“TIGNAN mo ang ginawa mo! Ginulat mo ako kaya nahulog ko ang kwek-kwek ko!” paninisi ko saka siya sinimangutan.
“Para kang bata, ang cute mo,” sabi niya saka ko siya inirapan.
“Don't treat me like a kid. I'm not a kid,” sabi ko ng mariin saka siya sinamaan ng tingin. “ngayon lang kita nakita na nagpunta dito. Sinusundan mo ba ako?!”
“Bakit naman kita susundan? Coincidence lang na nag-crave ako sa kwek-kwek at gulaman. 'Wag kang feelingera.” sabi niya sa akin then he grinned.
“Coincidence man o hindi, wala na akong pake,” sabi ko. “pero kailangan mong palitan ang isang kwek-kwek na nahulog!”
“Isa lang naman ang nahulog. Ang dami pa ng bitbit mo oh.”
“Kahit na! Sayang ang dalawang piso ko lalo na ang lasa ng kwek-kwek ko!” sabi ko. “palitan mo 'yan!”
“Alam mo ikaw, ang gahaman mo sa pagkain.” sabi niya saka umiling-iling.
“Whoa, listen mister, hindi ako greedy sa pagkain or a glutton. Sadyang malawak lang ang space ng tiyan ko kaya mahirap punuin. There's a very big difference.”
“Hindi ko malaman kung joke ba 'yan or kakaiba lang talaga ang logic na mayroon ka. Diba, matalino ka? Topnotcher and sikat pa.”
Hindi na ako dapat magtaka na kilalang-kilala niya ako. For starters, we are classmates at isa pa, kilala naman talaga ako ng lahat. All eyes were on me kaya of course, mapupuna nila ang mga big wins and small wins ko.
“Eh ano naman? Anyway, palitan mo ang kwek-kwek ko. I'm waiting.”
He stepped forward saka bumili kay ate Lorna. “Twenty na kwek-kwek nga po,” — inabot ang bayad niya. — “saka isang malamig na buko juice po.”
I scoffed. “Twenty kwek-kwek? Tapos ako ang sasabihan mo ng gahaman sa pagkain? Funny.”
He faced me and smiled. “Sino may sabing para sa akin ang mga kwek-kwek na 'yan?”
Pagkaabot ni ate Lorna ng 20 pieces na kwek-kwek ball niya, inabot niya sa akin lahat. Nakaramdam ako ng asar dahil isa lang naman ang kailangan niyang palitan, pero 20 ang dami ng ibinalik niya.
How dare he crush my pride!
***
I JUST REALIZED na ang pagiging mapride ay sign of immaturity. I did the dumbest thing dahil sa pride ko pero I never regretted it one bit dahil kahit na nawalan ako ng allowance for a week, at least kumita si ate Lorna ng maraming salapi.
I was so pissed off sa lalaking 'yun who shall not be named kaya after niyang bumili ng 20 kwek-kwek balls, I bought everything and sinabi ko kay ate Lorna that she could keep the change.
“Seryoso 'yan? Kakainin mo ang lahat ng 'yan?” sabi niya ng gulat. I smirked and repeated what he said earlier.
“Sino may sabing kakainin ko lahat ng 'yan?” sabi ko with my hands crossed together under my chest.
“So, ibibigay mo sa'kin? Salamat! Nakaka-touch naman.” sabi niya with wide smiles.
“Asa ka. Sino may sabing sa'yo ko ibibigay?” sabi ko ng pataray. “Ibibigay ko ang mga kwek-kwek sa mga batang less fortunate sa lansangan.”
Nakatitig lang siya sa'kin and it made me super duper uncomfortable.
“Will you please stop looking at me like that? It's annoying, alright?”
“Kung less fortunate din ba ako, magiging mabait ka sa'kin?”
“Hindi. Ipapaubaya nalang kita sa ibang mga galante sa buhay.”
This is the very first time na nagusap kami and wow, he gave me a really 'good impression'.
“Bakit hindi ka pa umaalis? Hindi ba, tapos ka na sa kinakain mong kwek-kwek?” — I lifted my hand and shooed him. — “shoo! Doon ka na, doon ka na!”
“Salbahe mo sa'kin samantalang sa iba, pinagtatanggol mo sila kapag binubully sila.”
