Mabilis na hinabol ko siya at hinawakan ang dulo ng uniporme niya upang pigilan siya sa paglalakad. Kaagad na tumingin ang lalaki sa akin.
"You should go home, Mayari, were busy here and you're distracting my officers." anito sabay tingin sa mga police officer na nakatingin pa rin sa akin.
Tanongin mo naman ako kung ayos lang ba ako.
Tignan mo naman ako. Ang kalagayan ko.
Tanongin mo kung anong nangyari. Bakit andito ako? Bakit ganito ang itsura ko? Anong ginagawa ko rito ngayon?
"Go back to your work!" ma-awturidad na utos niya. Magkada-ugaga naman ang mga officer na nagbusy-busyhan na sa mga ginagawa. "And Mayari, If you're here to pester me for not attending our engagement party, I really am sorry about that. But please, let's not talk about it now. Can't you see? We're busy. I am busy." naging mahinahon na sabi niya pero may diin doon na para bang hindi ko maiintindihan ang sinabi niya at kailangan niyang ipa-mukha sa akin 'yon.
Oh.
Okay. . .
Bibigyan ko lang naman dapat siya ng pagkain. Hindi ko naman gusto na “ma-distract” ang mga kasamahan niya at hindi ko naman siya kukulitin sa hindi niya pagpunta sa engagement party namin. .
Binitiwan ko ang dulo ng uniporme niya. Umatras ako.
"Umuwi ka na." aniya at iniwanan na niya ako. Hindi ko na rin siya sinubukang pigilan ulit.
Umuwi?
Yes! I wanted to go home! But how? Nanakaw lahat ng gamit ko! Lahat! Nanakaw ang pera ko, so paano ako makaka-uwi? Natangay din ang selpon ko, so paano ako tatawag sa pinsan ko para sunduin ako rito?
I can ask the officers to do me a favor, to call someone for me. . . Tang ina. Makikitawag sana ako kaso. . . ang t-nga ko lang sa punto na hindi ko memoryado ang cellphone number ng pinsan ko o ng Tito Rojas ko.
I can also ask them to give me a ride home but as Carmichael said, they're all busy. Busy nga silang lahat, kitang kita ko naman ngayon.
"Ma'am, umuwi na raw po kayo sabi ni General." ulit na naman ng officer na nakaharap ko kanina. "Sino po ba ang kasama niyong pumunta rito? O may kasama po ba kayo?"
Tinanong niya ang mga tanong na gusto kong itanong sa akin ni Carmichael.
Umiling ako.
At nagulat ako nang bigyan niya ako ng ballpen at maliit na papel.
Oh. He knew.
Ngumiti 'to. "Kung may gusto po kayong gawin ko o sabihin, pasulat na lang. . "
Tumango lang ulit ako.
"Uhm. . . Kung hindi niyo po mamasamahin, ano pong nangyari sa inyo? May sugat po kayo sa kamay at medyo madumi ang suot mo."
Sasabihin ko na sanang na-hold up ako pero napahinto ako sa akmang pagsusulat nang tawagin si Lieutenant Sampson.
"Bok, go back to your work daw sabi ni General!" sabi no'ng isang officer.
"It's nothing." iyan na lang ang sinulat ko. Gusto ko sanang magreport eh. Wala bang aasikaso sa akin? Lahat sila, busy? Gano'n? Anong klaseng. . . tsk.
"Sure ka, ma'am?"
"Lieutenant Sampson." madiin, malalim na boses ang tumawag sa kaniya kaya naman napatayo siya ng maayos.
Maging ako ay napaayos ng tayo nang marinig ang boses na 'yon.
"Go back to your work!"
"Yes, Sir!" aniya.
"Now!" ma-awturidad na sigaw niya dahilan para matahimik ang ilang tatawa tawa at bubulong bulong na ibang officer. Naging seryoso silang lahat.
Mabilis ding sumunod si Lieutenant Sampson, alanganin niya akong tinignan at bumalik sa table niya.
Ito ba 'yong sinasabi ni Lou na magugustuhan kong ugali ni Carmichael sa trabaho? Na mas ma-iinlove ako kapag nakita ko siyang magtrabaho? He's strict and serious in work. Not too charming for me. Akala ko pala-ngiti siyang general at mabait. Akala ko lang pala. Gano'n kasi siya araw araw eh. Siguro iba talaga siya sa trabaho?
