Episode 1

1301 Words
EPISODE ONE Rachel's POV. “Lagi mong tatandaan, Rachel, na hindi ka pwedeng lumapit o makipag usap sa nag-iisang anak ng mga Coleman. Alam mo naman kung gaano kami kagalit sa kanila diba?” sabi ni Mommy habang kumakain kami sa aming breakfast. Gusto kong umirap sa harapan ngayon ni Daddy at ni Mommy pero hindi pwede kasi baka masampal nila ako sa mukha ngayon. Mahigpit na magkaaway sa negosyo ang pamilya namin, ang mga Mijares at ang pamilya nila Louis, ang mga Coleman. Wala naman akong pakialam kung sino ang kaaway ng pamilya ko at kung sino ang kaaway nila sa negosyo namin. Ang gusto ko lang naman ay mag saya sa buhay ko nang walang iniisip na problema. “Busog na po ako, pupunta na po ako ng school.” Matamlay kong sabi at walang pasabi na umalis na sa dining room at lumabas na sa aming bahay. I am a 3rd-year college of the program Business Management, and I have no choice but to take it because I am the only child of my parents. Nang makarating na ako sa university na pinag-aaralan ko ay naglakad na ako papunta sa aming department. Habang naglalakad ako ngayon ay bigla nalang akong natigilan nang may biglang humila sa akin at hinatak ako papunta sa likuran ng abandonadong building. Mabilis niya naman akong hinalikan at mabilis ko din siyang hinalikan pabalik. “Do you missed me that much, huh?” nakangisi kong sabi nang makitang nakabukas na ang dalawang butones sa suot kong damit. Ngumisi siya at hinaplos ang aking hita kaya mahina akong napaungol. “Bakit ang tagal mo nang hindi nagpakita sa akin, hmmm? Iniiwasan mo ba ako?” mapang akit niyang sabi habang hinahalik-halikan ang aking leeg. Bahagya ko siyang tinulak at tinignan. “May pinuntahan nga kasi kami ng mommy at daddy ko. Nasabi ko naman sa’yo ‘yun, diba?” malambing kong sabi at hinaplos ang kanyang pisngi. Inialis niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang mukha at tinignan ako ng seryoso. “Go to my condo unit later after your last period.” Sabi niya at iniwan akong mag isa dito sa likod ng building. Bumuntong hininga ako at napakagat sa aking labi. I have a relationship with Louis Anderson Coleman. At ni isang tao dito sa campus namin ay walang nakaalam, kundi kami lang dalawa ni Louis. Hindi pwedeng malaman ng mga pamilya namin na may relasyon kami ni Louis kasi paniguradong hindi nila magugustuhan ito. Iyong relasyon namin ni Louis ay hindi kagaya ng ibang magkasintahan na mahal ang isa’t isa. Kasi ang relasyon namin ni Louis ay iba, he needs me and I need him too. Nagkakasundo kami sa kama at pareho naming nagustuhan ito. Isang taon na kaming ganito ni Louis, nag simula ang relasyon naming ito noong aksidenteng may mangyari sa amin ni Louis noong nasa party kami ng kaklase namin. Simula noon ay nagkasundo na kami na magkaroon kami nang relasyon na ganito, FUBU o f**k Buddies. “AHHH! L-Louis,” ungol ko nang pabilis nang pabilis ang kanyang pag bayo sa aking ibabaw. Magkasunod kaming nilabasan ni Louis. Napahiga naman siya sa aking tabi at pareho kaming hinihingal ngayon at pinagpapawisan. “Balita ko nakauwi na daw si Jennifer.” Sabi ko. Naramdaman ko naman na napasulyap siya sa akin. “Yeah. Kahapon lang.” Jennifer is Louis’ girlfriend at matagal na silang magkasintahan simula pa noong high school pa sila. Alam kong mali itong ginagawa namin ni Louis kasi this is cheating pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa isang taon din namin na ganito ni Louis ay nahulog na din ako sa kanya. Pero alam ko naman na walang patutunguhan itong pagmamahal ko sa kanya kasi mahal niya si Jennifer. Kaya hindi na ako umasa na magugustuhan ako ni Louis kaya sinagot ko ang matagal ko na din na manliligaw na si Geoff. Pareho kaming may mga girlfriend at boyfriend na, pero pinagpapatuloy pa rin namin itong relasyon naming ito. “Naka pills ka ba?” tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakalimutan niyang mag suot nang condom kanina pero safe naman ako ngayon. “Yeah. Kaya ‘wag kang mag-alala.” Sabi ko at napatalikod na sa kanya upang matulog. Nang magising ako ay wala na si Louis sa aking tabi. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na. Sanay na ako na kapag may nangyayari sa amin ay hindi ko na siya makita sa aking tabi kapag nagising ako. Umuuwi nalang din ako agad at sisiraduhin ang kanyang condo unit. Itong condo unit na pinupuntahan namin palagi ay exclusive lang sa aming pagkikita, sa ibang unit siya nakatira kaya may copy ako sa susi dito. Habang pauwi ako ngayon sa mansion namin ay nakita kong tumatawag ang aking boyfriend na si Geoff. Mabilis ko naman na sinagot ang kanyang tawag habang nag da-drive ako ngayon. “Hey, babe.” Sabi ko. “Hey, babe. Nasaan ka ngayon? Tinawagan ko ang telepono niyo sa mansion, sabi nila hindi ka daw doon natulog.” Napakagat ako sa aking labi nang sabihin iyon ni Geoff. “Uhm, may ginawa kasi kaming project ng ka group mates ko kagabi kaya hindi ako nakauwi sa mansion. Hindi ko na din nasabi kina Mom kasi busy sila sa trabaho, sorry kung hindi kita nasabihan.” “It’s okay, babe. Pauwi ka na ba?” “Yes, babe. Why?” “Date sana tayo, matagal na kasi tayong hindi nagkakasama.” Napahinga ako nang malalim at muling napakagat sa aking labi. Na gu-guilty na din ako sa ginagawa ko kay Geoff kasi parang panakip butas ko nalang siya at para mawala sa isipan ko na mahal ko si Louis. “Sure, babe. Puntahan mo nalang ako sa mansion ngayon.” “Okay, babe. I love you.” Natigilan ako sa kanyang sinabi at hindi alam kung ano ang aking isasagot. “Bye.” Sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag ni Geoff. Nang makarating ako sa mansion ay agad akong naligo at nagbihis para sa date namin ni Geoff. He deserves this because he is my boyfriend. Kailangan kong gampanan ang pagiging girlfriend ko sa kanya kasi matagal na din kaming hindi nagkikita. Nang makarating si Geoff sa mansion namin ay agad din kaming umalis at sumakay ako sa kanyang kotse. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha kaya masaya na din ako. “Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin habang nakangiti parin at binalik na ang focus sa pag da-drive. “Punta muna tayong restaurant upang kumain. Mamaya nalang tayo mag iisip saan tayo pupunta sa susunod.” Sabi niya. Ngumiti ako at hinayaan na si Geoff kung saan kami kakain. Sa isang Chinese restaurant ako dinala ni Geoff. Hindi ko mapigilang matuwa dahil matagal na din akong hindi nakakakain ng Chinese foods. Sabay kaming pumasok ni Geoff sa loob ng restaurant. Habang naghahanap kami ng mauupuan ng boyfriend ko ay bigla akong natigilan at nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko kung sino ang nandito sa restaurant na pinuntahan namin ni Geoff. “Babe, are you okay?” Napakurap ako at napatingin kay Geoff. Nginitian ko siya at tumango. “Y-Yes.” Nakahanap na pala siya ng table. Pumunta kami doon at umupo na. Huminga ako nang malalim at muling tinignan ang table kung nasaan ngayon si Louis na kasama ang kanyang girlfriend na si Jennifer. Bahagya akong nagulat nang makita kong nakatingin din pala sa akin si Louis ngayon. Mabilis akong umiwas sa kanya at tumingin kay Geoff at nginitian ito. Hindi pwedeng ma distract ako kay Louis. Araw ito ng boyfriend ko ngayon at kailangan kong mapasaya siya at dapat nasa kanya lang ang atensyon ko because I know Geoff deserves it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD