Maaga syang gumising ngayon dahil usapan nilang barkada na magpiknik sa may ilog ng hasyenda ng mama nya. Kagabi pa lang ay sinabihan na nya ang kusinera na maagang igayak ang mga pagkaing dadalhin nila. Nagdala din sila ng sariwang mga isda na iihawin nila sa may tabing ilog habang nagsuswimming.
Bago sya matulog ay gumawa muna sya ng plano. Boring ang piknik na gagawin nila kung walang mga challenges na magaganap. At syempre pa, sya ang sagot sa pagkain at venue kung kayat sya rin ang bahala sa games na ipagagawa nya.
Sabagay sanay na ang mga kaibigan nya sa kanya. Sa kanilang walo na magbabarkada... tatlo ang lalaki sa kanila. Dalawa sa mga lalaking ito ay nobyo na ng mga kaibigan nya. Naging magnobyo ang mga ito dahil sa mga dare na pinagawa nya sa mga ito.
Si Linda at Buboy ay inutusan nyang magfrench kiss sa loob ng cottage ngunit itinuloy ng mga ito sa lovemaking dahil me lihim palang pagtingin sa isat isa.
Si Lando naman at Lisa ay ikinulong nila magdamag sa bodega ng palay sa hasyenda ng mama nya. Sa tindi ng takot ni Lisa sa daga ay yumakap ito kay Lando at nadarang naman ang binata kaya me nangyari sa kanila.
Sa mga dares nya ay game na game namang sumusunod ang mga kaibigan. At bukas ay magsasagawa uli sya ng dare na tyak na ikasasaya ng mga kaibigan.
Maaga ngang dumating kinabukasan ang mga kaibigan nya. Nagcarpool nalang sila sa isang van upang makatipid sa gas. Ang mga lalaki ang nagsakay ng mga nakahandang pagkain at inumin. Kanya kanyang bitbit nman kami sa mga bag na dala namin.
Pagdating sa asyenda ay sinalubong kami ni kuya Kardo, ang katiwala ni mama. Siya na rin ang naggiya sa amin papuntang ilog.
Malinis at malinaw ang tubig ng ilog. Nayuyungyongan ito ng malalaki at makapal na mga puno. Malamig ang tubig ng ilog. Me mga flat at malaking bato din na pwedeng upuan habang kumakain. Pihadong mag eenjoy kaming maligo dito.
Nang maiayos na ang mga dala at nakakuha na ng mga kahoy na gagamitin sa pag ihaw ay nagpaalam na rin si kuya kardo. Marami pa daw gagawin sa bukid at kailangan din nyang manduhan ang mga tauhan sa mga gagawin.Agad kaming nagbihis ng panligo at lumusong. Masarap sa balat ang lamig ng tubig. Nagpaligsahan pa kami sa paglalangoy.
Nang magsawa ang mga lalaki ay inumpisahan na ang pag ihaw ng mga isda. Tulong tulong naman kaming mga babai sa paghain ng mga lutong pagkain sa malaking bato na ginagawang mesa ng mga nagpipiknik dito.
Pansamantalang isinarado muna ni kuya kardo ang ilog sa mga taga asyenda upang magamit namin ng pribado.
Pagkahain ay inumpisahan na namin ang pagkain. Kanya kanyang kwento kami ng masasayang mga ginawa sa loob ng isang linggo.
Sinusulit namin ang holiday vacation dahil pagkatapos ng new year ay may pasok na uli.
Lahat kami ay nasa huling taon na ng kolehiyo. Ang tatlong mga lalaki ay puro engineering ang kurso. Tatlo din kaming kumukuha ng BSBA at ung dalawa ay education naman.
Puro kami maykaya sa buhay kaya siguro kami nagclick sa isat isa. At ang problema ng isa ay problema ng lahat.
Pagkatapos naming kumain ay iniligpit na namin ang mga ginamit. Bahala na si kuya kardo na mag uwi nito. Alam naman nyang mag oovernight kami dito. Ito din ang magdadala ng karagdagang pagkain namin kaya obligado itong bumalik bago sumapit ang dilim.
Kumpleto naman ang dala naming mga tent at mga camping gears. Dito lang din sa gilid ng ilog kami magseset up ng tulugan at bonfire para sa gagawin naming mga dare sa gabi.Nakapagkolekta na rin kami ng mga kahoy para sa bonfire kaya pahinga na rin kami.