Episode 4

2522 Words
EPISODE 4 RACHEL'S POINT OF VIEW. Hindi pa rin mawala sa aking utak ang mga kinuwento ni Jennifer kay Bonnie tungkol sa kanila ni Louis. Alam ko naman na matagal na sila at bago sila naging magkasintahan ay naging magkaibigan sila noong bata pa. Habang ako naman ay nakilala lang ni Louis bilang anak ng kaaway ng kanyang pamilya. Nandito ako ngayon sa may clinic at nakahiga ako ngayon sa isang hospital bed. Buti nalang talaga at pumayag ang nurse na nagbabantay rito na makapagpahinga ako. Ayaw ko lang talaga muna makita si Jennifer o hindi naman si Louis. Hindi pa ako handa na makita ko ulit sila na masaya sa isa’t isa. Bumuntong hininga ako at muling pinikit ang aking mga mata. Kailangan ko muna ialis sa aking isipan si Jennifer at si Louis. Magpapahinga muna ako. “Miss Mijares, gising na.” Rinig ko na sabi ng nurse. Nagising ako nang may tumapik sa aking balikat. Hinay-hinay akong napamulat at nakita kong ang nurse pala na nagbabantay sa clinic ang gumising sa akin. Napakusot ako sa aking mga mata at napaupo galing sa aking pagkakahiga. “Anong oras na po?” tanong ko. “Malapit na mag alas kwatro kaya ginising na kita,” sabi nito. Napatango naman ako at inayos na ang aking sarili. Tumayo na ako at nagpaalam na sa nurse na aalis na, pero bago ako makaalis ay chi-neck niya muna ang aking temperature at pinapirma sa logbook nang tapos na akong gawin iyon ay lumabas na ako. Dumiretso ako kaagad sa may classroom namin. Habang naglalakad ako ngayon papuntang room namin ay natigilan ako sa aking paglalakad nang makasalubong ko si Louis at kasama niya ngayon si Jennifer na nakakapit sa kanyang braso. Iiwas na sana ako at babalik sa aking paglalakad pero nakita ako ni Jennifer kaya wala na akong takas. “Rachel! Okay ka na ba?” tanong nito at lumapit sa akin. Nakita kong nakasunod lang sa kanya si Louis at tahimik lang pero nakatingin ito sa akin kaya hindi ko mapigilang mailang. “A-Ah, okay na ako,” sabi ko. Kita ko ang pagkunot sa noo ni Louis at pagtingin niya sa akin na para akong tinatanong. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil baka mapansin kami ni Jennifer. “Nasabi sa akin ni Bonnie na palagi ka nalang daw nagpupuyat. Masama ‘yan sa katawan kaya h’wag mo na ‘yung gawin ulit, Rachel,” sabi ni Jennifer. Bakit ba nangingialam siya sa akin? Close ba kaming dalawa? Hindi niya ba ramdam na ayaw ko sa kanya? Nginitian ko nalang ito dahil hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kanya. “Ah! Kilala mo na ba itong boyfriend ko? Rachel, meet my boyfriend Anderson Coleman,” sabi ni Jennifer at kumapit ulit sa braso ni Louis. Hindi ko mapigilang masaktan pero tinago ko lang ito. “K-Kilala ko na siya. Hello, Louis,” sabi ko at maliit na ngumiti kay Louis. Tumango siya sa akin na parang walang pakialam. “Ganun ba? Nice!” nakangiting sabi ni Jennifer. “Y-yeah. Alis na ako Jen, salamat pala,” sabi ko. “Okay, Rachel! Ingat ka.” Sabi nito. Nagmadali akong naglakad papalayo sa kanila. Nang makalayo na ako ay napatigil ako sa aking paglalakad at napahawak sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim at napatingala. Bakit ba ang lakas nang kaba ko kanina? Wala namang alam si Jennifer sa pinag gagawa namin ng boyfriend niya at hinding-hindi niya ito malalaman. Nang kumalma na ako ay naglakad na ulit ako papunta sa aming classroom at nang makarating ako roon ay nakita ko na kaagad ang mga kaklase ko na naghahanda na para makauwi. Agad kong nakita si Bonnie na kinuha ang aking bag sa aking upuan. Napatingin siya sa akin at agad na lumapit. “Okay ka na