"Bakit ang strikto ngayon ni Heneral 'no?"
"Kaya nga, hindi naman ganiyan 'yan kahapon kahit na tambak na tayo ng trabaho."
"Baka pagod?"
"Ngeh? Hindi naman ganiyan 'yan kahit pagod eh. Mas nagiging pala-ngiti pa nga siya kapag loaded tayo sa trabaho para mapa-gaan ang atmosphere."
"Ewan ko nga, maayos naman siya kanina."
Rinig kong bulungan ng ibang officer nang mawala na si Carmichael at bumalik sa office niya.
Muntikan ng tumaas ang kilay ko nang matapos silang mag-usap lahat ay napatingin sila sa pwesto ko na para bang sinisisi nila ako kung bakit gano'n na lang ang mood ng general nila.
Bakit parang kasalanan ko?
Naupo ako sa gilid.
Siguro hihintayin ko na lang na matapos si Carmichael sa trabaho niya? At sabay na kaming uuwi. . .
O kung mas maagang matapos si Lieutenant Sampson ay sa kaniya na lamang ako hihingi ng pabor na makitawag o magpahatid na lang pauwi.
At katulad nga ng sinabi ko ay naghintay ako. Nakaupo ng maayos sa waiting area at pinapanood ko ang abalang estasyon. May ilang napapatingin sa gawi ko pero kaagad ding bumabalik.
Maya maya ay lumapit sa akin si Lieutenant Sampson at binigyan ako ng tubig. Naupo rin siya sa tabi ko. Inabotan niya ako ng tubig na mabilis kong kinuha at ininom.
Kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko.
"Wala ka po bang balak umuwi?" tanong nito. Nagtaka ako nang makita ko may hawak siyang band-aid, binuksan niya ang isa at tinapal 'yon sa may sugat at gasgas kong palad. "Linisin niyo na lang po kapag naka-uwi na kayo." imporma pa niya.
Mabilis ding siyang bumalik sa trabaho niya.
Napatingin ako sa band-aids na may mga design pa.
Buti pa 'to, may pakialam at may kaunting oras para i-check ako. Samantalang ang lalaking nasa likod ng two way na mirror na nasa harapan ko, wala man lang oras o paki.
Annoying.
Gusto ko ng umuwi.
Sana maisipan ni Lou na tawagan ang selpon ko. Sana kapag hindi ako sumagot ay hanapin niya na niya ako. O puntahan na rito kasi alam naman niya na pupunta ako rito eh.
Siguro may tatlong oras na akong naka-upo sa waiting area. Dahil na rin siguro sa pagod ay kinain ako ng antok. Nagising ako na gabi na at wala sa sariling nakaramdam ng dismaya.
Did he even plan to check on me? Do he even care?
Kasi kung may pakialam siya. . . hindi niya ako hahayaang matulog rito sa waiting area.
F-ck.
Ano bang iniisip ko? Ni hindi nga niya ako tinignan kanina, hindi niya nakita ang maruming suot ko, ang pawis at pagod ko. Ni hindi niya napansin ang nakabalandrang sugat at mga gasgas sa kamay kong humawak sa kaniya.
Napatingin sa akin ang ibang officers nang makita nilang gising na ako. Kung anong itsura nila bago ako makatulog, gano'n pa rin nang magising ako. Gano'n sila ka-busy? Pero may mga inaasikaso na silang ibang tao na magrereport siguro ng kaso. . . hindi kagaya kanina na ina-attend at inaasikaso lang ako ng lieutenant kanina ay nagagalit pa 'yong heneral nila.
Napatingin ako sa labas at madilim na pala. Napatingin ako sa walk clock ng station at nakita na 7:00 na ng gabi.
Gano'n ako katagal nakatulog?
Tumayo na ako at parang nakaramdam ng ginhawa ang nangalay na paa ko.
"Si General Andrado?" sulat ko sa papel at binigay 'yon kay Lieutenant Sampson.
"Naku, gising ka na pala Ma'am! Sabi ni Sir, sabihin ko raw na umuwi na kayo kapag gising na kayo." ngusong sabi niya.
Kumunot ang noo ko.
"May isang paper work na lang ako, Ma'am, pwede ko kayong ihatid pagkatapos nito." alok niya sabay pakita sa akin ng nag-iisang folder na nasa harapan niya, nakatabi naman ang bulto bulto sa gilid na mukhang tapos na niyang gawin. "Pagod na ako, Ma'am, pero syempre. . . obligado kita kasi ikaw ang magandang finance ng General naming wala mood." ani pa niya.
Napangiti ako ng maliit.
"I-rereport niyo na po ba kung anong nangyari sa inyo kanina? Ako na po hahawak ng kaso niyo." alok pa niya. "I'm here to talk to."
Tumango ako. Umupo ako sa upuang nasa harapan lang ng table niya at sinulat ko ang salitang “Na-hold up ako,” Inilapag ko 'yon sa table niya at akma niyang babasahin nang may biglang bumagsak ang bulto bultong folder sa harapan niya, nadaganan ang sulat.
"He's busy, don't bother him." boses na naman 'yon ni Carmichael.
"Pero General, tapos ko na po—" Napahinto sa pagrereklamo si Lieutenant nang seryosong tinignan siya ni Carmichael.
"And you, why are you so hard headed? Didn't I told you to go home already?" baling nito sa akin. Mas seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin keysa kanina. "Ano pa bang ginagawa mo rito? Sinabi ko naman na sayo na sa susunod na araw na natin pag-usapan ang isyu mo tungkol sa hindi ko pag-attend ng engagement party, andito ka pa rin? Hindi ka makaintindi? O baka naman andito ka para magpapansin sa mga officers?"
Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Pumintig din ang ulo ko at bumigat ang paghinga ko.
Hard headed? Magpapansin?
I'm here because I don't have a choice! Na-hold up ako! Magrereport sana ako pero pinapagalitan mo lagi 'yong officer na aasikasohin sana ang ikakaso ko! Hihingi sana ako ng pabor pero galit ka!
Parang gusto ko namang manatili rito! No! Of course, not! At hindi ako nagpapapansin!
I wanted to say that on his face but I can't.
"May nangyari sa kaniya, General, magrereport siya—"
"Shut up and back to work!" pigil na naman niya sa pagsasalita ng lalaki.
Annoying!
Inis na binagsak ko ang ballpen na hawak ko sa mesa ni Lieutenant at tumayo. Mabilis na naglakad ako palabas ng estasyon. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lieutenant pero rinig ko rin ang pagpapabalik ni Carmichael sa kaniya sa trabaho.
Nasa labas na ako station at mabilis na niyakap ko ang sarili ko nang sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin.
Ang sama sama ng loob ko sa kaniya!
Kahit dinadaga ang puso ko na maglakad sa kalsada at lugar na hindi ako pamilyar ay nagsimula na akong maglakad. Mabuti na lang talaga ay naka-flat shoe lang ako. Ang problema lang ay nilalamig ako dahil sa suot kong botton down shirt at jeans.
Napa-igta ako sa gulat at mabilis na inalis ko ang kamay ng kung sinong humawak sa pala-pulsuhan ko. Bakas ang takot sa mukha ko nang hinarap ko ang nilalang na 'yon pero kaagad na napalitan ng irita ang takot ko nang makita ko kung sino ang taong 'yon.
"Na-hold up ka?" tanong niya. Wala na ang istrikto at seryosong Carmichael. Napalitan 'yon ng pag-aalala.Mukhang nabasa o nasabi na sa kaniya ang nangyari. "Sinaktan ka ba no'ng hold upper?" tanong niya.
Pawis na pawis siya at hinihingal. Mukhang hinabol niya ako.
Annoying creature!
Hindi ko siya pinansin at basta na lang naglakad palayo sa kaniya.
"Mayari!" tawag niya sa akin.
Nakahabol siya, hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa paglalakad.
"Sinaktan ka ba no'ng hold upper hmm?" tanong na naman niya at sinipat niya ang kabuuan ko. At napamura siya nang makita ang sugat sa dalawang kamay ko. "Tang ina. Nakikilala mo ba 'yong hold upper? Natatandaan mo ba ang mukha niya? Nakita mo ba 'yong plate number niya? Namemorya mo?" sunod sunod ang tanong niya.
And by looking at him, he's about to cry or something. . Napapalunok siya at halos ma-utal utal pa habang nagtatanong. Pa-ulit ulit niyang tinignan ang kamay kong nagtamo ng sugat.
"F-ck! I'm sorry! Hindi. . . hindi ko nakita kaagad 'yang sugat mo. . hindi ko napansin na may nangyari na pa lang masama sayo. . Tang Ina. . ang t-nga t-nga ko. . I should've ask you. . I should've known better. . "
And he hugged me.
