EPISODE 41 RACHEL’S POINT OF VIEW. MAS dumadami na ang natatanggap naming death threats dito sa mansion at kahit ilang beses nang hinihintay ng mga guards kung sino ang naglalagay ng mga ito sa gate ay hindi nila ito na tye-tyempuhan. Mas lalong double na ngayon ang security sa mansion at pati na rin doon sa bahay nila Mommy at Daddy dahil baka sila din ang puntahan doon. “Kailangan na siguro nating lumayo, Rachel.” Napatigil ako sa aking pagbabasa sa aking hawak na libro at napatingin kay Louis. Nandito kami ngayon sa aming kwarto at kanina pa parang malalim ang iniisip ni Louis habang nakaupo sa couch. Hindi na nagta-trabaho si Louis sa kanilang kompanya at nandito nalang siya palagi sa mansion upang samahan ako. Minsan ay nababagot na ako rito sa loob ng mansion pero nang dahil kay