ba? hindi ka na ba nahihilo?” sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko na rin ang bag ko na hawak niya. “Okay na ako. Kunting tulog lang ang kailangan ko at hindi na rin ako nahihilo,” aking sabi. Napasimangot siya. “Bakit ka kasi nagpupuyat?! Hindi ka naman gumagawa ng mga projects natin o hindi naman nag aaral?! May ginagawa ba kayo ni Geoff nang hindi ko alam?!” tanong niya. Mabilis akong napailing. Anong ginagawa namin ni Geoff? Hindi nga kami palaging nagkikita o nagkakausap man lang dalawa dahil palagi siyang busy sa kanyang pag aaral. “Hindi, ah! Busy si Geoff sa pag-aaral niya dahil malapit na rin ang board exam at kailangan niya nang double na pag-aaral,” sabi ko. Naningkit ang kanyang mga mata. “Kung busy naman si Geoff sa pag-aaral niya at palagi kang napupuyat… may kinikita kang ibang lalaki ‘no?!” sabi ni Bonnie. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na umiling. “N-No! Bakit mo nasabi ‘yan?!” sabi ko at mabilis na umiwas nang tingin kay Bonnie. “Hinulaan ko lang naman, eh. Pero impossible naman na magawa mo ‘yun kasi mahal mo si Geoff at mahal na mahal ka rin ng boyfriend mo,” sabi ni Bonnie. Napaiwas nalang ako nang tingin at hindi na nagsalita. Alam kong magagalit si Bonnie kapag nalaman niya ang kagagahan na ginagawa ko kasama si Louis Anderson Coleman. Sabay kami ni Bonnie na lumabas ng classroom namin at naglakad pauwi. Nang malapit na kami sa may gate ay may agad akong napansin na kotse at isang lalaki na nakasandal sa labas ng kotse nito. Nanlaki ang aking mga mata nang malaman kung kanina ito. “Geoff!” sigaw ko sa kanyang pangalan at tumakbo papalapit sa kanya. Ngumiti siya at lumapit din sa akin at nang makalapit kami sa isa’t isa ay agad ko siyang niyakap. Binuhat din ako ni Geoff at bahagyang inikot. Nang matapos na kaming magyakapan ay hinalikan niya ang aking labi at bahagyang hinaplos ang aking pisngi. “I missed you, Rachel,” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at niyakap siya. “AHH! Sana all! Nakakainis naman!” rinig kong sigaw ni Bonnie. Napatawa ako at napatingin sa aking kaibigan na papalapit sa amin ni Geoff. Nakahawak sa aking beywang ngayon si Geoff habang hinahalik-halikan ang aking ulo. “Mukhang may date kayo ngayon, Rachel. Hindi ka muna sasabay sa akin nang uwi,” nakangising sabi ni Bonnie. Mahina akong napatawa. “Pwede ko ba munang mahiram ang best friend mo, Bonnie?” tanong ni Geoff. Napairap si Bonnie. “Duh? She’s all yours, Geoff! Magpakapagod kayo ngayon! Pero huwag mo ‘yang pupuyatin ah?” sabi ni Bonnie. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero kinindatan niya lang ako at nagpaalam na sa amin na aalis dahil nandito na ang kanyang sundo. Nang makaalis na si Bonnie ay sinamahan na ako ni Geoff papunta sa kanyang kotse at pumasok na ako. Nang makapasok na kaming dalawa ay humarap ako sa kanya at nagtanong. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba busy?” tanong ko. Napatingin siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “I missed you, babe. Kaya ako nandito dahil gusto kitang makasama. Hindi mo ba ako namiss?” tanong niya. Bahagya pa akong nagulat sa kanyang tanong pero nginitian ko lang siya. “Miss na rin naman kita, Geoff. Pero baka busy ka sa pag-aaral,” sabi ko. Hinalikan niya ang aking kamay at muling ngumiti sa akin. “Wala na akong ginagawa, Rachel. Kaya ako kaagad pumunta rito kasi gusto kitang makita para inspiration na rin sa pag-aaral,” sabi niya. Napangiti ako sa kanyang sinabi. He’s perfect. Gwapo, mabait, matalino at mahal na mahal ako. Wala na akong iba pang