We're not close but he's talking to me as if we’re long-time buddies. Hindi ko nalang siya pinansin at umalis nalang ako ng hindi nagpapaalam. As I walked away, I could hear him calling my name. Bahala siya diyan. Matapos niyang sirain ang pride ko? No thank you.
As planned, ibinigay ko lahat ng kwek-kwek na binili ko to the unfortunate ones lalo sa mga batang nanlilimos sa lansangan. Habang ipinamimigay ko ang kwek-kwek balls sa mga batang nakita ko, nakakatuwa na makita ang galak nila sa mukha, pero hindi na ako nagtagal at agad ako umalis kasi baka makita ako ng sundo ko't masermonan pa ako. Nakareserba ang tainga ko para sa sermon mamaya sa bahay dahil sa pagtakas ko.
Nagtira ako ng kwek-kwek para sa amin nila Suzie, ang younger sister ko pati na din sila mama at papa saka mga kasambahay namin. Si Suzie lang ang bunso kong kapatid so obviously, ako ang ate niya.
Habang naglalakad ako pauwi, nagulat ako nang bigla akong may naramdaman na kamay sa balikat ko kaya biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Napatigil ako mula sa paglalakad at napalingon sa likod ko just to see Carl, the one who’s so into me for years.
“What the hell, Carl! You scared the hell out of me!” halos pasigaw kong sabi.
“Sorry Claire, my bad,” panimula niya saka kinamot ang likod ng ulo niya. “Nakita kasi kita na naglalakad kaya naisipan na din kitang lapitan. Pauwi ka na ba?”
“Oo, pauwi na ako. Bakit ba, ano ang kailangan mo?”
“Wala naman. Gusto lang kitang samahan pauwi para makasigurado na ligtas ka,” sabi niya saka binigyan ako ng isang makamandag na ngiti. Usually, effective ‘yan sa ibang mga babae but not me. I cannot be tamed that easily. My heart is really hard to tame.
“No thanks,” sagot ko. “kaya kong umuwi nang mag-isa. I can get home safe. Hindi mo ako kailangan na ihatid, pero I appreciate your concern.” I flashed him a sweet smile.
“No, I insist. Gusto kitang samahan pauwi. Don’t worry, aalis din ako agad pag-uwi mo.”
I heaved a sigh. “You’re not taking a no for an answer, are you not?”
“Yes. Kaya hayaan mo nalang akong ihatid ka to ensure your safety, alright?”
“Fine, fine. Tara na bago sumapit ang dilim.”
And with that, Carl walked next to me. Defeaning silence hovered over us while we were walking. It made us awkward but he decided to break the awkwardness by starting a conversation.
“So, kamusta ka naman?” tanong niya.
“Okay naman. Ito, sikat pa din.”
Narinig kong natawa siya sa sagot ko. “Of course, you’re still famous. Walang bago ‘don,” sabi niya tapos ay iniba na niya ang topic. “So, why did you block me?”
“‘Cause I was trying to help you move on from me,” sagot ko. “Hindi mo pa ba kuha ‘yon? Bakit ba ayaw mong sumuko?”
“Gusto ko sanang sukuan ka, pero ayaw ng puso ko kaya heto ako ngayon, nagpapa-kamasochista para sa’yo.”
I stopped from my tracks and he did the same too. Tapos hinarap ko siya at tinignan ko ng seryoso. “That’s the exact reason kung bakit kita blinock para maka-move on ka,” sabi ko. I stepped closer and held his cheeks. “Look, Carl, wala akong nararamdaman para sa’yo. We can’t be together, alam mo ‘yan. Kaya maigi pa na sumuko ka nalang, okay? You’ve been trying to pursue me for 2 years already, pero walang nangyayari. Don’t you think na sign na ‘yun to give up?”
Hindi siya umimik at nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya nalulungkot at nasasaktan dahil sa sinabi ko at inakto ko.
“I’m sorry, Carl.” sabi ko bago ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanya.
I kept walking.
He did not follow.
Or so I thought.
Kasi narinig ko na sumigaw siya habang patuloy akong naglalakad palayo.
“Claire Saddie Dela Vega! I love you and I am going to make you mine. Just wait and see.”
I just raised my hand the air and waved as I continued walking. Bahala siya. Basta ako, sinabihan ko na siya. I did my part.