama. Si bunso, nasa hasyenda!At kasama pa ang mag aama niya at me iba pang kasama?!
God! Ibang klase talaga itong kapatid niya. Mahilig manggulat.
Agad nyang inayos ang mga gamit at nagbilin na sa mga tao niya bago nagmamadaling lumabas.
Pupunta sya sa hasyenda. Titingnan nya kung nandon na nga ang kapatid.
Ahhh.. naeexcite siya sa kaisipang nandon na rin ang kambal na pamangkin. Ang kambal na inilayo sa kanila ng bestfriend niyang si George. Malalaki na siguro sila ngayon.
At si George.. ang bestfriend niyang si George. Si George na takot maunder.. Ang lalaking takot sa sakit ng ulo na dala ng kapatid niyang pasaway.
Hahaha... takot pero alam niyang head over heels in love sa kapatid niya.
At last, makakaganti na rin ako sayo George. Gagamitin ko ang kambal para pasakitin lalo ang ulo mo.
Alas onse na kong nagising. Kumukulo na kasi ang aking tyan sa gutom. Sumaglit muna ako sa banyo upang maligo at makapagbihis na.
Saktong pababa na ko sa hagdan ng mahagip ng pandinig ko ang boses ni kuya Ronnie. Malakas ang boses nito na tila nagkakatuwaan sila ni George. Mukhang kinakantyawan nito ang boyfriend s***h asawa niya.
Nagmamadaling tinungo niya ang kusina kung saan naron ang mga ito. Magkaharap ang mga ito sa me lamesa na me pinagbubulungan habang nakatunganga naman ang kambal sa kanila.
Nilapitan ko si George at kinuha ang bata sa kanya. Mukhang nalimutan ng mga ito na me sanggol sa kandungan na mahimbing ang tulog.
"Anak mo bunso?" tanong ni kuya. Pinandilatan ko naman ito sabay sabing hindi.
"Ah.. anak ng kulugong ito" anito sabay turo kay George.
"Hey! Loyal ako kay Gaya kaya wag mo akong itulad sa yo na napatol sa kung kani kanino" tanggi naman ni George.
"Anak ito ng kaibigan namin," sabi ko naman upang patigilin sila sa kantyawan.
"Ah kaya pala hindi niya kamukha. Tisay yong bata at ito ay n***o. hahaha" patuloy na tudyo ni Ronnie.
"Hey, itigil mo na yan kuya. Pakisabihan na si yaya karing na kakain na tayo. Pakihanda na ang lamesa."
Tumayo naman na ito at tinawag si yaya karing.
"Mauna na kayo. Liligo lang ako saglit!" sigaw pa nito habang paakyat na ng hagdan.
Ronnie
Masaya akong makita uli ang aking kapatid ngunit mas naexcite akong makita ang mag aama. Tulad ng dati, matikas pa rin ang aking bestfriend. At mukhang close silang mag aama. Naiinggit ako sa kambal nilang anak. Mga bata pa pero matured ng mag isip.
Sana ganon din ang magiging anak ko pagdating ng panahon. Pero paano ba ako mag aanak kung wala naman akong makursunadang babae? Wala akong makitang tugma sa tipo ko. Puro golddigger at slut ang mga nakakasalamuha ko.
Pagdating ko sa kwarto ay agad kong binuksan habang inaalis ang mga butones ng polo ko. Hinagis ko ang polo sa ibabaw ng kama bago ako dumiretso ng banyo. Magshoshower muna ako bago kakain. Lumabas ako ng banyo suot ang itim kong robe ng may maaninag akong babae sa ibabaw ng kama ko.
Anong ginagawa ng babaeng ito sa kwarto ko? And preferably, bakit sa kama ko natulog?
Maputi ang babae. Tila isang tinedyer lang ngunit napakaamo ng mukha. Mukhang mas dapat inaalagaan at pinoprotektahan.
Marahan kong nilapitan at niyugyog sa balikat. Naalimpungatan naman ito ng gising.
Nagulat ako ng bigla itong sumigaw.
"Help! Help!"