Pinanood ko lang si Ingrid habang kumakain siya ng almusal. Lumipat kami sa terrace niya. Doon kasi ay may lamesang pabilog at upuan. Kita ko mula rito ang bakuran nila. Ngayon ko lang nakita na malalayo pala ang mga kapit-bahay nila. Tapos malalawak ang bakuran. Sabi ni Zoriel noon ay ekslusibong subdibisyon daw ito. Walang basta-bastang nakapapasok na hindi rito nakatira. Kanina pa ako kinukulit ni Ingrid na sumabay raw ako sa kanya. Kaso kakakain ko lang din kanina bago ako umalis. Akala ko nga hindi ako makakapunta ngayong araw dahil sa sakit ng katawan ko. Tapos nakiusap pa si Kuya Daniel kanina na h’wag ko na nga lang daw ituloy. Tinatanong ko naman siya kung bakit pero hindi naman niya ako sinasagot. Para daw sa ikabubuti ko. Iyon lang ang sinasabi niya. Pero sa huli ay hinayaan