mahihiling pa at ang swerte swerte k okay Geoff. Nasasaktan ako sa ginagawa kong panloloko sa kanya dahil hindi niya deserve ang ganito. Itatama ko na ang mga maling nagawa ko. Hindi na ako makikipagkita kay Louis at ititigil ko na ang kabaliwan ko sa Coleman na iyon. Matutunan ko namang mahalin si Geoff dahil mabilis lang naman mahalin ang isang katulad niya. Dinala ako ni Geoff sa paborito kong restaurant kayang tuwang-tuwa ako. Siya na rin ang nag order sa kakainin namin at lahat ng kanyang pinili ngayon ay ang mga pagkain na gustong-gusto ko. Buong oras akong nakangiti rito sa loob ng restaurant habang kasama ko si Geoff. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pag-iingat at pagmamahal niya sa akin. Pagkatapos naming kumain ni Geoff ay nag-usap muna kami ng mga bagay-bagay at kinuwento niya rin sa akin ang mga nangyayari sa kanya sa law school. Sinabi ko rin sa kanya ang nangyari sa akin sa aming campus at muli akong pinagsabihan ni Geoff na ingatan ang aking sarili. Nang sumapit na ang alas sais ng gabi ay napagpasyahan na naming umalis. Hinatid ako ni Geoff sa aming bahay at nang makarating na kami ay pinagbuksan niya ako nang pintuan para makalabas sa kanyang kotse. Humarap ako kay Geoff at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at bahagya itong hinaplos. “Thank you for everything, Geoff. Ikaw lang ang lalaking nagparamdam sa akin na importante at kamahal mahal ako,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. Hindi ko mapigilang maging emotional habang sinasabi ko iyon sa kanya. Isang taon na akong naghihintay na sana maramdaman ko rin ang pagmamahal sa lalaking mahal ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Si Geoff lang ang nagparamdam sa akin nang ganito at ang swerte ko sa kanya. “Mahal na mahal kita, Rachel. You deserve everything and you deserve all the love. Mamahalin at papasayahin kita, Rachel,” nakangiti niyang sabi. Hindi ko na mapigilang maiyak sa sinabi niya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya upang mahalikan sa kanyang labi. Napapikit ako sa aking mga mata habang hinahalikan pa rin si Geoff ngayon. Nang matapos na kaming maghalikan ay sinandal ko ang aking noo sa kanyang noo at bahagyang hinaplos ang kanyang buhok. “Sana mahintay mo ako, Geoff,” mahina kong sabi. “Maghihintay ako, Rachel,” sabi niya. Pagkatapos naming mag-usap ni Geoff ay nagpaalam na siya sa akin na aalis na dahil may kailangan pa siyang gagawin. Nang makaalis na si Geoff ay pumasok na rin ako sa aming bahay. Hindi ko nakita ang mga magulang ko pagpasok ko dahil may business trip sila sa Singapore at next week pa sila makakauwi. Nang makapasok ako sa loob ng aking kwarto ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone na nasa loob ng aking bag. Agad ko itong kinuha sa aking bag at tinignan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang aking noo nang makitang si Louis pala ang tumatawag. Sinagot ko ang kanyang tawag. “Hello?” sabi ko nang masagot ko ang tawag niya. “Nandito ako sa labas ng bahay niyo,” malamig niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong napatakbo papunta sa aking bintana at hinanap kung nasaan siya. Nakita ko ang kanyang sasakyan na nasa labas ng aming gate. “What are you doing here?! Paano nalang kung malaman ng mga magulang ko na nandito ka?!” sabi ko. “Kung ayaw mong malaman nila na may isang Coleman na naghihintay sa labas ng bahay niyo, puntahan mo ako rito sa labas,” sabi niya at pinatay na ang tawag. Napapikit ako sa aking mga mata at walang nagawa kundi puntahan si Louis sa labas. Buti