Nanatili akong walang emosyon at walang gana. Hindi ko binalik ang yakap niya. I didn't give him the satisfaction of knowing that I am good or what. Bahala siyang mag-alala riyan.
Nang pinakawalan niya ng yakap ay mabilis na tinalikuran ko ulit siya.
"Mayari!" tawag niyang muli sa akin. Nakahabol siya at muli niya akong hinawakan, and this time, mas mahigpit na parang wala siyang balak pakawalan ako ulit.
Nagulat ako nang niyakap niya ako. . . at pinatong niya ang baba niya sa ulo ko. Sinubukan kong kumalas pero hindi niya ako hinayaan.
Annoying!
"I'm sorry. . . " pa-ulit ulit niyang sabi. "Tell me, bukod sa kamay mo, alin pa ang nasaktan? Sabihin mo sa akin. . . Please. . And tell me his plate number, I will track that jerk down and I will give him hell."
Napa-irap na lang ako.
"Again, Mayari, nakikilala mo ba 'yong hold upper? Natatandaan mo ba ang mukha niya? Nakita mo ba 'yong plate number niya? Namemorya mo?" tanong niyang muli. At ngayon, desidido na ang boses niyang makuha ang sagot sa akin.
Of course, I can't answer him. I can't say to him to let me go. Kaya naman nang makuntento siya at kumalas sa yakap, doon ko siyang muling tinalikuran at naglakad, mabilis ang lakad ko at tinawag muli Carmichael ang pangalan ko at may iritasyon na ang boses niya.
"What? You're going to ignore me?! Sumagot ka naman!" iyan ang iritabling sigaw ni Carmichael habang nakasunod sa akin.
Tatawid na sana ako pero mabilis na napahinto ako nang may kotse na patungo sa gawi ko.
Napuno ng kaba ang dib-dib ko, akala ko ay masasagasaan ako pero huminto lamang 'yon sa tapat ko. At nang makita ko na si Seb ang driver no'n ay mabilis na pumasok ako sa loob.
"Hi, Sis!" bati sa akin ni Seb pero hindi ko siya pinansin at sinuot ang seatbelt.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto sa tapat ko.
"Get off, Mayari." nag-uutos na sabi niya pero walang ganang tinignan ko lang siya. "Please, don't be so stubborn—" napatigil siya sa pagsasalita nang pinikit ko ang mga mata ko.
"Sa akin na siya sasabay Kuya, hindi ka ba makaramdam? Ayaw niyang sumabay sayo," rinig ang nakakalokong tono ni Seb habang sinasabi 'yon sa Kuya niya. It's obvious that he's provoking him.
"Get off, Seb!" ngayon ay iba naman ang inutosan niya.
"Ayoko nga."
"Aalis ka diyan o—"
"O ano?" putol ni Seb sa Kuya niya, "Wala kang ibabala sa akin, Kuya General Carmichael Andrado. At isa pa, ayaw sayo ni Mayari oh! Tinatakbuhan ka nga. Tsk. Wala ka kasing kwenta."
"What?!" may galit na sabi ni Carmichael sa sinabi ng kapatid niya.
"Oh? Hindi mo alam na wala kang kwenta? Nakakatawa ka naman." ngayon, ang nakakalokong tono ni Seb ay nawala. Naging seryoso 'to.
Kaya naman minulat ko ang mata ko upang tignan ang nangyayar. Parang mag-aaway pa yata.
"For you information, na-hold up siya."
"I know!"
"Edi congratulations?"
"Seb!"
"What? Kanina pa siya sa station niyo tapos wala kayong ginawa? Ibang station ang nakalutas no'ng kaso niya." sabi nito. "Ako na bahala sa kaniya, pumunta ka na ulit sa trabaho mo."
"Pero. . "
"Please lang ah."
"Okay. Good luck handling her. Ni hindi man lang sumagot." ani ni Carmichael.
Isang singhap naman ang kumawala sa bibig ni Seb. Bumakas din ang gulat at pagtataka sa mukha niya.
"Kuya, you didn't know?" kuryusong tanong niya.
Kumunot naman ang noo ni Carmichael. "What?"
"No one's tell you?" tanong ni Seb sabay tingin sa akin.
"No one's tell me what?"
"She's mute, Kuya."