Kahit anong gawin kong pagguhit ay tila walang magandang imahe na lumalabas sa imahinasyon ko. Tila kahit anong kombinasyon ng kulay ang haluin ko ay hindi ito naaangkop at pawang walang nagiging buhay ito. “Argh!” asik ko sa aking sarili. At agad kong pinunit ang papel at nanggigil akong napakamot sa aking batok. Hindi ko alam kung bakit tila ‘di ako makapag-isip nang maayos at ang tanging nasa utak ko lamang ay ang lalaking nakamaskara kung totoo bang si Basti iyon. Naging basehan ko ay ang tattoo nito sa kaniyang balikat, dahil may gano’n ding tattoo si Basti ngunit ang paraan ng paghalik sa akin ni Basti ay ibang-iba sa paghalik sa akin ng demonyong iyon. At ‘di ko mawari kung bakit ang paghalik sa akin ni Basti ay ‘di nakakapagbigay sa akin nang init at sensasyon at tila walang n