nalang ay walang nakabantay na guard ngayon dito sa may gate kaya Malaya akong nakalabas at pinuntahan si Louis. “Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko nang makalapit ako sa kanya. “Pumasok ka sa loob ng kotse ko,” sabi niya at binuksan ang pintuan ng kotse na nasa tabi niya. Tinaasan ko siya nang kilay. “Bakit naman? Wala tayong usapan na magkikita tayo ngayon, Louis!” sigaw ko sa kanya. Napapikit siya sa kanyang mga mata at muling napatingin sa akin. Kita ko ang inis sa kanyang mukha ngayon pero binalewala ko lang ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso. “Get in the car, Rachel Davina,” matigas niyang sabi at pinapasok na ako sa loob. Wala akong nagawa kundi pumasok nalang. Nakasimangot ako ngayon habang hinihintay siyang makapasok na rin sa loob. Nang makapasok na siya ay agad niyang pinaandar ang kanyang kotse. “Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko sa kanya. “Sa condo ka matutulog ngayon kasama ako,” sabi niya habang nag fo-focus sa kanyang pag da-drive. Hindi ko mapigilang magulat sa kanyang sinabi. “W-What?! Hindi natin schedule ngayon, Louis!” sabi ko. Umigting ang kanyang mga panga. “Don’t distract me, Rachel. Sa condo na tayo mag-usap,” sabi ni Louis. Napairap nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Nang makaratin na kami sa condo unit na palagi naming pinagkikitaan ni Louis ay agad akong humarap sa kanya. “What do you want, Louis? Diba may usapan na tayo noon na huwag na huwag mo akong guluhin kapag hindi natin schedule?!” inis kong sabi. Hindi siya nagsalita. Nakita ko siyang kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at lumapit sa akin. Napakunot ang aking noo. “Anong gagawin mo?” taka kong tanong. Nagulat nalang ako nang bigla niyang punasan ang aking labi gamit ang kanyang panyo. Seryoso ang kanyang mukha habang ginagawa niya iyon sa akin. Bahagya ko siyang itinulak kaya naitigil niya ang kanyang ginagawa. “Ano bang problema, Louis?!” sigaw ko. Hindi ko na mapigilang mainis sa kanya dahil kanina pa siya tahimik at hindi ko alam kung ano itong ginagawa niya. “You kissed him,” he said. Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Nang mapagtanto ko na kung sino ang ibig niyang sabihin ay napatingin ulit ako sa kanya na may halong gulat. “N-Nakita mo kami kanina ni Geoff?” hindi makapaniwala kong tanong. Malamig niya akong tinignan ngayon. “Hinintay kita na makauwi sa inyo. Isang oras akong naghintay sa labas pero hindi ko pa nakikitang umuwi ka. Hanggang sa nakita kong hinatid ka ng lalaking iyon at hinalikan mo siya,” sabi ni Louis. Hindi ako makasagot sa sinabi ni Louis. Hindi ako makapaniwala na isang oras siyang naghintay sa labas at nakita niya rin ang paghalik k okay Geoff. “L-Louis, may gusto akong sabihin sa iyo,” mahina kong sabi, Ito na siguro ang tamang oras para itama lahat ng aking pagkakamali. Napailing si Louis at lumapit sa akin. Aatras na sana ako nang mahawakan niya ang aking beywang. Napatingin ako sa kanyang mukha at hindi ko mapigilang kabahan. Rinig ko na rin ang malakas na pagtibog ng aking puso ngayon. “Hindi ako makakapayag na iwan mo ako, Rachel.” Seryoso niyang sabi. “Louis—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla nalang niya akong halikan sa aking labi. Itutulak ko na sana siya nang hawakan niya ang magkabila kong kamay at pinakapit sa kanyang batok. Pinalalim niya pa lalo ang paghalik sa akin kaya wala akong nagawa kundi halikan siya pabalik at napapikit. Bakit ka ganito sa akin, Louis Anderson? TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD